EPISODE 3: First Blood

9 0 0
                                    


-Rosselle Ann Añonuevo-



"Hindi ko alam kung anong sinasabi mo! Rolan parang awa mo na!! Pakinggan mo naman ako!!" Pag mamakaawa ng isang babae sa kaniyang kasintahan.

"Rolan! May bata sa tiyan ko!! Rolan tang1na mo buntis ako!!" Hindi niya maintindihan kung bakit kahit anong sabihin ng babae ay parang walang pakialam at naririnig ang lalaking kausap nito hanggang sa tuluyan na siyang mawalan ng buhay. Isang buntis na babae pinatay ng sarili niyang nobyo, kamatayan... Walang makakatakas kay kamatayan 'yun ang sabi ng lalaki, traydor sa mag kakaibigan, meron rin kaya nito sa grupo namin? Lahat naman mamamatay ngunit bakit kailangang pangunahan sila ng tadhana? Nakakabaliw, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila ang panaginip ko. Ang hirap pag samahin ang anxiety at itong panaginip na ito.

"Mga Darling, 'yung usapan natin ah walang malalate sa sabado. Mag paalam na kayo sa mga magulang niyo at mag ready na rin ng idadamit at syempre 'wag kalimutan ang pera para sa pamasahe at pambiling ulam, sa akin na ang bigas." Sabi ni Aleah habang nag aayos ng bag. Hayst habang patagal ng patagal dumarami ang gawain namin, feeling ko tuloy mas lalo akong na e-stress.

"Nakakapagod ang Araw na 'to" reklamo ni Maria at tumango naman ako sa kaniya.

"Ayos ka lang ba?" Tanong niya sa akin kaya tiningnan ko naman siya.

"Oo, ayos lang ako" sagot ko sa kaniya at bumuntong hininga naman siya.

"Sa tingin mo may meaning kaya 'yung mga panaginip natin?" Tanong na naman niya kaya napatingin naman ulit ako sa kaniya at kasabay naman noon ang pag flashback sa akin ng napanaginipan ko kaninang Umaga.

"Hindi ko alam, ayaw kong intindihin dahil subrang dami ko nang problema ayaw ko ng isipin ang bagay na 'yun." sagot ko sa kaniya at muli naman siyang bumuntong hininga. Sabay sabay kaming mag kakaibigan na lumabas ng gate hanggang sa mag hiwalay hiwalay na kami ng Daan pauwi.

Pag bukas ko naman ng bahay, kadiliman agad ang bumungad sa akin. Mag isa lang ako ngayon dito sa bahay, wala kasi sina Mama bukas o sa isang araw pa ang balik, hindi ko alam kung bakit wala akong lakas ngayon para kumain. Ang gusto ko lang humiga ng humiga nakakatamad kumilos dahil na rin ata sa subrang pagod at dahil sa init ng Panahon. Hindi ko rin maintindihan kung bakit drain na drain ang utak ko ngayon at tila ba ang bigat ng katawan ko dahilan kung bakit ako nanghihina kanina pang Umaga. Pag kapasok ko ng kwarto agad kong binuksan ang wifi para mag connect sabay punta sa Play store, wala na rin kasi akong mapag libangan na iba kaya imbis mas ma stress sa Buhay hahanap na lang ako ng larong pwedeng pag libangan, maraming games na makikita rito sa play store pero 'yung iba masyadong pambata, nag scroll pa ako ng nag scroll hanggang sa nakita ko ang larong The Game Of Death clinick ko ang larong 'yun at pinagmasdan, mukhang bagong gawa lang rin ang larong ito dahil kakaunti pa lang ang nag do-download ng larong ito, dahil mukhang magandang laruin ininstall ko ito.

*/UHAW (sa alak)

"Mga putanginà niyo, Inom tayo bukas" natawa na lang ako sa message na nabasa ko sa GC kahit kailan talaga si Jerlay, mukhang itong babaeng ito lang ang hindi nag sasawa sa alak e'.

"'Yung mga utang niyo pati sa akin bayaran niyo na bukas lalo ka na @Liza" hindi ko na lang pinansin ang mga reply sa GC dahil na excite akong buksan ang larong ininstall ko. Unang lumabas sa screen ay pula hanggang sa Welcome na kulay red ang design. Akala ko no'ng una need pang mag sign up pero hindi na, ang hiningi lang ay birthday tapos ayon biglang nag black ang screen.

THE GAME OF DEATHWhere stories live. Discover now