EPISODE 6: The Game Of Death 01

1 0 0
                                    

EPISODE 6: THE GAME OF DEATH 01

Mary Rose Bolaños Point of view–


"Nana! 'wag Nana! Parang awa mo na!!"

"Nana 'wag mo akong patayin!!"

Paulit-ulit na panaginip, hindi ko alam kung normal lang ba ito o may meaning na. Nang makarating kami sa bahay na kung saan kami mag fi-film hindi ko mawari sa aking sarili na para bang nakapunta na ako sa lugar na ito, na para bang alam ko ang lugar na ito, mayroong kaba akong nararamdaman na hindi ko maintindihan.

Dumating ang hapon lahat kami ay naboboring na dito sa mansion, hindi pa kasi tapos ni Lei ang script kaya hindi pa kami makapag film kaya naman naisipan naming mag laro muna hanggang sa e suggest ni Liza ang larong The Game of Death. Laro ng kamatayan? Ba't parang ang creepy naman ng lalaruin namin?

Lahat kami ay ni share-it ang larong iyon pag katapos naman ay ininstall namin para malaro na rin, nang matapos ang lahat sinubukan na namin itong laruin.

Unang bumungad ay pulang cover at kasunod noon ay rules ng laro na medyo weird para sa akin.

RULES OF THE GAME—

1. Be ready to play

2. Be ready to run

3. Be ready to cry

4. Be ready to Die

"Woah! Okay this is weird. Creepy but exciting!" sabi ni James na nakangisi pa. Hindi ko alam kung bakit nakaramdam ako ng kaba at kung bakit tila lumamig ang buong paligid.

"Grabe hindi niyo naman sinabi na ganito kalamig sa lugar na 'to." sabi ni Aleah na nakayakap sa sarili niya hindi lang pala ako ang nakaramdam ng lamig. Pero nararamdaman rin kaya nila ang kabang nararamdaman ko sa bahay na ito?

"Eh? Bakit hanggang rules lang? Bakit hindi na nag loading?" tanong ni Uel at tama nga siya hindi na nag loading ang laro.

"Baka need ng load? Pero wala naman kasing signal e kainis!" sabi naman ni Donalyn.

"Nah, akala ko pa naman may pag lilibangan na ako, uninstall ko na nga lang ulit." sabi ni Shara kaya ganon na rin ang ginawa ko pero ang nakaka gulat hindi ko ma uninstall ang laro.

"Eh? Hindi ko ma uninstall." sabi ni Maria at ni Pau kaya nakisabat na ako at ganon na rin ang iba pang kasamahan at bigla naman kaming natahimik ng biglang umihip ang napakalakas na hangin. Hindi naman gaanong bukas ang pintuan pero sapol na sapol kami ng hangin na tila ba niyayakap kami.

"Uulan ba? Grabe ang dilim o" sabi ni Jerlay na nakatingin sa malaking bintana.

"Anong ginagawa niyo?" halos sabay sabay kaming napamura sa biglang nag salita sa taas ng mansion.

"Tangina mo naman Yuri, nakakagulat ka!" sabi ni Jhames na kinunutan noo ni John Lloyd.

"Problema niyo?" tanong niya habang pababa ng hagdan.

"Nakakainis ka kasi, kanina pa kaya ako kinakabahan sa hindi ko malamang dahilan ta’s mangugulat ka!" sabi ni James.

"Gago, para kang bakla." sabi sa kaniya ni John Lloyd o mas kilala bilang Yuri.

"Ako rin, bakit kaya ganon kanina pa rin ako kinakabahan e' sana walang mangyaring masama." sabi Jhames at natahimik naman ulit kami. So hindi lang ako ang nakakaramdam ng kaba? Kundi lahat kami?

"Guys 'wag nga kayong mantakot." sabi ni Pauline at tumayo, tumayo na rin kami at kasabay naman noon ang biglang pag sara ng malaking pintuan.

"Gago! ganon kalakas ang hangin?" kinakabahan na tanong ko.

"Umalis na tayo guys, hindi ko na gusto ang nararamdaman ko." sabi naman ni Aleah at sumang-ayon naman doon ang iba.

“Ano bang nangyayari sa inyo? ‘wag niyo naman akong takotin!” naiinis na sabi sa amin ni Pauline tapos kasabay noon ang pag patay ng ilaw kaya lahat kami napasigaw pero ilang segundo lang rin e bumalik na ang kuryente.

“Mga tangina niyo! Tinatakot niyo ang sarili niyo e! Kumalma nga kayo!” sabi ni Jhames pero kahit anong kalma ang gawin ko mas malakas pa rin ang takot na nararamdaman ko.

“Na saan si Liza?” tanong ni Lie kaya napalingon naman kami sa gawi niya.

“Andito lang siya sa tabi ko kanina bago mag brown out!” sabi ni Aleah kaya mas tumindi ang kabang nararamdaman ko.

“Baka nasa taas lang?” tanong ni Tere.

“Hindi ‘yun tataas dahil andito lang siya ka–” napatigil si Aleah sa pag salita ng sumigaw si Tere.

“Ahhh!!!!” sigaw niya kaya lumapit naman kami sa kaniya.

“Anong nangyayari sa ‘yo?” tanong ni Yuri sa kaniya at sabay-sabay naman kaming tumingin kung saan siya nakatingin at nakita namin si Liza sa kusina na nakatayo at nakatalikod sa amin.

“The fuck?! Andiyan ka lang pala!” sigaw sa kaniya ni James at dahan dahan naman itong humarap sa amin at ngumiti.

“Creepy mo gago!” Sabi ni Jerlay sa kaniya at tumawa naman si Liza sa amin.

“Masyado niyo kasing tinatakot ang sarili niyo. Kalma lang hindi pa nag sisimula.” Sabi niya na ikinakunot noo ko. Hindi pa nag sisimula ang alin?

“Ha? Pinag sasabi mo? Alam niyo guys argh! Mag susulat na ulit ako!” Sabi ni Lie at kinuha ang yellow paper at umakyat na sa taas kaya sumabay na ako sa kaniya.

“Natatakot na ako Lie.” Sabi ko sa kaniya.

“Kalma lang okay? Walang mangyayaring masama sa atin. Saka for sure pupunta rito ‘yung nag lilinis ng bahay.” sagot niya sa akin.

“Hindi lang ‘yun, ang creepy rin dito sa bahay na ito at ‘yung pag tanong at pag sabi no’ng matanda na mag ingat ewan ko pero para kasing may meaning.” Sabi ko ulit sa kaniya.

“At.. si Liza. Pakiramdam ko may mali sa kaniya.” singit naman ni Tere.

“Para siyang sinaniban ang puta.” singit rin ni Jerlay na mas lalong nag kaba sa akin.

“Tangina mo kasi Mary! Natatakot ka natatakot na tuloy ako!” sabi ulit ni Jerlay.

“Iinom mo na lang ‘yan.” Sabi ni Shara at nilabas ang isang bilog na bahagya naming ikinatawa mga tarantada talaga.

Pero seryoso, seryoso pa kay batman. Parang may mali, parang may nag iba. Ako lang ba ang nakakaramdam o talagang guni-guni ko lang?


A_Bitch_Lady



THE GAME OF DEATHWhere stories live. Discover now