Chapter 36

49 4 0
                                    

"What's your problem ,babe?"Garrett suddenly asked me.

Well ,hindi ko alam kung bakit pa niya tinatanong kung may problema ako ,gayong dapat ako ang nagtatanong sa kanya dahil may problema siya.

Umiling ako ,"Nothing." tumingin ako sa kanyang mga mata ,"Ikaw? may problema ka ba sa company niyo? or may mga investor ba na umatras?"

Sinusubukan ko lang kung magsasabi siya ng totoo sa' kin. Napatingin siya sa' kin at seryoso niya akong tinignan at kinagat pa niya ang labi.

"Nothing ,"sagot niya ,"Maayos ang company kaya wala ka dapat ikabahala."

Lalo akong tumitig sa kanya. He's lying to me! bakit ayaw niyang sabihin sa akin na nagkasagutan sila ng Daddy niya?

"Garrett ,"I called him ,he's still looking at me. I sighed deeply first before I speak ,"Kahapon pumunta ako sa inyo at nadatnan kong nagkakasagutan kayo ng Daddy mo. At alam kong umatras ang investor niyo kaya nagalit ang Daddy mo. Bakit di mo man lang sinabi sa' kin problema mo ngayon?"

Napatigil siya at nananatili lang siya nakatingin. Ayoko lang na sinasarili ni Garrett ang problema niya ,gusto ko siyang samahan kahit ano yung problema niya dahil ako ang girlfriend niya.

"I'm sorry."yumuko siya ,"Ayaw lang kita madamay sa gulong pinasok ko. It's my fault anyway ,nagkaroon kasi ng emergency sa bar kaya pumunta ako. Narealized ko na meron palang investor na naghihintay sa' kin."

Hindi ko na alam kung bakit kailangan niya pa itago 'tong problema niya?

"Please ,next time sabihin mo sa akin ang problema mo. Ayokong naglilihim ka sa akin."pakiusap ko sa kanya at tumango naman siya.

***

Matapos final exam namin  ay nakita ko na ang resulta at sobrang saya ko na nakapasa ako at wala akong naging bagsak.

Puro congrats ang naririnig ko sa mga kaklase ko dahil ako ang pinakamataas na score sa kanila. Kaya nagpapasalamat naman ako sa kanilang lahat dahil sobrang natutuwa lang ako na kahit hindi ko sila gaano ka- close ay nagcocongrats sila sa' kin.

"Congratulation ,babe!"bungad sa' kin ni Garrett na nakapasok ako sa bahay ko. May dala pa siyang teddy bear at bulaklak dahil siguro nalaman na niya ang resulta ng exam ko.

"Thank you ,babe!"nakangiting sabi ko ,kinuha ko na yung bulaklak at teddy bear na dala niya sa' kin.

Mas lalo akong natuwa na nagcongrats sina Ate Stephanie at Mama sa' kin. Sabi nila proud na proud sila sa' kin dahil nakayanan ko ang final exam para sa 1st semester sa pag aaral ko sa nurse.

Tumungo na kaming apat sa dining room dahil naghanda si Mama na masasarap na pagkain dahil celebration ko dahil nakapasa ako sa final exam.

After naming kumain ay hinayaan na kami ni Mama at Ate Stephanie na magsolo ni Garrett. Dahil sabi nila na namimiss na daw ako ni Garrett.

"I'm so proud of you , babe!"he smiled to me.

"Thank you , babe."

Well , wala na akong masasabi dahil kahit papa'no makakahinga na ako ng maluwag dahil natapos na ang kalbaryo ko sa 1st semester.

"I can't wait for you to graduation day."dahil doon ,mas natuwa ang puso ko dahil sa binitiwang mga salita niya sa' kin.

Hinihintay niya talaga ako makagraduate!

"On the day of your graduation ,right there on that day I will give you a engagement ring because I want to marry you."

Dahil doon ,natahimik ako sa sinabi niya. Anong sabi niya?

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now