Chapter 39

39 4 0
                                    

Katatapos lang ng ilang subject ko na tinake ko sa board exam. And honestly ,sobrang nahihirapan ako at sumakit ang ulo ko dahil sa mga question na sinagutan ko.

Mukhang kailangan kong kumain ng kumain ng chocolate bukas para maging fresh ang utak ko. May iba pang subject ang sasagutan ko para naman bukas!

Pagkarating ko agad sa bahay at dumiretso na ako sa kwarto ko para ipagpahinga ang utak ko. Sobrang masakit talaga ang ulo ko na kahit binigyan na ako ng gamot ni Mama ng pampawala ng sakit ng ulo ko at ganun pa rin! Kaya in the end , itinulog ko na lang dahil hindi ko kaya.

Kinabukasan ay maaga akong nagising dahil pangalawang araw ko ngayong board examination ko. As usual ,si Mama lang ang kasabay kong kumain sa hapag kainan dahil si Ate Stephanie ay nasa Florida pa rin kasama pa rin niya si Kuya Cassius. Tumawag naman siya sa akin na baka next week pa siya makakabalik dahil naeenjoy pa siya na magbakasyon sa Florida.

After kong kumain ng breakfast nagpaaalam na ako kay Mama na mauuna na ako umalis dahil bibisitahin ko pa si Jaycee. Since ,gusto ko na ulit makita ang kapatid ko bago ako dumiretso sa board exam ko.

"Mabuti ate nakabisita ka dito?"Jaycee said , smiling.

Nandito kaso ako sa company kung saan siya nagtatrabaho bilang isang engineer. Hindi ko kilala kung sino ang CEO pero sinabi naman sa akin ni Jaycee na mabait ang may ari ng company.

Habang kausap ko si Jaycee ay may mga kasama siyang dalawang engineer dito kung saan siya nakaassign. Sinabi niya kasi na may upcoming project siya dito sa company kaya may dalawang siyang tao na kasama dito.

"Well ,miss na miss kita."I smiled to him ,"Di ka na kasi ulit nakakabisita sa bahay ,kaya naisip ko na ikaw na lang ang bisitahin ko."

I missed him so much! Until now ,hindi pa rin ako sanay na hindi ko nakikita si Jaycee sa tabi ko. Hanggang sa pagtulog si Jaycee pa rin ang iniisip ko. Wala na kasing kasama si Jaycee kapag uuwi siya sa condo niya.

Alam ko kaya na niyang tumayo sa sarili niyang mga paa. Pero.....bilang isang ate niya siyempre nag aaalala ako sa kanya.

"I'm sorry ate ,"he said with a husky voice ,"Madami lang talaga ako ginawa dito sa company. Kaya kahit gusto kitang bisitahin ay hindi ko magawa dahil busy nga ako sa trabaho ko."

"I'll understand ,"I smiled to him ,"Namimiss lang kita kaya ganito yung mga pinagsasabi ko sayo."

Ngumiti siya at napalingon ako na may narinig akong may nagtatawanan kaya tinignan ko at yung dalawang kasamahan ni Jaycee ang nagtatawanan dito.

"Pwede bang sa labas muna kayo? Nag uusap kami ng kapatid ko ,naririnig ko ang tawanan niyo?"iritadong sabi ni Jaycee kaya nakita kong napatahimik ang dalawang engineer sa tawanan nila.

Nagpeace sign sila kay Jaycee at nakita ki na lang na parehas na silang lumabas kaya bumaling ulit ako ng tingin kay Jaycee.

"Pasensya na sa dalawang kasama ko ,"kinamot niya ang ulo niya ,"Silang dalawa kasi ang pinakamaingay dito."

Ngumiti ako at tumango na lang sa sinabi niya. Siguro ang seryoso niya dito kapag nagtatrabaho siya?

"By the way ,ngayong araw yung board exam mo ah?"tanong sa akin ni Jaycee kaya tumango ako.

"Ah oo ,pumunta muna ako dito para mabisita ka. Pag nakaalis na ako didiretso na ako 'don."ngumiti ako sa kanya at bumuntong hininga siya.

"Well ,"he licked his lips ," Goodluck your board exam ate. Naniniwala ako sayo na makakapasa ka! Ako ang unang magiging proud kapag naging nurse ka na."

Dahil doon ay napangiti ako. Ganito ako noon na nagchecheer nung panahong nagtatake na ng board exam si Jaycee. At nakapasa naman kaya sobrang proud na proud ako sa kanya!

Together For A Day ✓Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora