Chapter 40

65 3 0
                                    

Sa nakalipas na buwan ,habang hinihintay ko ang result para sa board exam ko ay tumutulong ako sa baking shop ni Mama. Well ,wala naman siyang magagawa kung tumulong ako dahil sobrang bored na bored na ako sa bahay dahil palagi na lang ako nakatambay at walang ginagawa 'don.

Samantalang si ate ay naikasal na siya kay Kuya Cassius dito sa pilipinas na ginanap pa sa Boracay! Siyempre , parehas kaming invited ni Garrett dun sa kasal na yun! Well ,sobrang engrande ang kasal na yun dahil pinaghandaan talaga ni Kuya Cassius ang kasal nina ate. Kilala ang pamilya ni Cassius sa bansa nila dahil sila ang pinakasikat na businessman 'don! Kaya sobrang pinagkagastusan nila ang ganitong kasal na 'to.

Binati ni Garrett ang kapatid ko ng 'congrats pero kahit ganon ,hindi ako nakaramdam ng selos sa pagbati ni Garrett kay ate Stephanie. Ganon siguro kapag nagtitiwala ka sa partner mo ,kaya kahit sa ganung batian ay nananatili lang akong kalmado.

Maybe Garrett and Stephanie used to love each other but they weren't destined to be together in the end. And their break up was without remorse because my sister accepted Garret's decision then to seperate because he was no longer happy. Even so ,they are still friends until now ,as if they had never loved each other before.

May mga ganong tao na kahit may nakaraan ay mas pinili na lang nila maging magkaibigan kaysa magbalikan. Kaya sobrang natutuwa ako sa ate ko dahil ni minsan ,hindi niya kinwestyon kung bakit ko nagustuhan si Garrett. Sinasabi niya lang sa akin na wag ko na pakawalan si Garrett ,dahil kahit ganun daw yung lalaking 'yon ,sobrang magmahal.

"Wag kang kabahan sa akin Claudette ,hindi naman ako nangangain dito."Tito Jerome said while drinking wine.

Nandito ako ngayon sa isang mamahaling restaurant na pagmamay ari ng daddy ni Garrett. Honestly ,sobrang kabado ako ngayon dahil for the first time ngayon ko lang makakausap at makakaharap si Tito Jerome. Seryoso ang tingin niya sa akin kaya nakikita ko sa kanya ang anak niya dahil ganun dati tumingin si Garrett sa akin.

"Uh---I'm sorry po.."I smiled weakly.

His eyebrow furrowed ,"Tell me ,bakit ka kinakabahan diyan? Napapansin ko na di ka makadiretso ng tingin sa akin."

Napapikit na lang ako ng mariin. Magagalit kaya siya kapag sinabi ko ang totoo kung bakit kabado ako?

"I'm sorry po ulit Mr. Ramirez ,"I said honestly ,"K-kabado lang ako dahil ngayon k-ko lang po k-kayo makakaharap at m-makakausap."

Hindi ko alam kung bakit bigla akong tinawagan nimg daddy ni Garrett gayong nung naging kami ni Garrett ni minsan ,hindi niya ako tinatawagan. Ngayon lang talaga!

"That's too formal ,can you call me Tito Jerome ,hija ,"he said coldly ,"Fiancèe ka ng anak ko ,kaya isanay mo na ang sarili mong tawagin ako sa ganun okay?"

Tipid na lang ako tumango sa sinabi niya. Ramdam ko na nanginginig mga kamay ko kahit wala naman siyang ginagawa sa akin.

Sabihin ko na kaya ang dahilan kung bakit niya ako gusto kitain ngayon?

"T-tito J-jerome ,"nauutal na sabi ko ,"Ano po bang dahilan k-kung bakit niyo po ako g-gustong kausapin?"

Dahil doon ,napaayos siya ng upo niya. Tinignan niya ako bago siya bumuntong hininga ng malalim.

"About that ,"he trailed off ," Gusto lang sana kita kausapin tungkol sa anak ko."

Dahil doon ,mas lalo akong kinabahan. Tungkol kay Garrett , ano bang pag uusapin namin tungkol sa anak niya?

"A-ano po yun?"kabado na tanong ko.

He sighed hardly ,"Pero bago muna lahat ,gusto ko lang magsorry sayo sa lahat ng mga harsh words na sinabi ko sa anak ko tungkol sayo."

Together For A Day ✓Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ