Chapter 42

45 2 0
                                    

Halos maibuga ko ang iniinom kong juice sa harap niya dahil sa sinabi niya. What? tama ba itong naririnig ko sa kanya?

G-girlfriend? really?

Bigla kong pinunasan ang bibig ko dahil halos tumulo yun sa table. Pagkatapos kong punasan yun ay napatingin ako kay Bullet na nakakunot ang noo niya.

"Girlfriend? may g-girlfriend ka na?"nauutal na sabi ko dahil di ko alam bakit gulat na gulat ako sa binalita niya!

He nodded softly. Halos mapabuga ako sa hangin dahil di pa rin ako makapaniwala.

"Bakit ganiyan ang reaction mo?parang di ka makapaniwala na may girlfriend na ako?"he chuckled softly.

I sighed heavily "Di lang ako makapaniwala sa....sinabi mo....."I looked at him ,"Kailan ka nagkagirlfriend? ilang buwan or taon na kayo. Saan kayo nagkakilala?"

Ang dami kong tanong sa kanya dahil di pa rin makapaniwala! really?may girlfriend na siya!

Akala ko kasi na di na siya magkakaroon pa ng girlfriend dahil akala ko.....mananatili pa rin ang love niya sa akin!

"Chill ,relax!"he chuckled again ,"Isa isa lang ,mahina ang kalaban."

Dahil doon kumalma ako. Umayos ako ng pagkakaupo para tignan siya ng maayos.

"Tell me ,saan mo siya nakilala?"mahinahong tanong ko sa kanya kaya ngumiti siya sa akin.

"Well ,nakilala ko siya sa ibang bansa."he answered ,"Sa France ,isa siyang chef 'don. Isang din siyang Filipino-Pranses. Well ,uh.....7 months pa lang kami..."

Umuwang ang labi ko. Wow! it's fast ,so...nung umalis siya dito sa pilipinas mayroon na pala siyang kinahuhumalingan.

"That's good ,"tipid na sabi ko ,"Anong pangalan niya?"

"Eunice ,"he answered ,"Laurent."

Agad akong tumango. Her name is nice and of course her surname!

"So ,gusto kong ma-meet mo siya. Dahil gusto ka niyang makilala!"he said with a husky voice.

Ngumiti ako ng mariin. Masaya ako para kay Bullet dahil may nahanap na siya ng babaeng nagpapasaya sa kanya! Masaya ako na dahil yung love na nararamdaman niya ay nawala na dahil may babae na nagpapatibok sa kanya.

"Sige , gusto ko mameet si Eunice. I'm happy for you."I smiled carefully.

Dumating ang sabado at birthday na ni Grayen ngayon! I was wearing a cream sleeveleess turtleneck with a white sleeveless dress with a black sandals.

Nakalugay din ang mga buhok ko na hanggang balikat lang ang haba. Iginilid ko ang bangs ko sa magkabila dahil mukhang maayos ako tignan dito.

Pagdating ko sa mansyon nina Ate Stephanie ay nakita ko mga taong parang mga business man at may kasama sila mga anak. Habang naglalakad ako ay nakita ko na kumakaway sa akin si Tin kaya kinawayan ko rin siya.

Lumapit siya sa akin at ngayon ko lang napansin na nandito si Alarick sa tabi niya. Well ,5 years na sila pero still matatag pa silang dalawa! Wala naman akong masasabi kay Alarick dahil sobrang loyal na talaga niya kay Tin kahit sobrang busy ang bestfriend ko sa trabaho niya sa ospital!

"Nandiyan ka na pala!"bati niya sa akin ,"Kanina ka pa hinahanap ni Tita Rica. Akala nga niya di ka pa pupunta dito sa birthday ng apo niya!"

Ngumiti lang ako sa kanya. Nagpaalam na ako sa kanilang dalawa na lapitan ko muna pansamantala si Mama at tumango na silang dalawa.

Nang makalapit na ako sa banda ni Mama ay niyakap niya ako ng mahigpit. Well , ang higpit ng yakap niya dahil sa tagal ko ba naman hindi ko siya nabibisita.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now