Chapter 43

36 2 0
                                    

"It's nice to meet you ,Claudette.."sabi sa akin ni Eunice. Ang pagsasalita niya pa ay accent na pang pranses.

I smiled to him ,"Same to you. I'm happy both of you."

Well , infact habang masaya kong kinakausap si Eunice ay nakikita ko sa mata niya ma mahal niya si Bullet.

"Akala ko nga di mo pauunlakan ang pagkikita mo sa akin Claudette. Sabi kasi ni Bullet masyadong k-kang busy sa t-trabaho mo..."her tagalog accent is so very cute..

"Yeah , sobrang busy ko nga..."sagot ko sa kanya ,"I'm a nurse kaya madalas nasa ospital ako.... ngayon lang ako nagkatime para magkita kaming dalawa ni Bullet dahil sabi niya gusto mo daw ako makilala.... ginawan ko na lang ng paraan para matuloy itong meet up na 'to."

Nakiusap lang talaga ako sa head admin ng ospital na magleleave lang ako ng 1 day at agad naman nila ako pinayagan na di pumasok ng isang araw.

After ng pag uusap na yun ay nagpaalam na ang dalawa dahil may date pa silang pupuntahan. Bago sila umalis ay agad ako niyakap ni Eunice at masasabi kong sobrang sweet niya na parang kapatid na ang turing niya sa akin.

Nang sumunod na araw ay pumasok na ako sa trabaho. Nakasalubong ko si Dr. Harry papasok sa cafeteria. Katatapos ko lang kasi magbantay sa isang patient ni Dr. Fariñas na merong sakit na Leukemia. He's a 15 years old kaya hangga't wala pa yung magulang na nagbabantay sa kanya ay ako muna pansamantala nagbantay dahil yung patient na yun ay nagmamakaawa sa akin na bantayan siya. Kaya bilang isang taga pangalaga ng pasyente ay ginawa ko ang trabaho ko.

"You're tired?"tanong sa akin ni Dr. Harry habang may hawak akong kape.

Tumingin ako sa kanya at umiling. Napansin niya siguro sa kilos ko kaya ganun siya kung magtanong.

"Hindi ako pagod ,"sagot ko sa kanya ,"Sadyang kulang pa ako sa tulog."

Di pa kasi maayos ang tulog ko dahil sa sobrang dami kong iniisip. This past few days ay lagi na lang may bumabagabag sa isipan ko.

"Ano pa kaya ako na tatlong araw ng walang tulog?"he chuckled softly ,"Nagkaroon ako ng tatlong araw ng operasyon dito sa ospital at sobrang gusto ko na muna matulog pero di pa pwede dahil may operasyon pa ako mamayang gabi.. "

Tumingin ako sa mata ni Dr. Harry at halata ngang wala pa siyang tulog dahil sa konting eyebag na siya. Kaya pala napapansin ko na panay siya kape kada umaga at hapon para di siya makatulog.

I sighed heavily. Mabuti na lang at di ko naisipan magdoctor. Dahil kung sakali yang doctor ang napili ko baka... matulad ako kay Dr. Harry na tatlong araw na walang tulog.

"Wala ka bang balak matulog muna pansamantala?"concern na tanong ko sa kanya. Mukha na kasi siyang zombie sa lagay niya at  panay pa siya inom ng kape.

Sandali siyang tumingin at natawa ,"Maybe pag natapos na ang operasyon ko mamayang gabi baka pag natapos ko yun ay doon na ako makakapagpahinga..."

Concerned na tumango ako sa kanya. Sana maging successful ang operasyon niya para mamaya para makatulog na siya ng mahimbing.

"Nakikita kong concerned ka sa akin!"sabi niya at bigla na lang niya pinisil ang pisngi.

"Ano ba!"inis na sabi ko sa kanya ,"Malamang concerned ako dahil kaibigan kita! You're a professional doctor kaya nag aalalala ako na baka bigla na lang bumagsak ang katawan mo during your operation dahil wala ka pang pahinga."

"Don't worry Claudette.... hindi babagsak ang katawan ko during my operation.."he assured me.

Pagdating ng gabi ay nag-out na ako sa ospital dahil tapos na ang duty ko don. Sobrang stressful ang araw na 'to para sa akin dahil sa sunod sunod na pagsugod ng mga pasyente sa ospital. Salamat naman ay wala namang masama at naayos ko naman ang trabaho ko bilang isang nurse.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now