Chapter 44

52 2 0
                                    

"Dr. Dominguez....."

Nakita kong marahan niya akong nilapitan. Napakagat ako ng labi ng napansin kong sumunod si Garrett kay Dr. Dominguez.

"You're here , Claudette."Dr. Dominguez smiled to me ,"Kumusta ka na?"

I smiled ,"Okay lang po.."

Dr. Dominguez is a 40 year-old pero di halata sa kanya dahil mukha siyang baby face. Ilang beses ko na rin nakakasama si Dr. Dominguez lalo na kapag ako ang naassign na tumulong sa kanya at masasabi kong sobrang professional niyang doctor at seryoso siyang magtrabaho.

"How about my patient? okay na ba siya?"mariin na tanong niya sa akin. Napansin niya siguro binisita ko yung patient niya kaya ito ang tinanong niya.

Tumango ako ,"Yes Doc. Pinainom ko na po siya ng gamot para mas lalong gumaan ang pakiramdam. Nacheck ko na rin yung puso niya kung normal na at masasabi kong normal naman po."

"That's good!"sabi niya pa at bumaling ang tingin niya kay Garrett ,"Nga pala Claudette , gusto kong makilala mo si Garrett. He's my neice."

Kaya napabaling ang tingin ko kay Garrett. At nang magtama ang mata namin ay bigla na lang ako napalunok dahil sa seryoso niyang pagkakatitig niya sa akin. At pagkamuhi ang nakikita ko sa kanya base sa pagpapakita niya ng emosyon sa mga mata niya.

Parang bumalik lang kami sa dati ni Garrett nung una naming pagkikita. Puno ng galit ang puso niya kapag ako ang nakikita niya! At alam ko sa sarili ko na galit at poot ang nararamdaman niya dahil sa seryosong pagkakatitig sa akin.

Gusto ko na siya pansinin pero alam kong galit pa rin siya. At di na ako umaasa na magpapansinan pa kami pagkatapos ng lahat na nangyayari sa aming dalawa.

"And Garrett , this is Claudette. Nurse siya dito sa Manila Medical Hospital---"

"I know her , Uncle."he said coldly while he stared to me. Napakagat ako ng labi na nararamdaman ko na naman ang pagtibok ng puso ko.

What's happening to me? bakit ganito na lang ako kapag kaharap ko na siya?

"What?"nalilitong sabi ni Dr. Dominguez ,"Kilala mo na siya? kailan pa?"

"5 years ago ,"sagot niya ,"She's my first heartbreak from the past..."

Habang sinasabi niya yun ay alam ko na sobrang galit na galit siya sa akin. Kahit hindi niya ipahalata sa akin , makikita ko pa lang sa mga mata niya na may hinanakit pa rin siya sa nakalipas na tatlong taon!

Hindi mo ba ako kayang patawarin sa kung ano man ang nagawa kong kasalanan sayo?

"W-what-"hindi na natuloy ang sasabihin ni Dr. Dominguez na biglang may nagsalita galing sa likod ko ay may umakbay sa akin.

"What's up , Dr. Dominguez."I heard familar voice then I slowly looking beside me.

Si Harry ang nasa harapan ko!

"Oh...Doc Harry ,"Dr. Dominguez greeted to Harry ,"Katatapos lang ng duty mo?"

"Yes Doc!"masiglang sabi niya ,"Sabay na nga kami magbebreaktime ni Claudette eh , diba?"

Nagulat ako sa sinabi ni Harry. Dapat ba sabihin niya yun sa harap ni Dr. Dominguez?

"Uh.... opo doc ,"I said akwardly , napansin ko ang matalim na titig ni Garrett sa akin kaya umiwas ako ng tingin.

Bakit ganun siya makatingin sa akin? Na parang may ginawa na naman akong di niya nagustuhan!

"Sige na , baka nakakaistorbo na ako sa  inyong dalawa.... time niyo naman ata para magdate."malisyosong sabi ni Dr. Dominguez kaya biglang namula ang pisngi ko dahil sa hiya.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now