Chapter 45

47 3 0
                                    

"What the fuck? seryoso ka ba ha?"halos mailayo ko ang cellphone ko sa tenga ko dahil sa sigaw ni Kristin.

Sinabi ko kasi na ngayong gabi ay nasa bar ako. At sa sobrang gulat siguro niya ay di niya napigilan na sigawan ako.

"Oo Kristin. Sa tingin mo ba ugali ko magbiro?"nalalasing na sabi ko at hindi ko na kaya ipakita sa kanya na wala pa akong tama.

"Nasaan ka kung ganon?"tanong niya at rinig na rinig ko ang mahina niyang pagbuntong hininga.

I smiled bitterly. Finally! pupunta siya para makita lang ako!

"Neon Ranch."sagot ko sa kanya habang ngumingiti ako mag isa dito.

"W-what? nasa Neon Ranch ka? y-you mean.... nasa bar ka ni G-garrett?"nagkanda- utal utal pa siya habang kausap ko siya sa cellphone ko.

"Oo. Kaya pumunta ka na dito para may makasama ako...."huling pasabi ko bago niya ako pinatayan ng tawag.

I sighed heavily. I guess... papunta na siya dito. Di niya ako hahayaang umuwi mag isa mamaya kaya makakasiguro ako na pupunta siya dito sa bar ni Garrett!

Habang hinihintay ko si Tin dito ay nagawa ko pang magfacebook kahit may tama na ako dahil sa alak na iniinom ko. Napangiti na lang ako na nakita ko sa feed ko ang picture nina Ate Stephanie at Kuya Cassius habang kasama nila si Grayen.

Sa picture na yun ay masaya sila at parang walang iniindang problema. Agad napalitan ng lungkot ang saya ko na naisip kung what if kung natuloy ang kasal namin ni Garrett? masaya siguro kaming dalawa katulad ng masayang buhay ng kapatid ko.

Siguro ngayon.... may sarili na rin akong anak at may pamilya na ako. Kung siguro walang problemang dumating sa amin ni Garrett baka masayang masaya kami.

Di ko namamalayan na may pumatak na luha sa pisngi ko kaya bahagya kong pinahid yun gamit ang kamay ko.

Fuck? bakit ko ba iniisip ang nakaraan namin ni Garrett?

"Dette Dette!"napalingon ako na may narinig akong boses at napagtanto ko na si Kristin pala ang tumatawag sa akin.

"Tin...."halos pabulong na sabi ko habang lumalapit siya sa akin.

Nang nakalapit na siya sa akin ay agaran niyang niyakap. Kaya sa sobrang gulat ko sa ginawa niya ay niyakap ko rin siya.

"I'm so worried about you!"kumalas siya ng pagkakayakap sa akin at kita ko sa mata niya ang pag alala.

Nakatingin lang siya sa akin at ako naman ay pinilit ko siyang tignan dahil paunti-unti ay nanlalabo ang mata ko.

"Kaya ka ba hindi pumasok sa ospital ngayon dahil nandito ka nagtatambay sa bar para uminom?"tanong niya sa akin.

Tumango ako kaya napapikit siya ng mariin. Hindi ko naman siya masisisi dahil kanina ko lang sinabi sa kanya na nasa bar ako para uminom ng uminom lang.

"May problema ka ba kaya umiinom ka?"tanong niya pa sa akin. Di ako makasagot sa sinabi niya. She knows me. Pag alam niyang umiinom ako ay nararamdaman niyang may problema ako dahil di naman ako masyadong mahilig sa alak.

Umupo siya sa tabi mo at nananatili lang siya nakatitig sa akin. Matalino si Tin kaya madali niyang malaman ang problema ko kahit hindi ko na sabihin sa kanya dahil alam na rin niya ang magiging sagot.

"Tell me , what's your problem? Maaasahan mo ako sa problema mo."sabi ni Tin kaya kinagat ko ang labi ko.

I sighed heavily. Hindi ko alam kung paano ko masasabi sa kanya ang problema ko tungkol kay Garrett. Hindi ko alam kung matutuwa ba si Kristin na sabihan na lang ako basta ni Garrett na malandi. I know when Tin found out what Garrett told me that hurtful words , I knew Tin would be angry with Garrett too. No ones has ever said such a word , only Garrett was the first person to call me that.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now