Chapter 46

50 3 0
                                    

Bahagyang kumunot ang noo ko sa sinabi sa akin ni Garrett. Kita ko sa mga mata niya ang emosyon na hindi ko maintindihan. Mainit na rin ang atmosphere dahil sa sobrang lapit namin sa isa't isa.

"Ano naman ang sasabihin ko sayo?"marahan na tanong ko sa kanya kahit kinakabahan ako ay nagawa ko pa maging normal ang boses ko.

"Tell me the t-truth Claudette ,"nakita ko na ang bigla pagbaba ng tingin niya sa akin ,"That y-you didn't c-cheated me?"

Dahil doon , mas lalo ko siyang tinitigan ng mariin. Nakita ko rin sa mga mata niya na gusto niyang malaman ang totoo.

"Bakit gusto mong sagutin ko yan?"di mo iniwas ang tingin ko sa kanya bagkus mas lalo ko siyang tinititigan.

Hindi ko alam kung bakit niya nasasabi 'to sa akin ngayon. Pumunta ba siya ng ospital para alamin kung totoo na hindi ko siya niloko?

"Just tell me the truth!"napapikit ako sa biglang pagsigaw sa akin kaya kinalma ko ang sarili ko at agad ko rin naman dinilat mga mata ko.

Mabuti na lang ay walang masyadong dumadaan na tao kaya hindi narinig ang sigaw ni Garrett.

"Sino nagsabi sayo niyan?"I seriously asked with no emotion.

Pamilya at mga kaibigan ko lang ang nakakaalam ng tunay na dahilan. Gusto kong malaman kung saan , kanino at paano niya nalaman.

"Alarick."sagot niya sa akin at nakikita ko sa mukha niya ang pagka-frustrated niya ,"Alarick told me the truth. That you never cheat me. That... you truly love me and not Bullet. Is that true?"

Mapakla akong natawa. In the three years we have not been together. Only now did he find out the truth? That I didn't really cheat on him in the first place. He did not give me an explanation and suddenly left me. Done now? Alarick really said the truth then now he wants to know the truth if his cousin is really the truth?

"Oo totoo ang sinabi ni Alarick."walang emosyong sabi ko at nakita ang gulat sa mga mata niya ,"I didn't cheat you at once.."

"What---bakit hindi mo sinasabi sa akin---"

"Paano ko sasabihin sayo? kung ikaw mismo di mo ako binigyan ng oras para makapag explain sayo!"nanginginig ang boses ko ,"Gusto ko mag explain sayo na mali ang nakikita mo! Ni minsan , wala kami naging relasyon ni Bullet. Kaibigan ko lang siya!"

Hindi ko na napigilan na sabihin lahat ng hinanakit ko sa kanya. Blangko ang tingin niya. At mukhang hindi siya makapaniwala sa sinabi ko.

"Wala akong balak lokohin ka Garrett..."bigla na lang pumatak ang luha ko sa mata ko ,"Mahal na mahal kita kaya ang hirap tanggapin na bigla mo na lang ako iniwan na hindi mo nalalaman ang reason ko. Pumunta pa ako sa bahay mo para habulin ka pero wala ka na. You suddenly left the Philippines without me being aware of it!"

Wala na akong pakialam kung ano na itsura ko. Kahit ngayon lang.... gusto ko lang ilabas ang sama ng loob ko kay Garrett. Kahit ngayon lang... masabi ko lahat ng nararamdaman ko sa pag iwan niya sa akin!

"At ang masama pa.... sinama mo pa si Alexa!"I bit my lower lip ,"Sinama mo pa yung babaeng pinagseselosan ko!"

"Claudette , I'm sorry....."hinawakan niya ang kamay ko pero agad ko rin binawi yun ,"Hindi ko alam na mali ako ng akala.... "

"Mas naniwala ka kasi sa nakikita mo!"sigaw ko sa kanya ,"Sinabi mo sa akin noon na kahit anong mangyari ay di mawawala ang tiwala mo sa akin. Pero bakit... sa simpleng usap namin ni Bullet , bigla mo na lang ako iniwan?"

Masakit sa part ko na hindi 100% ang tiwala niya sa akin. Akala ko.... buong buo ang tiwala niya sa akin. Akala ko naniniwala siya sa akin na siya lang ang mamahalin ko. Pero nagkamali ako , dahil mas naniwala lang siya sa nakikita niya.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now