Chapter 48

59 3 0
                                    

Simula nung nagkamalay si Garrett ay palagi ko na nakikita si Tita Freya na binibisita siya. As usual ,kapag dumadating ako ay palagi akong inaaya ni Tita Freya na sumalo sa pagkain nila pero tumatanggi ako agad. Palagi lang nakatingin sa akin si Garrett at kada bumibisita ako sa kanya wala siyang imik kaya nagiging kumportable ako sa ganong sitwasyon naming dalawa.

Sinabi sa akin ni Dra. Gonzales na maayos naman ang kalagayan ni Garrett ay hindi naman daw nagka-amnesia. Pinaalala lang sa akin na i-monitor si Garrett at palaging dalhan ng tubig kapag kinakailangan.

"Dito ka pala nagtatrabaho ha?"napatigil ako sa paglalakad na may biglang humarang sa harap ko ay pamilyar na boses.

Dahan dahan akong tumingin sa kanya at hindi nga ako nagkamali na siya ang taong aasahan kong nandito sa harapan ko!

Si Alexa!

Nakataas ang kilay niya sa akin habang tumitingin. Nananatili lang ako kalmado ma tumingin ako sa kanya.

"Alexa ,"I formally said.

"Sa lahat ba naman ng ospital na pwede mong pasukan talagang dito mo talaga naisip?"diretsong sabi niya na agad naman kumunot ang noo ko , "Talagang dito talaga na kung saan ay nandito si Garrett as a patient?"

Seryoso lang ako nakatingin sa kanya parang intindihin ang sinasabi niya sa akin. Well ,tatlong taon na ako nagtatrabaho dito , hindi ko naman siguro alam na dito isusugod ang pinakamamahal niya.

"It's not my fault kung dito man dinala si Garrett ,"I calmly said ,"Isa lang ako ditong nurse kaya wag mo ako diyan sinisisi."

Hindi ko lang talaga alam kung ano ang kinagagalit niya sa akin. Triggered ba siya na naglandas na naman kaming dalawa ni Garrett?

"Stay away to my fiance ,"she glared to me , my eyes looking straight looking to her ,"Kung wala ka talagang nararamdaman sa kanya ay wag mo ng subukan na lapitan pa siya!"sabi niya habang padabog niya akong tinalikuran.

Di pa rin umalis ang tingin ko sa kanya. Nananatili akong nakatingin sa pagkakaalis niya at patungo sa kwarto kung saan naroroon si Garrett.

I sighed heavily before I decided to continued my walk because I still had work to do now.

Hindi rin naman ako nagtagal sa ginagawa ko at kailangan ko na naman bumisita kay Garrett para i-monitor siya kung ano na ang kalagayan niya ngayon. Papunta na sana ako sa building niya nakita ko si Alexa kaya sa sobrang taranta ko na magkaroon na naman kami ng away ay napunta ako sa isang pader para doon magtago.

Nang nagtago na ako ay kinagat ko ng marahan ang labi ko. Nang dumaan na siya sa pinagtataguan ay nagulat ako na pinunasan niya ang pisngi niya gamit ang kanang kamay niya. Mabilis ko lang nakita yun dahil sa sobrang bilis niya kung maglakad.

Nang nakalagpas na siya ay nag isip ako ng malalim. Bakit siya umiyak? ano kaya ang ginawa ni Garrett kaya ganon na lang kung umiyak si Alexa?

Pinalayas niya ba sa kwarto niya kaya hindi rin nagtagal na bisitahin siya sa kwarto niya?

Nawala din ang pagka-kuryoso ko dahil kailangan ko pa pala mabisita si Garrett. Nagpatuloy ako sa paglalakad na parang wala akong Alexa na nakita sa dinadaanan ko.

Nang nasa tapat na ako sa kwarto ni Garrett ay hindi ako nagdalawang isip na buksan yun. Nang binuksan ko ay laking gulat ko na mukhang masama ang timpla ng mukha ni Garrett.

He just looked serious as if he had heard no one enter his room. His forehead was furrowed and I could feel the expression he showed me that he was so angry that anytime he could break something-he could only see around him.

"Sino yan?"nagulat ako na bigla siyang nagsalita. Pero ang mata niya ay hindi man lang lumipat ng tingin.

"Claudette ,"when I said my name , he suddenly looked at me. I even bit my lower lip that I noticed his dark face seemed to dissapear when he looked at me straight.

Together For A Day ✓Where stories live. Discover now