CHAPTER ONE | Jealous Guy

4.2K 109 23
                                    

Jealousy is a strong emotion that could break any strong relationship. 

-------------------

JD

Nakakapagod ang dami ng cases sa agency. Patong-patong na trabaho. Isama pa ang mga pasaway na agents at unang-una na sa listahan si Yosh. God damn that asshole. Araw-araw pumapasok sa agency na ang baho-baho. Laging amoy alak. Kahit bagong paligo umaalingasaw ang singaw ng katawan na amoy alcohol. Tulad kanina. May annual physical exam at dumating na nakainom. Bagsak. Pakiramdam ko kanina ay puputukan na ako ng ugat sa batok. Napahinga na lang ako ng malalim. Hindi ko naman masisi kung bakit nagkaganoon siya. It was his way of coping up from Ted's death. Alam ko naman na mag-bestfriend ang dalawang iyon. And Ted's death was really a blow on Yosh. Hirap siyang tanggapin ang pagkawala nito.

Ano pa nga ba ang gagawin ko? Araw-araw na sermon na lang. Agahan, tanghalian, minsan nga pameryenda at hapunan laging sermon ang ibinibigay ko sa mga agents na naroon. Kahit magpa-Pasko wala akong pakialam. Iyon ang ibibigay kong pamasko sa kanila. Sermon. Naalala ko noon si Mason noong siya pa ang boss ko. Ganitong-ganito din siya. Hindi ko nakitang nakangiti o masaya. Nararanasan ko ang mga nararanasan niya. Mahirap ang maging Director ng isang agency at halos lahat doon ay ako ang may kargo. Isang pagkakamali lang ng agent, siguradong sa akin puputok at ayaw kong mangyari iyon. Ayaw kong makita ng mga nasa higher office na incompetent ako at kaya lang napunta sa posisyon na iyon ay dahil asawa ko ang may-ari ng agency.

Being married with one of the billionaire heiresses in this country was hard. Alam ko ang usap-usapan ng mga tao. Na kaya ko lang pinakasalan si Lucy ay dahil sa pera niya. Na kahit napakasama ng ugali niya ay tinitiis ko dahil buhay hari ako sa piling niya. Kung puwede ko lang pagbabarilin isa-isa ang mga nagtsi-tsismis na iyon. Kahit piso wala akong hinihingi sa asawa ko. I was working hard to provide for my family. For my parents. Hindi ko pinapayagan si Lucy na gumastos para sa akin.

Kaya nga kahit todo ang pakiusap niya sa akin na magta-trabaho siya ay hindi ako pumapayag. Lalo lang iinit ang tsismis kapag nangyari iyon. Sigurado na ako sa sasabihin ng mga tao. Na kaya nagta-trabaho uli si Lucy ay dahil hindi sapat ang suweldo ko para buhayin ang pamilya ko.

Marahan kong hinilot-hilot ang batok ko habang ipinaparada ang sasakyan sa tapat ng bahay namin. Kita ko ang mga kumukutitap na Christmas lights sa paligid na ipinakabit ni Lucy. Ang mga Christmas decors, and naglalakihang Santa Claus standee na kinaaliwan ni Luke. Ito lang ang pakiusap niya na pinagbigyan ko. Dito kami nakatira sa bahay niya. Si Ferdie naman ay mayroong sariling bahay kasama si Kleng at mga anak niya. May bahay din naman ako. Ipinundar ko iyon noong nagta-trabaho pa ako bilang agent. Mula sa dugo't-pawis ko kaya proud ako doon. Pero hindi ko naman mahindian ang asawa ko. Nang makiusap sa akin si Lucy na doon na lang kami tumira sa bahay niya ay hindi na ako kumontra. Marami na rin naman siyang isinakripisyo nang pakasalan niya ako kaya hindi ko pa ba pagbibigyan ang hiling niya?

Tumingin ako sa relo at nakita kong pasado alas-otso na. Napangiwi ako at napailing. It was Christmas eve and I promised my wife that I would go home early tonight. Hindi na kasi kami natuloy sa out-of-town Christmas getaway namin dahil sa dami ng inaasikaso ko sa agency. Atrasado ng tatlong oras ang uwi ko. The previous days, I should be home by six PM. Iyon ang usapan namin ni Lucy. Gusto niyang naroon na ako ng ganoon oras para sabay-sabay kaming maghahapunan ng ala-siyete. Pero nitong nakakaraang araw, ilang beses akong nali-late ng uwi dahil sa dami ng trabaho sa opisina. Hindi ko naman kasi maintindihan, magpa-Pasko lang pero dumadami ang cases na dapat naming asikasuhin.

Bumaba ako sa sasakyan at kinuha ang bungkos ng bulaklak na ibibigay ko sa kanya. Wala akong dalang Christmas gift dahil surprise ang regalo ko sa kanya. I booked a three-day getaway for the two of us sa Maldives at alam kong matutuwa siya doon. Matagal na siyang nagri-request na magbakasyon kaming dalawa pero lagi kong sinasabi na busy ako. Kaya ngayong gabi, bulaklak na lang muna. Lucy was a tough woman pero pagdating sa bulaklak, lumalambot na siya. Konting paliwanag ko, konting lambing ko, bibigay na agad. Sa totoo lang, para kaming aso't pusa. Laging nagtatalo. Pareho kaming may mga katwiran at ayaw magpatalo. But at the end of the day, both of us would ask forgiveness to each other. Then we would have the make-up sex. That was the best part of arguing with her.

THE TAMING AFFAIR BOOK 2 (self-pub books now available)Where stories live. Discover now