CHAPTER THREE | Mission

1.8K 51 2
                                    

THE TAMING AFFAIR | CHAPTER THREE

MISSION

JD

"Anong oras ka matatapos diyan?"

Nakapatong ang telepono sa mesa ko habang kausap si Lucy tapos ay nakalatag naman doon ang blueprint ng bahay na target namin ngayon. Naroon din ang litrato ng mga taong kasama sa illegal na lutuan ng droga na nasabi sa akin na nag-i-stay ngayon sa bahay na iyon. Tatlong buwan na naming sinusundan ang case na ito. Mga Chinese national na umupa ng isang bahay sa isang exclusive subdivision sa Dasmarinas at doon ginagawa ang paggawa ng droga.

"I still don't know." Nahilot ko ang magkabilang sentido ko dahil ramdam kong nag-aalala ang boses ni Lucy. I planned for this trip for months. Sa katunayan nga, naka-leave na ako ngayon. Nangako ako kay Lucy na pagkatapos ng Pasko ay mag-ta-travel kaming dalawa at susulitin ko naman ang mga panahon na lagi na lang akong sablay sa kanya. Alam kong pagdating sa mga pangako, ang dami-dami nang napapako na mga sinabi kong gagawin para sa kanya. Kahit maliliit na bagay lang iyon, alam kong nakakaapekto pa rin sa aming mag-asawa. Kaya nga madalas kaming magtalo at mag-away. At ngayon ang oras ko para bumawi tapos sumabay naman ang ganito kalaking case na hindi ko basta-basta maipapaubaya kahit sa kaninong senior agent. Si Yosh na lang naman ang natitira dito at si Bryan na kasama sa team ko noon. Dale had a not so private life away from the crazy life in this agency and Mason decided to play dead after I learned that he faked her death. Paminsan-minsan nagko-consult pa rin ako sa kanya kapag may nagiging problema dito sa agency.

"JD, sabihin mo na ngayon sa akin kung matutuloy tayo. Ayokong magmukhang tanga tapos mamuti ang mata ko kakaintay sa iyo sa airport." Dama ko ang inis sa boses ng asawa ko at sigurado akong nagpipigil lang talaga siyang mabulyawan ako.

"Matutuloy tayo. Hindi puwedeng hindi. Naka-leave na ako sa office. Kailangan ko lang talaga na personal na asikasuhin ang case na ito. We've been following this group since last year and this time, we have a lead where can we find their leader. Baby, please. I planned for this trip and I don't want this to get ruined." Napabuga ako ng hangin. Kung bakit naman kasi ngayon pa sumabay ang grupo na 'to? Kung kailan babawi ako ng matindi sa asawa ko, ngayon pa kami naka-receive ng intel na naroon sa bahay na iyon si Jordan Chan. Ang notorious drug smuggler na hindi mahuli-huli kahit ilang beses nang nasasangkot ang pangalan sa malalaking drug bust. Kilala kasing maraming kadikit na pulitiko ang isang ito kaya hindi mahuli. Kaya nga nakipag-coordinate na sa amin ang drug agency para makatulong na mahuli ang isang iyon. Hindi ko tuloy maiwan ito sa mga agents lang.

"Baby. Babe. Come on. I promise I'll be there. I'll be there on time." Naitukod ko ang mga kamay sa mesa at nakatingin sa telepono. Babawi talaga ako nang matindi sa kanya pagdating namin sa Maldives.

Narinig kong napahinga siya ng malalim. "Fine. Tapusin ko na lang itong iniimpake ko at hinihintay ko din sina Ferdie para sunduin si Luke. Saan ba 'yang mission n'yo?"

"This is classified. I can't tell you. I'm sorry." Natawa ako. Madalas magtanong ng ganito si Lucy sa akin pero hindi ko naman masasabi sa kanya ang ginagawa dito sa agency. Puwede ko bang ikuwento sa kanya na may nahuli kaming serial rapist? Serial killer na nanggigilit ng leeg. Puwede ko bang sabihin sa kanya na nakapatay kami ng kriminal? She knew what kind of things I could do but I couldn't let her know any details of it. Baka ma-trauma siya.

"Kasama mo ba si Melissa?" Ngayon ay medyo tumaas ang boses niya.

Natawa ako. Hanggang ngayon talaga matindi pa din ang selos niya kay Melissa. Hindi niya makalimutan noon na ito ang nanggulo sa amin at nagsabi sa kanya kung ano talaga ang trabaho ko

THE TAMING AFFAIR BOOK 2 (self-pub books now available)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz