CHAPTER SEVEN | MIKE VS GREY

705 14 2
                                    


THE TAMING AFFAIR | CHAPTER SEVEN

MIKE VS GREY

JD

Mukhang sablay ang peace offering ko.

Sure, I knew that Lucy loved what I did. The whole Magic Mike dance and the superb make-up sex that we had, but still, I knew she couldn't forgive me that instant.

Naiintindihan ko naman. Napakalaking kasalanan ang nagawa ko. Sa dami ng napakong pangako ko sa kanya, yesterday was the worst. Mukhang matindihang suyuan talaga 'to.

Tumingin ako kay Manang Yoyie na pumasok sa kusina at bitbit ang tray na dinala ko sa kuwarto ni Lucy kanina. Hindi nga nabawasan ang pagkain na niluto ko. Ang wine halatang hindi tinikman ni Lucy. Ang mahal pa naman noon. Nakita kong iiling-iling si Manang habang inilalagay sa lababo ang mga plato.

"Mas gusto daw niya ang ginisang ampalaya na niluto ko," tila anunsyo ni Manang Yoyie habang patuloy sa pagliligpit.

Hindi ako kumibo at napahinga lang ng malalim. Dinampot ko ang puswelo ng kape na iniinom ko.

"Magluluto uli ako mamaya para sa pagkain niya." Sagot ko.

"Nagpautos na kay Paz na bumili ng scampi pasta sa Alfredo's. Nagpunta na doon si Paz ngayon." Iyon ang Italian restaurant na nasa labas ng village namin.

Napahinto ako sa pag-inom at takang napatingin kay Manang.

"But I just cooked a scampi pasta for her," tiningnan ko pa ang niluto kong inilalagay na ni Manang sa lagayan ng mga spoiled food.

Ngumiwi siya sa akin. "Alam mo na ang ibig sabihin n'on."

Mahina akong napamura.

"Ayaw naman kasi niyang makipag-usap sa akin. Nagso-sorry naman ako. Inaamo ko naman siya. Sinayawan ko na nga," napakamot pa ako ng ulo at napailing.

Napahinto si Manang sa ginagawa tapos ay nangingiting tumingin sa akin. Parang kumutitap pa ang mga mata.

"Paanong sayaw?"

Sinamaan ko siya ng tingin. "Manang, umayos ka." Napabuga ako ng hangin. Nag-iisip pa rin ako kung paano mapapaamo ang asawa ko. Matindi-tindi talaga 'tong away namin ngayon.

"JD, huwag kang sumuko. Ikaw naman. Napaamo mo nga si Lucia na parang tigre noon tapos ngayon ka pa mawawalan ng pag-asa. Kung sinayawan mo na at hindi pa rin lumalambot, aba, daanin mo na sa dahas." Napahagikgik pa si Manang. "Minsan, ang pagsasama ng mag-asawa dapat may thrill din. May spice para hindi nakaka-boring."

Natatawa akong tumingin kay Manang Yoyie. "'Di ba Manang old maid ka? Wala kang asawa."

"Oo. Bakit? Masama bang walang asawa?" Tinapunan pa niya ako ng nagtatanong na tingin.

"Saan mo nadadampot 'yang may pa-thrill at spice ka pang nalalaman para sa buhay mag-asawa."

Humarap siya sa akin at pumamewang. "Hoy, James. Kahit ganito ang edad ko at wala akong asawa, aba marami akong boypren. Si Henry Cavill. Si Jason Momoa. Siyempre gusto ko ang mga malalaman. Malalaki ang braso. 'Yan, mga boypren ko 'yan. Pero siyempre ang pinaka-paborito ko ay si Christian Grey." Napapapikit pa si Manang at hitsurang kinilig.

Napaawang ang bibig ko. "Christian... who?" Sino ang Christian na sinasabi ni Manang?

"Hindi mo kilala si Christian Grey? Ano ka ba naman, James? Kaya siguro si Lucy lagi na lang masungit na naman. Hindi mo ginagawang Anastasia Steele. Dapat minsan pinapalo-palo mo 'yon. Minsan tinatali o kaya pinipiringan. Ahaay..." tumawa pa si Manang Yoyie na hitsurang kinikiliti.

THE TAMING AFFAIR BOOK 2 (self-pub books now available)Where stories live. Discover now