CHAPTER EIGHT | KIDNAPPED

698 11 0
                                    


THE TAMING AFFAIR | CHAPTER EIGHT

KIDNAPPED

Lucy

Titiklop na yata ang tuhod ko kay JD.

Kahit anong gawin kong iwas sa kanya, siya naman ang gumagawa ng paraan para mapansin ko siya. At gusto ko naman talagang makipag-usap sa kanya. Gusto kong magkaayos kami pero hindi ko makayang humarap sa kanya dahil alam kong may malaki akong kasalanang nagawa. Nang makapasok ako sa kuwarto ay agad kong isinara iyon tapos ay sumandal sa pinto. Wala sa loob na nahawakan ko ang mga pisngi ko dahil damang-dama ko ang pag-iinit noon. Napaka-bold ng ginawa ni JD kanina. Imagine doing that kinky thing in the kitchen. First time naming ginawa iyon. Paano kung nakita kami ni Manang Yoyie at ni Paz? Na-eskandalo pa ang dalawang iyon. I knew JD had a voracious appetite for sex, but what he did earlier? That was something. That was wild. That was amazing.

And I liked it.

Napakagat-labi pa ako dahil pakiramdam ko nararamdaman ko pa ang mainit na labi niya sa pagitan ng hita ko. Napalunok ako at tinungo ang banyo at naligo. This got to stop. Kailangan na maayos ko muna ang gulo na ginawa ko. Pupuntahan ko si Eula at tatanungin ko kung ano talaga ang nangyari kagabi.

Nang matapos akong maligo at magbihis ay narinig kong tumutunog ang telepono ko. Agad na bumundol ang kaba sa dibdib ko nang makita kong si Mark ang tumatawag sa akin. Napatingin pa ako sa pinto dahil baka naroon si JD at muli ay sa pangalan na naka-register sa phone screen ko. Tiningnan ko lang iyon. Maya-maya ay text message naman ang na-receive ko.

Lu, you know we need to talk.

Napapikit ako sa kaba at agad kong binura ang message niya tapos ay blinock ang number niya. Wala na kaming dapat pang pag-usapan ni Mark. Walang dapat na makaalam sa nangyari sa amin. Nagbago na ang isip ko na tawagan si Eula at puntahan. Kung nagkasala man ako kagabi, hinding-hindi na mauulit iyon. Gawa lang iyon ng alak kaya hinding-hindi na ako iinom. Kahit tikim hinding-hindi ko na gagawin.

Pero hindi pa rin ako mag-i-stay dito sa bahay hangga't nandito si JD. Bakit kasi hindi na lang pumasok ang lalaking iyon para hindi ako nakokonsensiya sa tuwing nakikita ko siya? Lumabas ako ng kuwarto at nakiramdam ako kung naroon si JD. Wala naman. Dumeretso ako sa kusina at naroon si Manang Yoyie at Paz. Nagliligpit pa si Paz ng mga nahulog na mga condiments kanina noong pinapapak ako ni JD dito sa counter top. Gusto kong mahiya.

"Manang, aalis na muna ako." Si Manang Yoyie na lang ang kinausap ko.

"Ha? Aba, umalis din si JD. Hindi pa kaya nagsabay na dalawa."

"Iba ang lakad ko." Bumaling ako kay Paz. "Ligpitin mo ang mga kalat diyan. Ayokong makitang maraming mga ligpitin dito pag-uwi ko. Pupuntahan ko si Luke." Pagkasabi ko noon ay dumeretso na ako sa garahe at sumakay sa kotse. Agad na sumunod sa akin si Jay-R na driver namin pero sinabi kong ako na ang magda-drive sa sarili ko. Napahinga pa ako ng malalim nang i-start ko iyon. If there was one more thing that I really love being married with JD, he helped me to overcome my fear. Talagang nagtiyaga siya na makapag-drive uli ako at matalo ko ang phobia ko gawa ng aksidente noon na nangyari sa akin.

Habang nasa biyahe ako ay tinawagan ko si Ferdie. Inilagay ko sa speaker mode ang phone para hindi ako maistorbo sa pagmamaneho. Nagkakaingay pa ang nasa kabilang linya nang sagutin ang tawag ko. Maiingay na sigawan ng mga bata ang naririnig ko sa background.

"Ate!" Tumatawang sabi ni Ferdie. "How's Maldives?"

Pakiramdam ko ay may bumukol na kung ano sa lalamunan ko kaya hindi ako nakasagot agad.

THE TAMING AFFAIR BOOK 2 (self-pub books now available)Where stories live. Discover now