CHAPTER SIX | MAGIC MIKE 2.0

684 11 0
                                    


THE TAMING AFFAIR | CHAPTER SIX

MAGIC MIKE 2.0

LUCY

Alam kong magang-maga na ang mata ko kakaiyak pero hindi ko pa rin mapigil ang pagluha. Nagagalit ako sa sarili ko. Nagagalit ako sa kagagahang nagawa ko. Ano pa ang mukhang ihaharap ko ay JD? Naramdaman kong nag-init na naman ang sulok ng mga mata ko kaya mabilis kong pinahid ang mga luhang namuo doon. Napapikit ako pero nagsisi lang ako sa nagawa. Dahil nakita ko lang ang sarili kong kasama sa kama si Mark at pareho kaming hubad.

Napasinok-sinok na ako sa pagpipigil na makalikha ng malakas na pag-iyak. Pilit kong iniisip at binabalikan kung anong nangyari kagabi at napunta ako doon. Kung paano kami nauwi sa kama ni Mark at parehong walang saplot. Kasalanan ko 'to lahat. Kung bakit kasi ako nagpakalango-lango sa alak. Sa sobrang galit ko kay JD dahil sa ginawa niya, doon ko ibinuhos ang lahat pero hindi ko akalaing hahantong sa ganoon.

Mahal ko si JD. Kahit madalas kaming nagkakaroon ng hindi pagkaka-unawaan, hinding-hindi ko siya magagawang lokohin pero iyon pa rin ang nangyari kahapon.

I slept with another man and I knew he wouldn't forgive me if he knew about it.

Mabilis kong pinahid ang mga luha ko at bumangon sa kama. Tumingin ako sa paligid at lalo lang akong nalungkot nang hindi ko makita doon ang asawa ko. Napangiti ako ng mapakla. I am sure, just like before, he went to his office and do his job. Doon naman siya magaling. Sa trabaho niya. Gusto niyang maging perpekto bilang director ng agency na iyon. Gusto niyang maging maayos ang lahat ng mga agents niya pero hindi niya alam, ako na asawa niya ang napapabayaan niya.

Napasinghot-singhot ako nang mapatingin sa maliit na table na nakapuwesto sa gitna ng silid namin. Napakunot ang noo ko dahil wala naman iyon doon. Tumayo ako sa kama at nilapitan iyon at nakita kong may nakalagay na pagkain sa tray. Shrimp scampi pasta with red wine. Chateau Latour Grand Vin Paulliac. My favorite expensive red wine brand. Napalabi ako at dinampot iyon tapos ay isinalin ko sa baso at inamoy. Napapikit ako sa bango pero hindi ko ininom. Ayaw ko na ng alcohol. Dahil dito kaya ako nagkasala kagabi. Dahil sa alak, kaya ako nagkaroon ng experience sa ibang lalaki.

Taste me.

Iyon ang nabasa kong nakalagay sa note na nasa malapit sa plato ng pasta. Hindi ko tinikman. Alam kong si JD lang ang may gawa nito. Kung tutuusin dapat matuwa ako. Kiligin. Dahil first time itong ginawa ng asawa ko. JD was not a sweet person. Hindi rin mahilig sa surprise. Naiintindihan ko naman. Sa trabaho niya sa agency, wala na sa bokabularyo n'ya ang pa-surprise. Pero tanggap ko naman iyon. Tanggap ko kung ano ang kakulangan ng asawa ko. Minsan lang talaga, nakakasama ng loob kasi ramdam na ramdam ko na hindi ako ang priority niya kundi ang agency.

But that doesn't mean that I had to cheat on him.

Napaiyak na naman ako sa sobrang guilt. Hindi ko alam kung paano pa ako haharap sa kanya.

Nakita kong may isang papel pa ang naroon.

Sit and relax.

Napakunot na ang noo ko at tumingin sa paligid. Si JD ba talaga ang gumawa nito? Ano 'tong mga notes na 'to?

Doon ko siya nakita na lumabas galing sa banyo. Seryosong-seryoso ang mukha. Mukhang hindi pumasok sa agency kasi tanging t-shirt at maong pants lang ang suot niya. Ang lakas ng kabog ng dibdib ko at sa totoo lang, kung wala akong nagawang kasalanan, kanina pa ako nagmo-monologue dito dahil sa ginawa niyang pang-iindiyan sa akin kahapon sa lakad namin. Pero sa laki ng kasalanan ko, wala akong karapatang magalit. Wala akong karapatang magwala. Kahit nga hindi ako uwian ni JD ng ilang linggo, wala pa rin akong karapatang magreklamo.

THE TAMING AFFAIR BOOK 2 (self-pub books now available)Where stories live. Discover now