Chapter 2

4 2 0
                                    

The next day, I woke up at 11:30 because 2 o'clock in the morning na ako natulog just to finish my projects.

"Kumain ka na?" tanong ko kay ate pagkakita sa kanya sa kusina.

"Hindi pa, kakagising ko lang din," sagot niya.

Tumango na lang ako at kumuha ng pinggan namin dalawa. Nilagyan ko na rin ng kanin yun habang si ate ang nagsandok ng ulam. Dinamihan ko yung kain ko dahil brunch na iyon, breakfast plus lunch.

"Anong oras ka aalis?" tanong ni ate habang kumakain kami.

"1 o'clock."

"Edi bilisan mo na dyan. Mamaya andyan na si Akash, hindi ka pa tapos kumilos."

"Oo alam ko," wika ko.

Pagkatapos kumain ay iniwan ko na lang ang pinggan ko dun at umakyat na ulit sa taas. Si ate naman nakatoka maghugas ng pinggan tuwing tanghali. Inayos ko muna ang mga gamit na dadalhin ko sa isang shoulder bag. Wala naman ako iba ilalagay dun kundi wallet, phone, panyo, suklay, lipgloss at alcohol. Naligo na rin ako nang matapos magayos.

I wear a navy blue floral blouse with a bell sleeve that reaches up to my elbow, the sleeve also has a ribbon before the ruffle at the end. Navy blue skinny jeans and pair of nike shoes. Hinayaan ko rin na nakalugay ang mahaba ko buhok tutal basa pa iyon.

Lumabas ako ng bahay namin para manghingi ng pamasahe kay papa. Ayoko kay mama manghingi, kuripot yun!

"Pa, penge pamasahe," sabi ko sabay lahad ng kamay.

"Saan punta?" tanong muna nito.

"Sm, kasama ko si Akash."

"Magingat kayo ah. Yung sasakyan tignan niyo muna bago kayo tumawid. Umuwi kayo ng maaga, wag masyado magpapagabi," bilin ni papa.

Sunod sunod na tumango ako. Kumuha si papa ng pera sa wallet niya, napangiti na lamang ako ng makitang limang isang daan yun. Galante ang tatay ko ngayon!

"Magkano binigay sayo?" tanong ni mama pagkabalik ko sa loob.

Nakangiting pinakita ko sa kanya ang limang perang papel na hawak ko.

"Kapal talaga!" natatawang niyang komento.

Natatawang bumalik ulit ako sa kwarto para ilagay yung pera sa wallet. Kukunin ko na rin yung pera kay ate para sa pinapabili niya.

"Yung stabilo fineliner na lang ang bili mo. Yung colored pencil sa shopee na lang ako bibili. Chat ko yung mga kulay na bibilhin mo, ang mahal kasi kapag isang set, mayroon pa naman ako dyan na ilang kulay na hindi nagagamit. Yung sukli nito sayo na lang bahala ka kung ano gusto mo bilhin," sabi ni ate.

Inabot niya sa akin yung malutong na isang libong na tinago ko rin sa wallet. May extra money naman ako dala mula sa natitira ko mga baon na pera tuwing papasok ako.

"Fineliner ang bibilhin, hindi yung highlighter," paalala nito.

"Alam ko pinagkaiba nun."

Isinuot ko na yung relo ko pati na rin yung friendship bracelet namin ni Ayani na yinyang bracelet. Sa akin yung yin samantala kay Ayani yung yang, lagi ko rin 'tong suot kaya minsan ay napagkakamalan akong may jowa dahil dito, couple bracelet kasi 'to na ginawa lang namin friendship bracelet. Naglagay muna ako ng pulbos sa mukha at lipgloss para hindi magmukhang tuyo ang aking labi.

"Pagandang paganda ah!" pangaasar ni ate.

"Shut up!" inis ko sabi bago isukbit ng bag.

Saktong palabas na ako ng bahay ng marinig ang sigaw ni mama.

No One KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon