Chapter 9

0 1 0
                                    

Lumipas ang bakasyon na puro lang ako gala. Ang pasimuno, ang magaling ko pinsan. Araw araw kung saan saan ako hinahatak. Parang siya ang nakatira dito tapos ako yung dayo na kailangan itour, baliktad na kami. Pinagbibigyan ko na lang dahil minsan lang naman sila nandito at wala naman ako ginagawa sa bahay .

"Bes!" Napatingin ako kay Ayani na tumatakbo galing dining, may toasted bread pa nakalagay sa bibig nito. "Namiss kita!" sabi nito at niyakap ako habang nakadikit ang mga pisnge namin.

"Miss agad? Parang di tayo magkapitbahay."

"Ito naman, di na lang makisabay sa trip," nakanguso sabi nito.

Natawa ako bahagya. "Alis na tayo, malate pa tayo sa first day natin."

"Okie po madam! Kunin ko lang bag ko," sambit nito at nagtungo sa sala.

Nagpunta naman ako sa dining upang magpaalam pagkatapos ay umalis na kami ni Ayani. Nagcommute lamang kaming dalawa dah tinatamad daw kasi siya magpahatid. Hindi naman kalayuan ang school namin, isang tricycle papuntang terminal at isang jeep naman papuntang school.

"Saan room natin?" tanong ko.

"Sa katapat ng building natin dati," sagot ni Ayani.

Hingal na hingal kaming dalawa ng makarating sa 4th floor kung nasaan ang room namin. Bakit kasi apat na palapag 'tong building na 'to! Di naman kami college ah! Piste yan, nakakahingal!

"Iya! Kea!"

Napatakip kami ng tenga ni Ayani sa nakakabingi sigaw ni Sera. Muntikan pa kami maout of balance nang tumalon sa amin si Sera upang sabay kami yakapin.

"Omg! Namiss ko kayo! Ako ba namiss niyo? Syempre, oo! Walang kaya nakakatiis sa 'kin!" malakas na sabi nito na akala mo'y napakalayo namin.

"I'm sure they don't miss you. Sa lakas ba naman ng boses mo," sabi ni Trin na nakasandal sa pinto.

"Napakasama mo talaga sa 'kin twin." Ngumuso si Sera.

Sera and Trin are fraternal twins kaya hindi talaga mahahalata na magkambal ang dalawa unless makikilala mo sila. They live in France and last year they moved here to the Philippines for good. They know how to speak Filipino because their mom is Filipina, ibigsabihin ay Half French at Half Filipina silang dalawa kaya di sila nahirapan makipagsabayan dito. Nakilala namin ni Ayani silang dalawa nung grade 11.

Serenity Lizbeth Granger or Sera for short. Sera is happy person. She have small eyes that always shining. Her sweet smile that really fit to her. Her long hair with cute little bangs na tinatakpan ang medyo hindi kakapalan niyang kilay.

About sa personality naman niya ay maingay siya. Malakas rin ang boses na parang nakalunok ng megaphone. Ang daldal rin niya minsan pero okay lang dahil nagagamit naman niya ang kadaldalan niya sa klase.

Si Trinity Lizeth Granger naman ay kabaliktaran ng kakambal niya. Kung maingay si Sera, siya naman ay tahimik at lagi nakaharap sa libro. Trin's IQ is higher than Sera, ang problema lamang, she is not active in class. Sumasagot lang si Trin kapag tinatawag ng teacher pero wag ka yung mga sagot niyan pangmalakasan kahit ang teacher ay napapanganga sa mga sinasagot ni Trin.

She is really a nerd as in typical nerd but not like the others na inaapi because she knows how to fight. Siya yung nerd na di mo gugustuhin na banggain. May pagkastraight forward rin pala ito magsalita minsan, mahilig mambara o mamilosopo.

Bilugan ang mata ni Trin na parang lagi naghahamon ng away, buti na lang may suot siyang salamin lagi kaya kahit papaano ay natatakpan yung mata niya. She also have heart shape lips and pointed nose. Her cheeks is chubby, but still have this perfect chin. Her long and curly hair are also beautiful, lalo na pag tinatangay ng hangin.

No One KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon