Chapter 7

3 1 0
                                    

Sa mga sumunod na araw ay wala kami ginawa kundi ang magtake ng periodical, icheck iyon, gumawa ng mga kulang at clearance. Upang wala na kaming proproblemahin pagmoving up na. Mabuti na lang walang bumagsak sa amin kaya buong batch ng grade 10 ay makakamoving up, walang maiiwan.

"Oh my ghad! Moving up na bukas, I'm so excited," tuwang tuwa sabi ni Ayani.

Ito na ang last day namin bilang estudyante ng baitang sampu at last day na magkakasama ang mga bawat section kaya sinusulit nang lahat ang araw na ito. At sinusulit na rin namin ni Ayani ang buhay junior high.

Madaming ups and down na nanyari lalo nang mapunta ako sa section na 'to. Napakadami din namin napagdaan sa buong junior high. Sa four years na yun madaming nagaway, tampuhan pero dahil sa mga experience na sumubok sa 'min. Lalo kami nagmatured. Lalong tumatag ang samahan namin.

"And... tomorrow is?" tanong ko

"Confess day," mahina namin sabi na sinundan ng hagikgik.

"Pero gagi kinakabahan ako bukas," dagdag ni Ayani.

"Ang saya natin ah. Anong meron?"

Sabay kami napalingon kay Syler na kakaupo lang sa pwesto niya, sa likod namin.

"Pinaguusapan lang namin yung tungkol bukas," sagot ni Ayani.

"Iya, may naghahanap sayo," sambit nung isa namin kaklase.

Nang makita ni Ayani si Dreo ay gumuhit ang abot hanggang tenga nitong ngiti. Tumayo agad siya at nilapitan ito.

"Hanggang bukas na lang tayo makikita."

Napatingin ako kay Syler. Sandali ko siya pinagmasdan kinakabisado ang bawat parte ng kanyang mukha. Bukas ang huli natin pagkikita at yun na din ang araw kung saan masasagot ang tanong na matagal nang gumugulo sa isip ko.

"Grabe, ang bilis ng panahon. Parang kailan lang kakakilala pa lang natin nung elementary tapos ngayon moving up na ng junior high."

Ngumiti ako. "Goodluck sa senior high."

"You too," nakangiti rin nitong sabi niya. "Nga pala, hindi pa ako nakakasulat sayo."

"Oo nga 'no. Wait lang."

Kinuha ko yung marker sa bag ko at ibinigay sa kanya iyon. Pinatagilid niya ako para magkapagsulat siya sa sleeve ng umiform ko. Usong uso talaga sa school yung sulatan ng uniform kada last day. Nakagawian na namin yun lalo pag Grade 10 student dahil parang nagsisilbi na rin 'yong remembrance.

"Done!"

Agad ko tiningnan yung sinulat ni Syler. Medyo mahaba iyon kaya niliitan niya ang sulat para magkasya sa buong sleeve.

Thank you because I met you Kea, Enjoy your journey :)

~Syler

Simpleng mensahe ngunit malaking bagay na iyon para sa akin.

"Ikaw naman," sabi niya at ibinigay yung marker.

Nagsulat ako sa bandang balikat niya sa likod dahil yun na lang ang may space. Ang totoo niyan... hindi ko talaga alam kung ano ang isusulat.

"Tagal ah."

"Sandali lang, nagiisip pa eh," irita ko sabi na ikinatawa niya.

Sa huli ay nag thank you message na lang ako tutal wala naman ako iba kailangan isulat dun. Hindi ko rin naman pwede ilagay yung sinabi ni Ayani na 'I like you' dahil mapapaamin ako sa wala sa oras at baka may makakita pa na iba.

"Okay na," sabi ko.

"Hindi ko pala mababasa yung sinulat mo," sabi ni Syler.

"Thank you message lang naman yung sinulat ko. Basahin mo pagkauwi mo," sabi ko.

No One KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon