Chapter 10

2 1 0
                                    

"Here's your order sir, have a greet day."

Tuwing weekends ay nandito ako sa coffee shop na pagmamayari ni ate, isa sa business na itinayo niya. Nakagawian ko na pumunta dito pagwalang pasok o wala ako ginagawa sa bahay. Kung iniisip niyo na tumatambay ako dito, nagkakamali kayo. Pumupunta ako dito para tumulong at para na rin makakuha ng experience, minsan ay nasa counter ako, minsan ay nagseserve, parang part time job kumbaga.

Malapit lang sa guard house ng subdivision nakatayo itong coffee shop kaya nakakapabalik balik ako dito na walang kapagod pagod.

"Ma'am, ako na po dyan. Magmeryenda po muna kayo."

"Hindi, okay lang Ate Mycie. Ako muna dito teh, magpahinga po muna kayo," sabi ko.

"Sure po kayo?"

"Opo."

Pagkaalis ni Ate Mycie, isa sa mga staff dito, ay saktong may mga bagong costumer na dumating kaya sinalubong ko sila nang ngiting pagkalaki laki. Isa isa ko inassist ang mga order nila.

"Good afternoon sir, what can I get for you?"

My smile faded when I realized who was in front of me now. It's Syler! Shit! Bakit ba lagi na lang nagkrukrus landas namin?! Nakakainis na, ah! Mukha hindi niya ako napansin dahil nakatingin ito sa menu sa likod ko.

"Two iced Americano and two cinnamon buns."

Pilit ko tinatakpan ng aking buhok yung mukha ko habang nagtatype ng order niya sa computer.

"Two iced Americano and two cinnamon buns with total of 800 pesos sir," sabi ko na hindi pa rin tumitingin sa kaniya.

Dumukot siya ng pera sa kaniyang wallet saka ibinigay iyon sa akin. Mukhang dun na niya ako napansin dahil naaninag ko ang paglaki ng kanyang mata. Patay malisyang kinuha ko yung pera mula sa kanya, di pa rin inaalis ang tingin sa computer. Ayoko talaga makita yung mukha niya sa totoo lang.

"I received 1,000 pesos."

Kinusot kusot ko yung pera at itinapat iyon sa ilaw para makita kung peke ba o hindi, naniniguro lang. Pagkabigay ng sukli at resibo sa kanya ay agad ako tumalikod upang iprepare ang kanyang order. My hands were trembling while making iced americano, ramdam ko ang tingin niya sa akin kahit nakatalikod ako. Huminga ako nang paulit ulit para mawala ang pagkakaba.

Act normal Kea, act normal!

"Here's your order sir. Two iced americano and two cinnamon buns." I smoothly pushed the tray on the counter so it could reach him. "Have a great day."

Nagpipindot pindot ulit ako sa computer kunwari ay may inaayos kahit wala naman. After Syler left, I held my chest and took a deep breath.

Tiningnan ko kung saan siya pumunta. Napakunot ang noo ko ng makita kasama niya si Scarlet. Nagdedate ba sila? Ibigsabihin sila na ulit. Sandali nga lang, ano ba pake ko!

Naalis ang tingin ko sa kanila nang maramdaman may panibagong costumer na nasa harap ko.

"Good afternoon ma'am, what can I get for you?" sabi ko na di tumitingin sa taong iyon.

"Isang Keanna Myleen nga na hanggang ngayon di pa rin nakakamoveon."

Napatingin ako kay Ayani na nakangisi sa akin. Inirapan ko ito.

"Bida ka. Anong ginagawa mo dito?"

"Pumunta ako sa inyo tapos wala ka naman dun. Sabi ni tita nandito ka kaya dito ako pumunta. Actually bwibwisitin lang kita," sabi ni Ayani.

"Tss, ano sayo?"

"Isang Java chip. Magkano?"

"Libre ko na,"sabi ko.

No One KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon