Chapter 15

1 0 0
                                    

The next day I woke up so early, 5 o'clock pa lang ata gising na ako na dapat ay 7 o'clock pa. Naglakad lakad na lang muna ako sa labas dala ang camera para makunan ko rin ng litrato yung pagsikat ng araw. Sayang din yun, isa pa gusto ko rin makita yung gagamitin namin para sa team building.

Nilibot ko ang buong resort nang halos isang oras. Di ko inakala na ganito pala 'to kalaki. Mayroon pa nga ginagawa dun sa dulo na sa tingin ko ay patatayuan ng cottages, pwede rin overnight room. Napagdesisyunan ko muna maupo dun sa may hagdan malapit sa swimming pool. Mala rice terraces ang pagkakagawa nun kaya parang maganda magpahinga dun.

"Hay, kapagod!"

Inistrench ko yung paa ko at minasahe iyon. Tumingala ako sa langit saka nagpakawala ng isang malalim na hininga.

"Ang aga mo nagising ah."

Napatingin ako kay Syler na nakasuot ng hoodie. Medyo messy ang buhok niya na halatang bagong gising lang. Tahimik na naupo ito sa 'king tabi.

"Namamahay ako kaya maaga ako nagising," sabi ko.

"Di pa rin pala naalis sayo yun. Isang linggo bago mawala yung pagiging namamahay mo, right?"

Tanggi tango lamang ang sinagot ko.

Nakakabingi katahimikan ang bumalot sa 'min. Tahimik ko tiningnan ang mga picture na kinuhanan ko mula sa DSLR samantala siya deretso lang ang tingin.

"Kayo ba ni Calyx... sobrang close na talaga simula pagkabata?" pambabasag niya sa katahimikan.

"Pagkasilang pa lang namin sa mundong ito magkasama na kami. Mukha lang kami aso't pusa minsan pero close pa kami sa inaakala mo," wika ko.

"Kaya hindi na nakakapagtaka kung mapagkamalan kayong magcouple sa tuwing magkasama kayo."

Bahagya siya napangisi sa sinabi niya napayuko ito sandali at tumingin sa ibang dereksyon. May binulong pa si Syler pero di ko narinig sa sobrang hina kaya pinagkibit balikat ko na lang.

Nang magtext si Ayani ay nagpaalam na ako kay Syler na babalik na sa room. Kailangan ko na rin magayos dahil anumang oras ay tatawagin na kami para sa breakfast.

"Saan ka galing babaita ka?" tanong ni Ayani na kakalabas lamang sa bathroom.

"Naglibot. Maaga ako nagising." Pinasadahan ko ng tingin si Ayani na abala sa pagsusuklay. "Naligo ka?"

"Oo. Obvious naman di ba?"

"Ahh sayang lang yung pinaligo mo dahil madudumihan ka rin mamaya," sabi ko.

Kinuha ko ang aking maleta para kunin ang damit panlaro. Magshohower lang ako dahil mamaya pa ako maliligo pagkatapos ng team building para isang dumihan na lang.

"Huh?"

"Gagapang tayo mamaya sa putikan. Nakita ko na hinahanda ng mga staff yung nga gagawin natin sa team building."

"Weh?! Hala! Favorite ko pa naman 'to. Dapat pala hindi 'to yung suot ko. Magpapalit ako." Nagmamadali kumuha siya ng pamalit niya.

"Daming damit ah. Yung panlarong damit na suutin mo para hindi ka na magpapalit mamaya"ani ko bago pumasok sa bathroom.

Pagkatapos ko magshower ay pinaayos ko kay Ayani ang aking buhok para walang sagabal mamaya. Half up space bun hairstyle ang ginawa niya. Medyo okay na rin 'to dahil gustuhin ko man braid ang gawin para siguradong walang sagabal ay di pwede kasi hindi kakayanin sa sobrang iksi. Ang mahalaga naman ay walang humarang na hibla habang naglalaro kami kundi madidistract ako.

Bumaba na rin kami para makakain, clubhouse daw ulit yung place ayon kay Sera kaya dun kami dumiretso.

"Nasaan si Ulap?" tanong ko agad pagkarating namin.

No One KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon