Chapter 6

1 1 0
                                    

Pagkadismiss ng teacher namin ay saktong pagtunog ng bell na sinabayan nang hiyawan ng mga kaklase kong excited magsiuwi. Tahimik na pinasok ko ang aking mga gamit sa bag.

"Kea." Kinalabit ako ni Syler mula sa likod.

"Hmm?"

"Sama ka? Pupunta kaming perya mamaya?"

"Uhm.. hindi ko alam kung papayagan ako," alanganin ko sagot.

"Ako bahala Mylie, ipapaalam kita. Malakas ata 'to kay tita," pagmamayabang ni Ayani. "Basta kasama kami. Anong oras ba?"

"7pm. Kasama rin pala si Dreo."

Napailing na lamang ako ng makita kung paano gumuhit ang ngiti sa labi ni Ayani na marinig ang pangalan na yun. Patay na patay talaga siya sa lalaki yun sabagay same vibes sila, mukha masungit pagtitignan.

Pagkalipit ko ng gamit ko ay niyaya ko na si Ayani na lumabas ng classroom.

"Kain tayo fishball, crave ako." Umakla siya sa braso ko.

"Adik ka talaga dun," sabi ko na ikinahagikgik nito.

"Inaya!"

Hindi makapaniwala napalingon si Ayani kay Dreo na tumawag sa kanya, papalapit ito sa 'min. Nakasabit ang isang strap ng bag niya sa kanyang balikat habang ang isang kamay naman ay may hawak na folder. Magulo ang buhok nito tapos ay maluwag na ang pagkakatali ng necktie niya. Nakabukas pa yung isang butones ng kanyang polo. Init na init na siguro sa buhay niya 'to.

No doubt kung bakit nagkagusto sa kaniya si Ayani. Ang cool niya tignan pati paglalakad ang cool rin. Bagay silang dalawa, pereho amoy expensive kaya lang mukha siyang badboy tignan dahil sa ayos niya ngayon.

"What did you call me?" Ayani arched her brow.

"Inaya."

Napangiwi na lamang ako ng inulit ni Dreo ang sinabi niya. Walang tumatawag sa mismong name ni Ayani. Ayaw rin niya tinatawag siyang ganun kaya nga binaliktad ko na lang yung name niya para sa callsign namin.

"By the way, your adviser want me to give you this papers."

Kinuha ni Ayani yung folder kay Dreo at sandali pinasadahan ng tingin yun.

"Don't call me by my name, just call me Iya," sabi ni Ayani na hindi inaalis ang tingin sa papers.

"Nahh, I will call you whatever i want and because napagisip isip ko na para maiba, Inaya na lang itatawag ko sayo. Right, Inaya?" He smirked

"Okay then, I will call you Treun," casual na turan ni Ayani kasabay ng pagsara niya nung folder.

Tangina, dudugo na talaga ilong ko sa dalawang 'to! Pagnapatuloy pa sila sa pageenglishan!

"No-"

"Uh-ah." Tinapat niya ang kanyang hintuturo sa labi ni Dreo. "You say that you can call me whatever you want then i will call you whatever i want."

Binigyan niya muna ito ng nakakaloko ngiti saka naglakad palayo.

"Let's go bes."

Ngumiti muna ako kay Dreo bago nagmamadali sumunod kay Ayani.

"The best ka talaga," mahina ko bulong.

"I know right." She flip her hair.

Pereho na lamang kami natawa. Iba talaga 'tong bruha na 'to casual na casual makipagusap. Kaya hindi mapaghahalataan na may crush siya sa isang tao. Minsan talaga nasasaniban ng kaastigan itong bruha na 'to, sama mo na rin yung pagiging makapal ang mukha.

"Ma! Si ate?" salubong ko tanong pagkauwi ko.

"Nandun sa kwarto gumagawa ng plates niya." sagot ni mama na nanood ng tv.

No One KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon