Chapter 14

0 0 0
                                    

Tanggi nung linggo lang ang naging pahinga ko nang natapos ang foundation day dahil pagpatak ng lunes ay balik school na muli. Kaliwa't kanan ang paproject at activities. Galing 'no, pagkatapos magsaya tambak na activities ang naghihintay sa amin.

"Umuwi ng maaga Kea, wag na maggala," paalala ni ate pagkababa ko ng kotse niya.

Tangi kaway lang ang sinagot ko sa kanya. Tamad na tamad ako naglakad papasok ng school hanggang ngayon pagod pa rin ako, hindi ko pa nababawi yung lakas na nawala sa akin simula nung inayos ko ang foundation day. Kulang yung buong isang araw na pagtulog ko!

"Good morning!" nakangiti bati ni Syler sa akin.

"Morning," bagot ko sabi.

Tahimik na sinabayan ako ni Syler sa paglalakad. Parang may gusto siya sabihin sa 'kin pero hindi niya matuloy tuloy dahil sa nakabusangot ko mukha. Takot ata 'to na sungitan ko siya.

Pagdating sa room, pabalagsak ko inilagay ang aking bag at isinubsob ang mukha sa desk. Nagulat pa sila Ayani na kasalukuyang nagkwekwentuhan.

"Bad mood?" tanong ni Ayani.

"Antok." Tumayo ako upang magtungo sa pwesto ni Sera. "Palit muna tayo hanggang sa magtime."

Pagkaupo ko sa upuan ni Sera agad na bumagsak ang talukap ng aking mata na kanina ko pa pinipigilan. Isang oras rin ata ako nakaidlip basta nagising ako sa tapik ni Trin dahil dumating na ang teacher namin.

"Kea."

I looked at Ulap who was holding two kopiko candies.

"Oh, baka magising diwa mo," sabi ni Ulap.

"Thanks." Kinuha ko yung candy at kinain ang isa baka sakali hindi na ako antukin.

Nakasurvive naman ako hanggang lunch. Salamat sa binigay ni Ulap na nagpagising sa diwa ko. I also bought chocolates to make sure I have energy until volleyball practice pero sigurado doble na ang pagod ko nito bukas.

"12-HUMSS, I have ashort announcement para sa darating niyong field trip next month bago tayo magdismiss," sabi ni Ma'am Vangie

Pisteng yan! Kakatapos lang yung foundation day, may field trip pang susunod. Gosh! Sana may vacation kami kahit 2 weeks lang para mabawi ko lahat ng lakas ko para naman sa volleyball.

"Ang kalahati sa inyo ay nakapagbayad na sa field trip, tama ba ako?"

Nagsisagot ang mga kaklase kong bayad na sa field trip at isa na ako dun.

"Naannounce ko na nung nakaraan na that your field trip will be in Batangas and one of the destinations will be the resort where you will stay and you will also have team building there. Medyo may pagbabago lang na manyayari, imbes na buong araw kayo dun kagaya sa mga normal na fieldtrip ay magiistay in kayo dun ng tatlong araw. Sa day 1 ay team building lang ang gagawin natin buong araw. Day 2, you're free to do whatever you want. Wag kayo magaalala bibigyan ko kayo ng waiver na ipapasagot niyo sa parents niyo kung payag ba sila sa pagbabago magaganap," mahabang paliwanag ni ma'am.

Nagtaas ng isang kamay ang kaklase ko na nasa aking harapan. "Ma'am! What if kung hindi pumayag ang parents namin, mababawi po ba yung binayad?"

"Yes po, mababawi niyo."

"Ma'am, ganun pa rin po ba ang babayaran namin?" tanong rin ng isa ko kaklase.

"Yes, same pa rin. Sagot nang school yung pagstay in niyo dun since kakilala ng principal natin ang owner nun. Isa pa gusto rin ng owner magenjoy kayo. Nakakabitin naman kung isang araw lang kayo dun, hindi ba?"

After that announcement ay umalis na si ma'am. Good thing wala ang teacher sa next subject kaya nakatulog ulit ako. Sayang yun, isang oras rin ngunit noong volleyball na ay ubos lahat ng energy at tinulog ko. Hindi ko naman alam na ito ang araw kung saan bubugbugin kami ni coach sa training edi sana inubos ko na lahat ng chocolate sa cafeteria. Sama mo na yung kape.

No One KnowsTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon