01

60 19 19
                                    

ARCHIELLE

I was waiting for my friends here in a coffee shop near my new school. They want to have a little talk so I decided to go with them. They probably heard that I will be staying here in my condo.

I was doing something in my phone when a man slammed at my car. I can't hear what is he saying but I can tell that he's shouting.... and crying?

Pilit niyang kinakatok ang bintana ng kotse ko so I decided to go out of the car. When I open the door he suddenly run to my side and pulled me so he can hug me.

Why the fuck did he hug me? I don't even know him? Maybe he was mistaken.

"Uh, can you... Uh let me go?" I politely asked.

"No. I won't let you go,  Janine." he whispered to my ears and then he buried his face on my neck.

Wtf?

"I'm not Janine, I think you're mistaken."

Dahan-dahang lumuwag ang pagkakayakap nya saakin. Tiningnan nya ang mukha ko, akala ko aalis na sya dahil nagkamali sya ng nilapitan.

"No. Janine, please don't leave..." mahinang sabi nya.

Base from his actions, he's drunk. Muling humigpit ang yakap nya sa akin.

Nagulat ako nung biglang nabasa ang balikat ko.

Tinuluan pa yata ako ng laway! Shiiit.

Aalisin ko na sana ang ulo nya sa balikat ko pero narinig ko ang mahinang singhot nya. Pati ang mga balikat nya ay patuloy ring gumagalaw. He's saying something pero I can't understand it. I think it's about that Janine.

Niyakap ko sya pabalik at marahang hinaplos ang likod nya. I tried to cheer him up pero hindi pa rin sya tumitigil.  Basang basa na ang balikat ko pero ayaw ko naman syang paalisin. Halata ring nahihirapan sya sa pwesto nya dahil mas matangkad sya sa akin. Nakayuko sya para umiyak sa balikat ko.

Maya-maya lang ay parang lalo siyang bumigat. Naalis sa pagkakayakap ang dalawang braso nya. Lah! Matutumba kami! Napasandal ako sa kotse ko dahil hindi ko kinaya ang bigat nya. Pinagtitinginan tuloy kami ng mga tao. Nakakahiya!

Kinailangan ko pang sumigaw para humingi ng tulong. Sa sobrang bigat nya ay hindi ako makakagalaw kung walang tutulong sa akin. Thankfully, may ilang tumulong sakin para isakay sya sa kotse ko.

Nawalan sya ng malay habang umiiyak, sa tingin ko ay dala ng kalasingan. Sa hospital ko sya dinala dahil hindi pwede sa condo ko at hindi ko rin alam kung saan sya nakatira. Tinext ko na lang ang mga friends ko na may nangyari kaya hindi ako makakapunta. Fortunately, it's okay to them. Nagsorry ako sa kanila at napagkasunduang next time na lang kami magkikita kita.

Nang makarating kami sa hospital ay agad akong dinaluhan ng mga nurse para ipasok sa loob ang pasyente. Iyon nga lang, hindi ko alam ang pangalan nya. Wala rin kasi akong nakitang kahit anong ID sa kanya. Nakiusap nalang ako sa nurse kung pwedeng ilagay ko nalang ang contact number ko.

Magdamag ko syang binantayan sa hospital. It means magdamag akong gising. Masyado ko yatang sineryoso ang pagbabantay kahit na hindi naman malala ang lagay nya. Ni hindi sya nag 50/50 para bantayan sya ng ganito. Pero it's ok hindi rin naman ako makakatulog sa hospital.

Nang umabot ang umaga, I decided to go home. Binilhan ko sya ng pagkain bago ako umalis dahil baka magising sya at magutom. Ibinilin ko na lang sya sa nurse at sinabing babalikan ko na lang sya.

Pagdating ko sa condo ay agad akong humilata sa couch. Inaantok na talaga ako, hindi na ako aabot sa kwarto ko.

Nagising ako sa dahil sa pagring ng phone ko. Nakapikit na sinagot ko iyon.

Until The Next SunsetWhere stories live. Discover now