03

43 15 6
                                    

ARCHIELLE

Nakatulog pala ako sa pag-iisip kanina tungkol sa agency na nakita ko kanina. Hindi pa rin ako sure kung tutuloy ba ako. Maybe I should ask my parents about this. I also need to ask my friends about this so they can give me some advice.

This is a great time to meet them. Yung huling pagkikita sana namin ay hindi natuloy dahil sa nangyari kay Reihl. Speaking of Reihl, I tried to find him on social media pero I can't find him. Kung alam ko lang sana iyong buong pangalan nya. Even Luke hindi sya kilala.

I texted my friends to hangout this coming weekend. Wala pa naman sigurong maraming schoolworks sa araw na yon kaya it's okay to chill. Mabuti nalang at pumayag sila. Namimiss ko na sila e.

@Ryzeron started following you.

Oh? Anong problema nito?

@Ryzeron sent a message.

Huh? Bakit? May naiwan ba ako sa condo nya kaya nagmessage sya?

Binuksan ko ang message nya at agad na binasa.

@Ryzeron:

Yo! Good day, Chi! Sana magustuhan mo 'to!

Ano? Hindi ko nagegets ang sinasabi nya. Anong magugustuhan ko? The f?

@Ryzeron sent a video.

Dahil sa kyuryosidad ay dali-dali kong binuksan ang message nya para mapanood ang video.

Nakita ko ang sarili ko na nakaupo sa tabi ng sink na tila hinang hina dahil hindi maayos ang posisyon ko sa videong iyon. Nakasandal sa pader, bagsak ang balikat, lupaypay na mga braso at nakatungong ulo.

Halaaa! Hindi akma ang damit na suot ko nang araw na iyon! Shiiiit! Gaga ka Archielle!

Nakita sa video ang biglang pagtayo ko at pagyuko sa sink. Nakahawak ang magkabilang kamay ko sa gilid ng sink. Narinig rin ang tunog ng paglabas ng suka ko. Mygod! Nakakahiya!

"Arrchk! Putanginamo, Luke! Kasalanan mo 'to!"

"Calm down, woman..."

"Buhayin n'yo pa ako ng Isang araw, Hindi na talaga ako iinom!"

Naririnig ko pa ang mahinang hagikgik ni Ryz sa video. Siya ang kumuha ng video at iyong humahagod naman sa likod ko ay ang Kuya nya. Braso lang kasi ang nakikita sa video. At isa pa, ang ganda ng kamay! Hot, bii!

Muling bumalik sa video ang atensyon ko.

"Luuuukeee! Aaaaahhh! Tanginaaamo!"

"Hindi na po talaga ako iinom! Pagbigyan n'yo pa ako ng isang pagkakataon!"

Doon natapos ang video. Gusto ko nalang magpalamon sa lupa dahil sa napanood ko. Nakakahiyaaaa! Sana lang hindi na kami magkita ni Ryz at saka yung Kuya nya.

Iyon lang ang inisip ko maghapon. Iyon na siguro ang pinaka nakakahiyang pangyayari sa buhay ko na nasaksihan ng ibang tao.

Inabot na ako ng gabi sa kakasisi sa sarili ko kung bakit at anong kagagahan ang nagawa ko kahapon. Hindi ko inexpect na malalasing ako at mapupunta sa condo ng iba.

Ang huling natatandaan ko talaga ay si Luke. Kaya naman naging kampante ako na nandito ako sa condo ko.

I prepared adobo for dinner. Baka dumating din si Luke kaya dinagdagan ko na. Tuwing dinner ay nandito si Luke. Dito sa kakain at matutulog pagkatapos ay aalis ng madaling araw.

Ewan ko ba sa kanya. May sarili naman siyang condo, marunong naman siyang magluto at may pera naman siya pang order ng pagkain kung tinatamad sya magluto. Halos dito na sya tumira.

Ayos lang naman sakin yon. Nasanay na rin kasi kami sa presensya ng isa't isa. Isang beses pa lang akong nakatulog sa condo nya. Lasing din ako nang panahong 'yon. Siya pa rin naman ang may kasalanan kung bakit nauwi sa pagkalasing ko ang dapat ay simpleng inuman lang.

Nang matapos ko ay nag-isip lang ako ng kung ano-anong bagay. Pakiramdam ko ay lumilipad talaga ang utak ko.

Inayos ko na ang pagkain sa lamesa habang naghihintay Kay Luke. Kailangan kong matulog ng maaga ngayon para hindi ako malate. First day ko sa school na iyon kaya naman ayokong maging masama ang unang pagkikita namin ng mga estudyante roon.

Tomorrow is Monday. Anong mayroon sa Monday? I have classes until 3:30pm.

Napalingon ako sa pinto nang bumukas iyon at iniluwa si Luke. Mula sa kinaroroonan ko ay kitang kita ko ang mukha nya.

He look so sad. Magulong buhok bagsak na mga balikat. Namumulang mata at dumudugong kamao.

It's about Gixelle. It's always about her. Ano pa nga ba? Wala namang bago. Kapag nakikita kong ganito ang lagay ng kaibigan ko ay hindi ko maiwasang magalit sa babae.

Consistent talaga siya sa pananakit kay Luke! At itong lalaking 'to naman, ayaw pa ring tigilan si Gixelle kahit alam nyang may bago na itong boyfriend.

Kinuha ko ang first aid kit sa kwarto ko at walang tanong tanong na ginamot ang kamao nya. Kung hindi ito nakipag-away sa tao, malamang ay sa pader sya nakipag-away. Sinusuntok nya ang pader kahit wala naman itong kasalanan sa kanya.

Masasabi kong sanay na akong makita syang ganito. Sanay na rin ako sa isasagot nya sa tanong ko kaya mas pinipili ko nalang na manahimik. Madadagdagan lang ang galit ko kay Gixelle kapag nalaman ko ang dahilan ng kaibigan ko.

Mula ng makabalik ako sa Pilipinas ay ganito na sya. Iniwan ko syang matino pero pagbalik ko ay ganito na sya. Ipapakita nyang okay sya para hindi ka na mangulit. Kung alam ko lang sana na ganito ang magiging resulta ng relasyon nila ni Gixelle ay pinigilan ko na sya sa simula pa lang. Kung alam ko lang, sana hindi na ako sumama paalis. Pero kasi ang sabi nya noon ay kaya nya ang sarili nya basta nandoon si Gixelle.

I can't stand seeing him like this. I can't but I can't also do anything. Magagalit sya panigurado sa akin kung may gagawin ako Kay Gixelle.

"Kumain ka na. May niluto ako roon."

Nawalan ako ng ganang kumain dahil sa nakikita ko.  Tumayo na ako para ibalik sa kwarto ang first aid kit at para na rin magkulong sa kwarto.

Lalo lang akong nanggigigil kapag tinitingnan ko sya.

Pabagsak kong sinara ang pinto dahil sa sobrang inis. Alam naman ni Luke iyon. Alam nyang naiinis ako kapag ganon ang itsura nya.

_________

Yo! This is KleinYve. Don't forget to vote, comment and follow me! Sorry sa wrong grahams mga bib! HAHAHAHA. Thankyou! Have a good day!

Until The Next SunsetWhere stories live. Discover now