02

35 15 23
                                    


Short ud :)

ARCHIELLE

Saktong 8pm nang umalis kami ni Luke sa condo. I just wore a black leather skirt, white crop top and my YSL heels. Marami na ang tao nang makarating kami. Ang ilang kakilala ni Luke na nadaanan namin ay pilit kaming inabutan ng shot glass.

Palagi akong lumilingon sa paligid at hinahanap si Reihl. Sana nandito sya. Sana makita ko sya.

"Hoy, Archielle!" sigaw ni Luke sa mismong mukha ko at bahagya pa akong inaalog.

"A-ano ba!? Bakit ka ba naninigaw?"

"Kanina pa kita kinakausap! Hindi ka naman sumasagot! Kanina ka pa tulala!" muling sigaw nya.

"Namo! May iniisip lang. Ano ba kasing sinasabi mo?" Medyo inis na sabi ko.

"Gixelle is here. She's looking to our direction." nakaharap pa rin siya sa akin. Habang sumusulyap sa likuran ko.

Nandoon siguro si Gixelle. Hindi ko alam kung naka move-on na ba 'tong hayop na 'to o may gusto pa rin sya sa babae.

Hindi ko man gusto ang ugali ni Gixelle—no. Mismong si Gixelle ay hindi ko kailanman magugustuhan para kay Luke. Pero wala akong magagawa kung gusto talaga sya ng kaibigan ko. Play girl at masama talaga ang ugali ni Gixelle.

"Sinong kasama nya? Her new boyfriend?" tanong ko.

Hindi sumagot si Luke kaya naman tiningnan ko sya. Madilim ang mukha nya pati ang kamao nya ay nangiginig din. Napansin kong nakatingin sya sa gawi ni Gixelle kaya tumingin din ako roon.

The guy is holding Gixelle's waist. Oh, damn! Luke is freaking jealous! Totoo ang hinala kong may gusto pa rin sya.

"Pre, abangan na ba natin sa parking lot?" nagbibirong saad ko.

Mukhang bumalik na sya sa wisyo matapos nyang sumagot. "Yeah, sure. Ilayo mo si Gixelle then I'll do the rest." tiim bagang na sagot nya.

"No. You're not gonna do that. I'll talk to that guy and you'll take Gixelle away."

"No. You can't do that. Ako ang mananagot sa mga pinsan mo kapag nakarating sa kanila yon."

"Oh, c'mon! I can manage my self. No one can resist to my beauty."

"Mukha mo beauty! Sa susunod nalang natin gawin yan."

Mukhang marami na akong nainom dahil bahagyang umiikot na ang paningin ko. Si Luke ang may kasalanan! Paano ba naman pinilit niyang sumali kami sa beer pong pagkatapos ay hindi naman sya marunong!

Teka nasaan na si Luke? Nandito lang sya kanina. Don't tell me iniwan nya ako rito? Fvck it.

Pinilit kong tumayo para hanapin sya. Hilong hilo na talaga ako. Bwisit ka, Luke! Nasaan ka ba!?

Marami na akong nabunggo sa paglalakad ko kaya naman palagi rin akong nag so-sorry.

Uhm! Muntik na akong tumumba ng may mabunggo akong isang tao. Sa tingin ko ay lalaki dahil matigas iyong katawan nya.

"Careful, Archielle..."

Ahh! His voice! It's so manly and somehow familiar.

"Yeah, s-sorryyy... Excuse me... I'm *hik* l-looking for *hik* my friend..." sagot ko at akmang aalis na ng may marealize ako.

Wait? Did he call me by my name? Dahan dahan kong tiningala ang mukha ng lalaki. He's so pogi! Iniangat ko ang dalawang kamay ko para hawakan sya sa pisngi...

"R-reihl? *Hik* Ikaw ba y-yan?" Tanong ko.

Hilong hilo man ay alam kong si Reihl yon. His smell, his voice and his body is familiar. I know it's him.

Until The Next SunsetWhere stories live. Discover now