09

12 3 0
                                    

ARCHIELLE

"Are you okay?"

21.

Pang dalawampu't isang tanong na ni Luke iyan. Mula kaninang umaga simula nang magising ako at hanggang ngayong lunch.

Yep, nandito na naman siya sa university namin. Kaming dalawa lang ang magkasamang naglalunch ngayon dahil may meeting daw ang student council. Hahabol nalang daw sila rito sa canteen bago matapos ang lunch.

Hindi ko na lang inisip iyong napanaginipan ko kagabi dahil ayaw ko na mapansin nila ang pananahimik ko. Bukod kay Luke, si Ryz ang madalas na makaramdam kung may bumabagabag sa akin. Sa sandaling panahon na nagkasama kami, alam nila tuwing may iniisip ako at kung may problema ako.

Ang balita ko pa nga ay ngayon daw ang official announcement kung sino-sino ang bumubuo ng Student Council. Gusto raw kasi nila na makita sila ng lahat pero Ngayon pa lang ang official announcement dahil ngayon lang daw pumasok ang Presidente ng Council. Si Reihl.

Ayon sa chismis. Charot! Hindi ako chismosa ah? Narinig ko lang 'to! Kalat na kalat kasi sa buong university. Sinundan daw niya 'yong girlfriend niya na personal secretary niya.

Bongga naman pala ni Reihl. May sariling secretary! Taray, bes!

Teka? Iyon kaya yung Janine na hinahanap niya nung unang beses na nagkita kami? 

Itatanong ko na lang kay Rio mamaya. I'm sure maraming alam si Rio tungkol sa kanila.

"HOY!"

"ANO?!"

Napalakas yata ang sagot ko kaya nagtataka tuloy ang mga tao sa canteen. Jusko, nakakahiya!

"Ano bang iniisip mo? Kanina pa yan ah?" tanong ni Luke habang tinutusok tusok ang lunch nya.

"Wala."

"Are you okay?"

"23." Saad ko na ipinagtaka nya.

"Huh? Anong 23?"

"You already asked me that 23 times now."

"I am really worried. You can't blame me." sinserong aniya.

"YOO! LUKE MY MAN!"

Sabay kaming napalingon sa entrance ng canteen dahil sa sigaw na iyon. Hulaan n'yo kung sino? It was Kairon.

Yeah, maingay silang lahat. Noong una akala ko ay sila yung tipo ng tao na seryoso sa buhay at sa bawat gagawin. Hanggang sa tila naging komportable na sila sa aking presensya kaya nagagawa na nila ang mga bagay na hindi ko inakala.

"Ryz can't make it. Hindi na raw siya sasabay sa atin." si Rio.

Napansin yata niya ang paghahanap ko sa Vice President namin.

"Bakit daw?" tanong ko.

"Ah, they're talking about her S.C. position." sagot niya habang nakikikain sa lunch ko.

"Totoo ba iyon? Ang akala ko ay ipinilit lang iyon ng Presidente ng Council."

"Ipinilit lang naman talaga ni Reihl iyon. Ang dahilan niya ay masyado raw maraming kailangan asikasuhin ang council kaya siya nagpadagdag ng secretary," Ani Haden.

Sa pagkakabanggit pa lang ng her position ay alam ko na agad kung sino ang tinutukoy niya. Bahagya tuloy akong nakaramdam ng bilib sa sarili dahil doon.

"Mali." biglang sabat ni Rio.

I sense something chika. Charot.

"He did that because he's protecting her." makahulugang ani Rio.

Until The Next SunsetWhere stories live. Discover now