11

17 2 0
                                    

ARCHIELLE

"Anong meron?"

"Bakit dumudugo iyang labi mo, Reihl?"

"What happened?"

Nasa garden kami ulit. Panay ang tanong nila kung ano ang nangyari, kung bakit may sugat si Reihl at kung bakit tahimik kaming tatlo. Walang kibo sina Reihl at Luke. Luke is glaring at Reihl pero itong isa ay nakatingala lang sa langit at pinupunasan ang labi niya.

"Ano nga ang nangyari?" muling tanong ni Rio na palipat lipat ang tingin sa aming tatlo.

"Wala." Sagot ni Reihl.

"Tss. I'm going. See you tomorrow, Ionne." ani Luke at tumayo na.

"Samahan na kita."

Tumango lang siya sa akin at tinapunan niya ng masamang tingin si Reihl. Tinulak tulak ko na ang likod niya para makaalis na kami. Baka mamaya ay magsapakan na talaga sila ni Reihl.

"Anong mayroon sa inyo nung Reihl na yon?"

"Wala."

"Wala? Tss. He's Zykiel Aragoza. Hindi ko inasahan na siya rin pala yung Reihl na tinatanong mo sa akin noon."

"Narinig ni Reihl ang naging pag-uusap namin ni Kuya Alistair. He asked me kung sino yon, tapos ang sabi niya 'I see, it's your man, right?'. ginaya ko pa ang sinabi niya sa akin.

"Bakit naman niya naisip yon?"

"Ewan? Baka dahil sa nag I love you ako kay Kuya?"

"Pagkatapos ay nilapitan ka na niya?" tanong niya at tumango naman ako.

"Hmm, I see. I'll say sorry to him tomorrow."

"Huh?"

"Wala. Alis na ako. See you tomorrow."

"Ge, ingat!"

Umalis si Luke ng may ngisi sa labi. I don't know kung para saan. Tss.

Kumuha muna ako ng first aid kit bago ako bumalik sa garden. Ganon pa rin ang ayos nila mula kanina. Pare-pareho silang tahimik na nakatingin kay Reihl.

"Yo, Anong meron?" tanong ko nang makalapit ako sa kanila.

"Umalis na talaga si Luke?"

"Oo e. Ang sabi niya ay may gagawin siya." sagot ko.

Iyon ang sinabi ko para hindi na sila magtanong pa kung ano ang nangyari at kung bakit umalis agad si Luke.

"Oh! Gamutin mo sarili mo." Halos ibato ko na sa mukha ni Reihl iyong kit dahil naiinis ako na parang naiilang!

"What? Are you serious?" Hindi makapaniwalang aniya.

"Matanda ka na, kaya mo na iyang sarili mo."

"Tss. Hoy, Ryz! Tulungan mo nga ako rito!"

"Ha! Parang maliit na sugat lang e, magpapatulong pa?" bulong ko sa sarili.

"Are you saying something?"

Akalain mong narinig niya pa iyon?

"Ha.ha wala akong sinasabi."

"Miss Archielle, pakisagot daw po ang phone n'yo sabi ni Sir Alistair." muling sumulpot ang aming kasambahay. Siya iyong tumawag sa akin kanina.

Nakasilent pala ang phone ko kaya hindi ko alam na tumawatag siya.

"Yes?" bungad ko.

["What's your relationship with Reihlander?"] seryosong tanong ni Kuya.

"Reihlander, who?" takang tanong ko.

["Aragoza."]

"What? Wala! We're just friends."

["Don't get too close to..."]

"Huh? What do you mean?"

["No, sorry. Don't mind it."]

"Okay? Take care. Bye."

Anong ibig sabihin ni Kuya? Don't get too close? I don't get it. Hindi na ako nagtataka kung paano niya nalaman yon, malamang ang lalaking iyon na naman ang may sala! Kaya siguro ganon nalang ang ngisi niya kanina!

"Hey."

It's Reihl.

"Oh? Problema mo na naman?" inis na tanong ko.

"I just want to say sorry about what happened earlier."

Huh? Abnormal!

Matapos niyang magsorry ay agad siyang tumalikod at naglakad palayo. Abnormal kang tunay, Reihl!

Maging sina Rio na nakatingin samin ay pare parehong nagtataka sa inasal ng gunggong na iyon!

"Anong sabi?" tanong ni Ryle nang makalapit na ako sa kanila.

"Sorry raw. Tapos ayon, umalis na. Abnormal yata iyon e."

"HAHAHAHAHA!"

"What the heck?!"

"Archielle..."

Tawag sa akin ni Ryz at bahagya pa kaming lumayo kina Rio.

"Bakit?" Tanong ko.

"I know Reihl did something... I just want to say sorry about it." sinserong aniya.

"Huh? Wala, okay na iyon. Nag sorry na sya."

"Sa tingin ko kasi nakikita niya pa rin sayo si Janine kaya niya nagawa yon. He's crazy in love with Janine."

"Kung okay lang na itanong, ano bang nangyari talaga sa kanila?"

"Nagkakilala sila sa isang coffee shop malapit lang sa school. If I'm not mistaken, iyon yung lugar kung saan ka niya nagpagkalaman."

"That's not your business, Archielle Dionne Laurent." malamig na saad ng boses mula sa likuran ko.

"Chill, bro. She's just asking." depensa ni Ryz.

"She don't have the rights to ask. She doesn't need to know."

"What the hell is your problem, bro? She's just asking. Can't you understand that?"

"It's okay, Ryz. I understand why this guy acted that way. I'm sorry."

I know it's not my business, but I can't help it! Umaandar na naman ang pagiging chismosa ko.

"Let's go, Ryz." aniya at agad na tumalikod.

"Again, I want to say sorry about that. We're going."

"It's fine, Ryz. Samahan ko na kayo sa labas."

Tumango ito at pinuntahan ang mga kaibigan namin para yayaing umalis. Tulad ng sinabi ko ay sinamahan ko sila hanggang sa labas. Nauna ng umalis sina Tita Richelle at Tito Zyron. Si Reihl naman ay nasa loob na ng kotse at doon hinihintay ang mga kaibigan namin.

"Matagal pa ba yan?" Iritadong aniya

"You should go na. Baka mainis lalo yan."

"See you tomorrow!" sabi nila at sumakay na sa kotse.

"Yeah, see yah! Ingat!" sagot ko at kumaway pa sa kanila.

Bumalik na ako sa kwarto ko sa kagustuhang makapagpahinga. Nakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kisame. Hindi ko maiwasang hindi isipin ang mga nangyari at nalaman ko kanina.

Iniwan ni Janine si Reihl sa hindi malamang dahilan. Sa coffee shop kung saan sila nagkakilala ay ang lugar din kung saan kami unang nagkita. Umaasa ba siyang nandoon si Janine kaya ba sya pumunta roon nang lasing? Nakikita niya sa akin si Janine. Ang sabi nila ay may pagkakahawig kaming dalawa. Iyong pagkakahawig ba naming iyon ang dahilan kung bakit muntik nya na akong halikan? The hell? At isa pa, si Kuya Alistair. Ang wierd nya kanina. He's asking me to don't get too close to someone. Ang hindi ko alam ay kung kanino? Kay Reihl ba? Bakit naman?

———

:)

Until The Next SunsetWhere stories live. Discover now