05

29 10 0
                                    

ARCHIELLE


Parang meet and greet lang ang ginawa namin maghapon. Kwentuhan hanggang maubos ang oras. Ang ilang prof naman ay binanggit lang ang mga rules at requirements namin sa subject nila.

Si Ryz? Tahimik lang sya mula noong bumalik sya. Walang sali-salita at hindi rin siya lumilingon sa gawi ko.

Si Rio naman at ang iba nyang kaibigan ay sinamahan akong mag lunch. Ang sabi niya ay bilin din ni Ryz. Sa totoo lang ay masaya silang kasama.

Parang nandito rin tuloy si Luke. Pero alam ko namang walang kahit sinong papantay ka Luke. Best boy, huh?

Marion keeps on rolling her eyes. Nakikita ko ang talim ng tingin nya kapag paminsan minsan ko siyang nililingon.

DISMISSAL.

Sinabayan ako sa paglalakad ni Rio at nung mga kaibigan nya. Ryle, Yosh, Haden and Kairo. Nagtataka tuloy ako kung utos din ito ni Ryz.

I think we're friends na? They're  with me simula kaninang umaga matapos kaming magkainitan ni Marion. Utos ni Ryz. Yah, it's because of him.

Sabay pa rin kaming naglalakad Hanggang sa parking lot. Sa pagkakaalam ko ay palaging hinahatid ni Rio yung apat nyang kaibigan.

Nauna akong sumakay at nagdrive paalis habang naka sunod pa rin ang sasakyan ni Rio. Baka dyan sila sa intersection lumiko.

Nadaanan ko iyong all boys school kung saan nag aaral si Luke. Next time, I'll pay him a surprise visit.

Nagtuloy tuloy lang ako sa pagdadrive dahil mukhang babagal ng kaunti ang daloy ng sasakyan dahil sunod sunod na ang paglabas ng mga sasakyan mula sa school na iyon.

Pagdating ko sa condo ay sandali akong nagpahinga bago dumiretso sa banyo. Gusto kong maligo. Pakiramdam ko ay nakahawak pa rin sa akin si Little Witch! Char, si Marion ang ibig kong sabihin. The geeeerms! CHAROT!

Magdidilim na pala nang matapos akong maligo. Kailangan ko nang mag prepare ng dinner namin. As usual, with Luke. Sinigang na hipon ang niluto ko dahil paborito namin iyon ni Luke at bilang pambawi nalang sa inasal ko sa kanya kagabi.

Iniintindi ko dapat sya. Pinipilit ko namang intindihin ang sitwasyon nya para hindi kami mag away. I don't want that to happen. Kaya kapag naiinis na ako sa ginagawa nya at nananatili lang akong tahimik para hindi na ako makapagbitaw ng salita.

Maya maya pa ay natapos ko na ang aking niluluto at kasabay niyon ay ang pagtunog ng phone ko. It was a message from Luke.

Luke:

Anong dinner natin? Nasa lobby na ako.

Archielle:
Ay kasama ka ba?
  

Pesteng 'yon. Dinner talaga ang ipinunta rito!

Maya maya lang ay dumating na sya. Mas maayos ang itsura niya ngayon kumpara sa kahapon. Kinuha nya ang sariling tsinelas nya sa rack at pinalitan ang sapatos nya.

Odiba? May sariling tsinelas sa condo ko. Meron rin yang sariling gamit sa Cr. At ito pa, marami rin siyang damit dito. Parang dito na mga siya nakatira e. Ewan ko ba kung anong silbi ng sariling condo nya.

Bano yan e. Sayang iyong bayad sa condo nya.

"Ionne."

"Ano?" Tanong ko kasabay ng paglingon ko sa gawi nya.

"May gusto lang akong itanong." may pag-aalinlangang aniya.

"Hmm? Ano iyon?" kunoot noong tanong ko.

Until The Next SunsetWhere stories live. Discover now