04

24 11 1
                                    

ARCHIELLE


Nang magising ako ay wala na si Luke. Hindi ko na sya nakita sa kabilang kwarto. Nagprepare na ako ng sarili para sa first day of class. My morning rituals, of course. I was about to make my bread for breakfast but bread and a lunch box caught my attention. May note rin na nakalagay roon. 

I'm sorry, Archielle. I know that you're mad. I also know that you understand why I'm acting that way. So, I made this for you! Eat this for your breakfast and lunch. See you later. Have a good day. Thankyou for everything.

- RAICO LUKE LAZARO (igops)

Hindi naman ako galit sa kanya. Naiinis lang. Nawala lang ang inis ko sakanya ngayong umaga dahil dito. Kilalang kilalang nya talaga ako.

I took a photo of the lunch and the bread and posted it on my social media accounts and tagged him. Pang flex HAHAHAHAHA bakit ba? I also send him a message to thank him.

Luke:

No worries. Sorry sa kagabi.

Archielle:

Sanay na ako HAHAHAHA

  
Dinala ko ang aking sling bag, hydro flask and my iPad. I drove my car to my new school. St. Andreius University. Hindi na ako bumalik sa dating school ko mula ng makabalik ako galing states. Kaya dito ako napunta. I don't have a choice. Sa pagkakaalam ko ay sina Mommy ang nag-ayos ng papers ko para makalipat ako ng university sa states. I will never come back there.

Something traumatic experience happened there. I can't even remember the whole story behind that. Ang alam ko lang ay nadamay lang ako dahil nakita ko ang ginawa nila. I can't do anything. Kahit si Luke ay walang alam sa nangyari. Walang kahit anong balita ang lumabas tungkol sa nangyari. Kung mayroon man ay siniguro ng pamilya ko na hindi kasama ang pangalan ko.

Pagkatapos ng insidenteng iyon ay agad kaming umalis sa Pilipinas para manirahan sa ibang bansa. Ipinaliwanag nalang ng pamilya ko sa mga magulang ni Luke kung ano ang sitwasyon namin at sinabing huwag ng sabihin kay Luke ang tunay na dahilan.

Okay, kalimutan na natin ang sinabi ko. I don't want to remember that. Though, I can't literally remember that.

Alam ko na kung saang building ako at kung saan ang room namin. Dumaan muna ako sa orientation bago makapasok dito. Dumiretso ako roon para makahanap ng magandang pwesto.

I hope we can get along. Ayokong may classmate akong galit sa akin. Kasi iyong huling bully na ginantihan ko ay nagpunta pa sa plastic surgeon para ipaayos ang nabali niyang ilong. I punched her on the face. She deserves it naman. Wala syang ibang nagawa dahil in the first place sya naman ang may kasalanan.

Naupo ako sa may tabi ng bintana. Why? Mas komportable ako sa ganong pwesto. Nilibot ko ng tingin ang buong classroom namin. May maliit na locker doon. Iyon ang pinaka nakakuha ng atensyon ko. Maaliwalas sa paningin at pakiramdam ang ayos ng room. Iyong tiles ay pwede ka ng magsalamin dahil kumikintab talaga iyon. Banned siguro ang alikabok sa floor namin.

My classmates are busy having their conversation with our classmates. Luke isn't here to ease my boredom. He's studying at the all boys university near this place.

Until The Next SunsetWhere stories live. Discover now