Chapter 27

2.4K 163 30
                                    

Malori

"TARANTADO ka!! bigla kang nawala!"

Usal ni Jeck sabay batok sakin

Napa aray naman ako dahil sa lakas ng pag batok nito sa ulo ko

tangina batok talaga ang salubong nya sa akin?! Hindi nya man lang na miss ang Best friend nya??

"Gagi! Bat moko binatukan?" nakasimangot na tanong ko rito

"Para yan sa pag alis mo na di nag papaalam!"

Binatukan naman ulit ako nito

"Aray para san naman un?!"

"Ang batok nayon ay yung hindi moko sinama sa pupuntahan mo!!"

At dahil ayaw ko naman na mabatukan tinakpan kona ng kamay ko ang ulo ko pero lintyak lang sinampal naman ako nito!

"Sheet ka! Para san naman yang sampal na yon?!"

"Para yan sa di mo pag sabi sakin na may gf kana! Gagi ka nalaman ko pa kay tita?!"

"Hays! Kaya nga nakipag meet up ako sayo para sabihin ang naging kaganapan sa buhay ko sayo eh! Pero batok at sampal naman agad ibinungad mo sakin!"

"Duh ganyan talaga "usal nito sabay irap sakin

Masamang tinignan ko naman ito pero kinalaunan din ay napa buntong hininga nalang ayaw ko naman magalit no? Tyaka nasa tabi nya si Clarity na busy sa pag higop ng graham mango shake nya masinsin na nakatingin sa cellphone nya.busy kaka scrolldown

At teka..

Kailan pa sila naging close?

"Hi Clarity long time no see" nakangiting tawag ko rito

Tumingin ito sakin at ngumiti

"Long time no see Malori. Antagal mong nag tago ah?" nakangiting ibinaba nya ang iniinom nyang Graham shake at nanghalumbabang tumingin sakin

"Ha? Nag tago kajan. Nag bakasyon lang" usal ko rito bago napakamot sa gilid ng kilay ko "at tyaka,kailan pa kayo naging mag kaibigan nitong mukhang pera nito?"tukoy ko kay Jeck na ngayon ay napaubo ng sunod sunod dahil sa sinabi ko

Masamang tinignan Ako nito

"Ako?! Mukhang pera ako?!"

"Oh bakit hindi ba totoo?!" Taas kilay na tanong ko rito ang kapal ng mukha mag reklamo ahh

"Alangan totoo naninigurado lang sa narinig ko duh" usal nito sabay balik sa pagkain na nilalantakan nito

Mukhang pera na napaka takaw pa.

Minsan iniisip ko Dito kung Hindi ba ito binibigyan ni tita ng pera itong kaibigan kong ito o ano eh.

kulang nalang kasi mamalimos nato dahil sa sobrang hayok sa pera e

ang yaman yaman nya Naman.

"So.. balak mo na bang sabihin ang mga dahilanan mo aber?" Si Jeck

Napabuntong hininga naman ako bago tumango

"first of all,"usal ko at napa buntong hininga ulit "Okay aminin ko nasaktan ako ng sobra okay? Umalis ako para magpahinga sa sakit.. pati upang mag palaya"sagot ko at napatingin sa labas tumingin sa mga taong naglalakad don

"Nagpakalayo layo ako.. at inisip na uunahin ko muna ang sarili ko.. nakakalimutan ko na rin kasi sarili ko dahil sa sobrang pagmamahal ko sa kanya"

Ibinalik ko ang tingin ko sa kanilang dalawa na mabuting nakikinig sa akin
ngumiti Ako sa Kanilang dalawa

"Then.. sa lugar na yun.. doon ko nakilala si Athena..napaka sungit nya nung una namin pag kikita..lagi kami nag aaway kada nag kakasalubong kami.. pero sa mga unting bagay na pag tatalo namin araw-araw ay Diko naman maiwasan sarili ko na mahulog sa kanya.."

Hindi ko maiwasan na alalahanin ung mga bagay na una Namin pag kikita

Hindi ko maiwasan na mapangiti.

"Pero sa pagtira ko rin dun sa lugar na yon sobrang dami kong kaibigan na nakilala at dahil sa Girlfriend ko nakilala ko ang bagong ako" masayang kwento ko rito

Napalakpak naman ang kaibigan kong si Jeck bakas sa mata nito ang saya

"Wow Lori... Naka move on kana nga!!"usal ni Jeck tumayo pa ito at sinugod ako ng yakap na ikinatawa ko nalang

"itinigil mo narin ang kabaliwan mo sa past mo! HAHAHA!! Nice yan nice!! Mabuti nalang natauhan ka narin sa katangahan mo!"

Napailing ako

"Jusko! Mahiya ka Jeck nasa resto tayo!" Nakangiting usal ko rito

Natatawang bumalik ito sa kinauupuan nya

Napatingin naman ako kay Clarity na tila malalim ang iniisip nakakunot ang noo nito

"Clarity okay kalang?" Tanong ko rito

Nag angat naman ito ng tingin sa akin.

"S-sure kabang wala ka ng nararamdaman kay..B-Beatrice..?"

Napakunot noo ako sa tanong nya

aaminin ko Hindi madali mag move on sa kanya dahil una sa lahat sya ang kauna unahang babaeng minahal ko ng sobra pa sa sarili ko

pero dahil lagi sumasagi sa isip kona kung sa taong yun don nya makikita ang saya at pag mamahal na hinahanap nya then kaya ko syang palayain para sa kasayahan nya kahit kapalit nito ay ang pagkadurog ko

ngumiti Ako Dito "Of course di naman ako maiinlove sa girlfriend ko ngayon if inlove pa ko kay Beatrice Diba?" ngiting sagot ko

"S-sure kana talaga sa girlfriend mo n-ngayon?"

napakunot noo Ako sa tanong nya
Anong klaseng tanong yun??

"Oo naman" sagot ko kahit nag tataka

Nakakapag taka kasi ang itsura nito para kasi itong hindi mapakali ngayon sa kina uupuan nya

"F*ck.."

"Are you okay?"nag aalalang tanong ko rito may problema ba sya? Kanina kasi pa chill chill lang sya pero ngayon napakalikot nya sa kinauupuan nya na tila bang kinakabahan sya

"A-ah y-yes yes! I'm Fine"huminga ito ng malalim 

"Sorry guys satingin ko kailangan ko na munang umalis"saad nito habang inaayos ang gamit nya
ng tumayo ito ay tumingin ito sa akin " Pasensya na"

at nagmamadaling umalis ito at tila may in-off ito sa kanyang cellphone at mabilis na tumayo at tumalikod ito sa amin

"Okayyy...? Anong problema nya?" Si Jeck na bakas ang pag tataka sa mukha nya

Nag kibit balikat lang ako

Baka may emergency sa kanila..

________

Sa kabilang banda

Beep--

Tahimik na binaba ng babae ang kanyang cellphone

"Anong sabi nya?? H-Hindi nya na ako m-mahal..?"mahinang usal nito sa kanyang sarili at tila hindi makapaniwala sa kanyang narinig sa kabilang linya

Marahas na hinagis nito ang kanyang cellphone sa pader at galit na pinag babato ang mga bagay na kanyang nakikita

"Hindi!! Hindi pwede!! Dapat ako lang mahal nya!"galit na sigaw nya habang walang kupas ng paghagis ng gamit kung san saan

"no no no no NO!! Hindi ako papayag! Ako ang unang minahal nya! Ako dapat hangang huli!!"

Babalik karin sakin Malori.. akin kalang Dapat akin lang!

___________

-Kara


Loving Beatrice Salvatore Where stories live. Discover now