Episode 16: The Final Decision (Part 4)

445 12 18
                                    

Xander & Cathy's Master Bedroom.
3:25 am.

VIDEO RECORDING:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

VIDEO RECORDING:

"Hm... (nakatingin lang sa sarili sa screen habang nag-iisip) ... how do I start this? (bumuntong-hininga) It's uhm... (tumingin muna sa orasan sa tabi)... almost 3:30 in the morning, love... everyone's asleep in the house. I'm here in our room by myself and... all I can think of is you..."

"... I miss you, Cathy."

* * *

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Xander pagkapadala niya ng huling video sa Messenger ni Cathy

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Isang malalim na buntong-hininga ang pinakawalan ni Xander pagkapadala niya ng huling video sa Messenger ni Cathy. Pagkatapos noo'y inilapag na niya ang kanyang cellphone sa katabing side table upang doo'y iwanan ito. Hindi na niya ito kailangan kung saan man siya pupunta. Dalangin nalang niya'y matagpuan agad ito ng misis pagbalik nito mula sa ospital upang maipakita nito ang mga ni-record niyang mensahe para sa buo nilang pamilya.

Pag-ikot ng kanyang tingi'y nahagip ng kanyang pansin ang unan na nakapirmi sa kanyang gilid. Tulad niya'y naroon din ito't naghihintay sa muling pagbabalik ng may-ari. Marahan niyang hinaplos ang malambot nitong tela't saka dinama ang nakaimprenta. Naroon nga, sa hugis ng memory foam, nakaukit ang hubog ng ulunan ng misis niyang nararamdaman sa mga daliri. Kumirot tuloy ang puso niya. Gustung-gusto niya itong mahawakan muli.

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon