Episode 5: Clash of Titans (Part 3)

723 21 9
                                    

Kinabukasan:

Kinabukasan:

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

* * *

Office of the Vice President of Operations, 2:15 pm.

"You pushed through with the locals?" Gulantang na sabi ni Alice nang mabasa nang buo ang report na hiningi ukol sa Canneries. "What on earth were you thinking! The plan was to import from Taiwan!"

"Your shipment got delayed," paliwanag agad ni Cathy. "Anong gusto mo? Mag-shutdown 'yong production for weeks and lalong hindi ma-fulfill 'yong orders?"

Inis na ibinagsak ng consultant ang folder sa mesa. Ultimong sa paniningkit ng mga mata nito'y para itong sasabog sa bwisit sa kanya. Pero nagpipigil lang din si Cathy. Ano ba kasing problema nito? Pang-ilang beses na ngang naglalabas-masok sa kanyang opisina ang babae nang walang pasabi. Akala siguro nito'y hindi niya napapansin na lagi siyang nitong pinagiinitan at pinapakialaman.

"Do you know how expensive prices are in the local market?" Mariing usal ng nakapamaywang na si Alice.

"I am aware," buwelta rin niyang may panama ang tono.

"Then why are you making irresponsible decisions?" Banat parin nito. "Xander chose you over me... and for what? So you can ruin the entire company?"

Napakurap nalang siya't napanganga sa sinabi ng bisita, saka niya inilingan ang patutsada nito habang tumatayo.

"You'll be his greatest downfall, you know that?" Nagbabanta paring sisi nito sa kanya, pigil na pigil man ang emosyon nito.

"Greatest downfall?"

"Yes... you. Ikaw ang sisira sa kanya."

"Alice."

Dahan-dahan siyang lumakad patungo sa unahan at saka hinarap doon ang kasalukuyang kausap. Nagpupuyos parin ang dibdib nito ngunit sa sipatan nama'y hindi ito nagpapatalo. Tinitigan din niya nang malalim sa mga mata ang dalaga, kaya't nang ganap siyang makalapit ay bahagya itong napaatras.

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon