Episode 17: Six Months of Loneliness (Part 5)

139 4 2
                                    

Kinabukasan.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napahilot si Cathy sa sumasakit na ulo matapos ang kaunting kombersasyon sa kapatid

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Napahilot si Cathy sa sumasakit na ulo matapos ang kaunting kombersasyon sa kapatid. Hindi talaga makali ang kanyang puso. Napabuntong-hininga tuloy siya saka sumilip sa tanawin ng bintana ng kotse.

Handa na nga ba siyang bumalik sa pinangyarihan ng trahedya? Sa totoo lang ay kinakabahan siya. Kung maaari lang sana'y ayaw na muna niyang makita pa ang bangin, ngunit kung tama ang interpretasyon niya sa panaginip ni Zion ay maaaring ito parin talaga ang makakapagturo sa kanila ng kinaroroonan ni Xander.

Alas singko pa lamang ng umaga kanina'y umalis na sila sa Makati upang magbiyahe papuntang Batangas. Kasa-kasama niya ang kanyang dalawang anak, si Yaya Nita at si Mang Justino na nagmamaneho sa kanila. Gusto nga rin sanang sumama ni Madam Ramona pero pinayuhan na lamang niya itong manatili sa bahay upang mamahinga. Humina kasi bigla ang kondisyon ng matanda pagkatapos ng pulong kahapon. Mahirap na, baka kapag napwersa ito'y mas lalo pang lumala ang sensitibo nitong lagay.

Malapit na sana sila sa arko ng Santa Catalina nang bigla nilang mapansin na tila bumabagal ang mga sasakyan. Ilang sandali pa'y tuluyan na nga silang tumigil sa gitna ng trapiko. Ano kayang nangyari? May aksidente ba?

"Señorita, ginagawa po yata 'yong daan," puna ni Mang Justino sa construction na ngayon lang niya natanaw. "Malayu-layo din 'yong one lane eh o, matatagalan pa tayo dito."

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon