Episode 1: Home is Where the Heart is (Part 1)

3.6K 57 12
                                    

A/N: Mature content not suitable for minors (under 18 y/o). Read with caution. Ehem.

• — •

Ang bilis dumagan kay Cathy ng asawang kakatulak pa lamang sa kanya sa kama. Hindi lang bibig nito ang gumagala kundi pati mga kamay na pumapailalim sa suot niyang manipis na pangitaas. Halos hindi na nga siya makasabay sa galaw ng bibig nitong pinanggigigilan sa halik ang mga labi niya't pisngi. Na tila ba sa kada hagod nito'y ayaw na ata siya nitong palasapin ng kahit kaunting hangin.

"Teka... teka..." pigil muna niya sa dibdib ng nagmamadaling si Xander.

"Why...?" Hingal na tanong ng lalaking napadilat ang mga mata.

"Eh kasi... diba... first night natin 'to?" Subok niyang lahad ng iniisip.

"... 'Yong hindi tayo lasing at kilala natin ang isa't isa? First night natin as husband and wife."

Napatitig lang sa kanya ang mister at nagpakurap-kurap ang mga mata. Sandali pa'y napataas na ang mga kilay nito sa pangunguwestiyon.

"Yeah... and...?"

"Eh... parang ang bilis naman eh. Gusto ko 'yong special para sa'tin. 'Yong parang honeymoon... with candles... flowers... wine, gano'n."

Siningitan niya ng ngiti ang paliwanag. Kanina pa kasing nakakunot ang noo ng nakatulalang kabiyak na parang lumilipad ang isip. Pero ayon at hindi naman ata ito effective dahil nagpatuloy lang ito sa pagpapakurap-kurap sa kanya't tahimik na pagtitig.

"You're special enough for me—" sagot nalang nitong umiling na't sumunggab ulit sa kanyang leeg.

"Teka..."

Kinabig ulit niya ang katawan ng esposo at inistorbo ang ginagawa nito.

"What?" Pabuntong-hininga na nitong usal.

"Tapos may music sa background... 'yong love songs... gano'n..." dagdag pa niya na nangangarap sa isip.

"I'll just sing for you later—"

"Isa..."

Napingal tuloy niya ito sa tainga. Panay parin kasi ang gala ng mga kamay nitong inaangat na unti-unti ang kanyang blusa.

"Love naman eh..." nakabusangot nang reklamo ng asawa. "We can do that next time."

"Eh..." pilit parin niya.

Napahugot tuloy ito ng pagkalalim na hininga. Tumingin pa ito sa kung anong bagay na nakasingit sa kanilang pagitan at nakaingit na humarap sa kanya.

"What do you want me to do about this?" Halos mangiyak-ngiyak nitong pagmamaktol.

Hindi naman niya napigilang ngumisi. Kinurot niya ang pisngi ng gusot-mukhang si Xander at saka iniwanan ng mabilis na tuka ang bibig ng mister.

"Konting tiis pa," tugon niya habang tinatapik ang mukha nito.

"Seriously?!"

Parang pinagbagsakan ng langit at lupa ang itsura ng esposong hindi makapaniwala sa kanyang sinasabi. Napanganga nalang ito habang tumatagilid na siya't iniipod sa tabi ang sarili.

"Good night, mahal," ngisi niya habang pumapailalim sa kumot at tinatalukbungan ang ulo. "Bukas nalang."

Pero nakatanga parin si Xander sa eksatong pwesto't hindi umaalis doon. Sa tono nito'y para parin itong batang napagkaitan ng regalo.

"But it's already hard—"

Napasilip tuloy siya sa asawa't napagtaasan ito ng kilay.

"... to wait another night."

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon