Episode 6: The Scandal (Part 3)

1.2K 26 30
                                    

"Love!!!"

Inabutan pa ng tanaw ni Xander ang palayo na si Cathy sa pagbukas ng kanyang sinakyang elevator. Nagdudumali itong makisabay sa mga tao palabas sa unahang salaming pintuan. Mabilis tuloy niya itong hinagad. Alam niyang pinagtitinginan na siya ng ibang mga residente roon ngunit wala na siyang pakialam.

"... Wait, love!!"

Sa isang senyas niya'y binuksan ng mga gwardyang nakabantay ang malaking pintuan. Maigi na lamang at kilala ng mga ito kung sino siya. Pagdating sa labas ay kanyang hinawi ang mga natitirang grupo at umilag sa lahat ng mga nakakasalubong. Agad-agad siyang tumakbo pababa sa mga natitirang baitang at sa dulo ng hagda'y hinablot sa kamay ang esposa upang tuluyang tumigil ito.

".... Love... love, please... no..."

Nagpupumilit parin ang babae na makaalis sa taban niya ngunit ayaw talaga niya itong bitawan. Halos magpatintero na nga sila sa mga kilos nitong sinusundan niya ng pigil. Hanggang sa hinugot na niya nang mabilis sa bulsa ang ultrasound picture na napulot. Sa abot ng makakaya ng natataranta niyang mga kamay ay ipinakita niya sa asawa ang litrato ng nabubuong sanggol. Nanlaki tuloy ang gulat nitong mga mata't napatitig dito nang husto.

"Tell me what this is..." hingal na niyang kuwestiyon. "Are we... expecting?"

Madilim na galit lang na namumuo sa mga titig ni Cathy ang iniwang kasagutan nito. Hindi parin siya nito kinakausap bagama't gustung-gusto niyang marinig ang boses nito ngayon. Pero hindi siya titigil. Kung totoo man kasi ang kanyang iniisip ay matagal na niya itong hinihintay.

"... Buntis ka ba?"

Nagsimula ulit magpumiglas ang katuwang kaya't tinabanan na niya ito ng parehas na kamay sa magkabilang braso.

"Love... please..." pagmamakaawa niya sa babae. "Tell me the truth..."

"Sawang... sawang... sawang... sawa na 'ko, Xander. Ayoko na!" Mapait at sunud-sunod na usal ng bibig ni Cathy. Titig na titig ito sa kanya't pinanunuot sa kanyang puso ang kamandag ng poot nito.

Nanikip tuloy ang dibdib niya—para bang nakita na niya ito noon, para bang bumabalik isa-isa ang masasama niyang mga alaala.

"Tama na..." sambit parin ng esposang nangatal na ang boses habang paulit-ulit na umiiling. 

"... Alam mo... kung ayaw mo na, sabihin mo nalang... hindi yung sinasaktan mo 'ko nang ganito. Paulit-ulit nalang, bakit?"

"... Bakit mo ba 'ko sinasaktan? Bakit ba... lagi nalang..."

Yumakap na siya nang mahigpit sa babae. Para siyang naghihingalong kumakapit sa buhay na unti-unting nawawala sa kanya. Masakit dahil ito ang pinakakinatatakutan niya, masakit kasi ito 'yong pinakaiingatan niya. Hindi niya alam kung paano pa iibsan ang pagdurusa sa mga mata ng katuwang na naghahalo sa loob ang galit. Luhuran man niya ito, magmakaawa man siya rito, pero pakiramdam parin niya'y unti-unti nang numinipis ang pising idinudugtong ng kanilang pagibig. Lagi nalang may mali, lagi nalang wrong timing. Pinagtagpo ba talaga sila para paghiwalayin lang ulit?

"It wasn't true..." pagtatapat na niya sa nangyayari, "... it was all a plan, mahal, please... listen to me."

Pero matigas talaga ang misis. Ipinagsiksikan pa nito ang mga braso sa pagitan nila't itinulak siya nang malakas sa dibdib.

"Putanginang excuse naman 'yan, Xander!!" Nanginginig at lumuluha na nitong bulalas.

"... Paano mo nasasabi sakin na hindi totoo 'yong nakita ko? Ha?! Nakita ko 'yon! Ng mga mata ko!"

"But I'm telling you the truth..."

Hangos na pinahiran ni Cathy ang basang mga pisngi't saka siya inirapan bago tumalikod. Pandalas na itong nagtatakbo patungo sa guest parking lot kung saan ay iniwan nito ang sasakyan. Sa pagmamadali pa'y nagkatapun-tapon na ang mga gamit nito dahil sa paghahalungkat ng kung anong bagay sa bag na karga sa braso. Pupulutin pa sana ng kabiyak ang mga nalaglag ngunit nang makita na naman siya nitong sumusunod ay umiba ulit ito ng ruta. Sa halip na dumiretso sa kotse'y lumakad pa ito papalayo't pumunta sa gilid ng okupadong kalsada. Dito na siya tumakbo ulit. Baka kasi kung saan pa mapadpad ang mga paa nito't ikapahamak pa ito ang pinagdaraanang hinanaing.

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon