Episode 1: Home is Where the Heart is (Part 3)

2.7K 44 10
                                    

BEEP! BEEP! BEEP!

"I am Lightning McQueen!!! Ka-Chow!!!"

Dumaan sa salas ang maingay na nagbibisikletang si Zion. Kanina pa itong naglilibang at paulit-ulit na umiikot sa mansyon gamit ang laruang bigay dito ng ama. Buhay na buhay tuloy ang bahay—ang lakas kasi ng busina ng bisikleta! Minsan nga'y nahihiya na si Cathy sa mga kasambay dahil baka labis itong nakakaistorbo. Pero hindi naman ganoon ang reaksyon ng mga trabahador—tila tuwang-tuwa pa ang mga ito sa senyorito! Kakaiba kasi ang siglang dala ni Zion sa bahay ng mga del Viñedo. Na para bang ang tagal na nilang hinihintay ang ganitong kasiyahan.

Ito na 'yon. Ito na ang katuparan ng mga pangarap ni Cathy na dati-rati'y sa isip lamang niya nakikita. 'Yong palagi silang magkakasama at lagi silang masaya. Kahit ganito lang na magkatabi rin sila ni Xander at mapayapang nagmamatyag sa anak ay pakiramdam niya'y kumpleto na ang kanyang kaligayahan. Ito lang naman kasi ang gusto niya sa araw-araw. Kung maari nga lang na sana'y huminto na ang oras at manatili nalang silang ganito.

Halos kalahating oras narin ata silang magkasama ng mister sa sofa na magkayapos at hindi kumikilos. Ang hirap kasing hiwalayan ng katawan nito. Napakakumportable ng bisig ng asawa na nakapalibot sa kanya. Ang sarap ding maglambing ng mga kamay nitong pagala-gala sa kanyang braso't likod na marahan siyang minamasahe. Pakiramdam tuloy niya'y maya-maya lang ay magsisimula na siyang antukin.

"Love..." bulong ng lalaki. "Still tired?"

"Comfy lang ako sa massage mo," tugon niyang may ngiti.

Ikinuha naman siya ni Xander ng unan sa tabi at ipinatong sa hita nito upang pagpahingahan ng kanyang ulo. Agad din siyang sumunod at inihiga nang tuluyan sa sofa ang sarili at saka muling pumikit.

"Let's not do anything today, hmm?" Mahinang sabi ng esposo habang minamasahe ang kanyang sentido. "We're staying home."

Tumango lang siya't humaplos sa braso ng katuwang.

Ilang saglit pa'y lumapit sa kinaroroonan nila ang anak na si Zion at ipinarada sa tabi ang bike. Napagod na ata ito sa kalalaro at naisipan namang magpahinga. Agad nitong isinampa ang sarili sa sofa at bumulagta sa ibabaw niya saka yumakap sa kanyang baywang. Napansin naman niyang idinikit nito sa tiyan niya ang tainga bago tahimik na nakiramdam.

"What are you doing, anak?" Nangingiti niyang tanong habang hinahaplos ang buhok ng bata.

"Listening," tugon agad ng paslit.

"Listening?"

Tumango naman ito at masugid paring nakinig. Nakikiramdam ata ito nang husto sa bawat bugso ng kanyang paghinga.

"Is there a baby inside?" Bigla nitong kuwestiyon.

Napangiti tuloy siya at napatingala kay Xander na nagulat din sa narinig.

"Why did you ask?" Balik-tanong naman niya sa bata.

"Because Tito Paolo said you and Papa will make a baby soon," kwento nito.

"He said that?" Sabat naman ng amang biglang namutla ang mukha.

"Yeah... Tito said I should always sleep early or you won't put the baby inside Mama's tummy. Is it inside now, Mama? Does it hurt?"

Fated to Love You: BOOK 3 || Social Serye [FINALE]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon