PROLOGUE

29 4 8
                                    

"Siraulo ka ba? Bakit mo ginawa 'yon?" inis kong tanong sa kausap ko. Hindi ko alam kung bakit ba ako pumayag magpakasal sa taong 'to. Kung alam ko lang na magsusunod-sunod ang problema ko, hindi na sana ko nagpakasal sa kaniya.

Nakapuwesto siya sa driver's seat habang nakahawak sa manibela habang nasa kabilang upuan naman ako.

Nakatingin siya sa akin nang seryoso. Napansin ko rin na napahigpit ang hawak niya sa manibela. "I did that because that is what a husband is supposed to do."

Natapik ko ang noo ko kasabay ng pag-ikot ng mga mata ko. Hindi ko talaga siya maintindihan. "Pero dahil sa ginawa mo malalaman na nila ang sikreto natin."

"So what?" kampante niyang sagot.

Napahilamos na ko nang tuluyan. "So what? Alam mo ba 'yong sinasabi mo? Sinapak mo 'yong tao. And because of what you did and what you said, p'wede niyang ipagkalat kung anong meron tayo."

Naiinis talaga ko sa kaniya. Para sa kaniya napakadali lang ng sitwasyon namin. Dahil sa ginawa niya gumulo lalo.

"What's wrong if they'd know?" cold niyang tanong habang nakatingin na sa kamay niyang nakahawak sa manibela. Para 'kong kinilabutan sa lamig nang pagkakasabi niyang 'yon.

Anong problema niya?

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko. Hindi ko alam kung bakit ba ayokong malaman ng ibang mag-asawa kami. Well, kasal lang naman kami sa papel kaya hindi na nila kailangang malaman.

Pero kasal pa rin.

"Uwi na tayo," talunan kong sabi. Knowing him, hindi siya magpapatalo. Bakit ba kasi sa professor ka pa makikipagtalo? Malamang talo ka.

"What? Akala ko mag-uusap tayo?" malamig pa rin niyang sabi.

Sa totoo lang nasanay na 'ko sa pagiging ganito niya. Pero parang may something sa presensiya niya ngayon.

"Tama na. Uwi na tayo," ulit ko. Pero parang wala siyang narinig. Tahimik lang siya, hindi man lang natinag.

Hinihintay kong paandarin na niya ang sasakyan. Pero dahil napuno na 'ko, binuksan ko ang sasakyan at mabilis na naglakad.

Hindi ko siya maintindihan. Para siyang bipolar. May araw na cold, pero may mga panahong mabait naman siya. 'Yong inakto niya kanina ang hindi ko ma-gets. Bakit kailangan niyang manakit?

Kung hindi ko siya ma-gets, mas hindi ko yata maintindihan ang sarili ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hindi ko mapigilan 'yong luhang isa-isang tumutulo mula sa mga mata ko.

Naglakad ako nang matulin kahit pa halos hindi ko na makita ang daan dahil sa panlalabo ng paningin ko dahil sa luha. Nakisama pa ang panahon dahil kasabay ng pagpatak ng mga tubig sa pisngi ko ay nagsimula na ring pumatak ang ulan.

Ang malas mo, Alena.

Nagpatuloy lang ako hanggang sa mapahinto ako nang may mabangga akong matigas na bagay. Iniangat ko ang paningin ko at doon ay natagpuan ko ang mga mata niyang nakatingin din sa akin. Isinukob niya ako sa payong na dala niya.

Inangat niya ang isa niyang kamay at pinunasan ang basa kong pisngi. Habang nakatingin ako sa mga mata niya ay para bang umaalon ang puso ko at pakiramdam ko dahan-dahang nababawasan ang bigat na nararamdaman ko.

"Uwi na tayo," aniya bago niya inakbay ang mga braso niya sa balikat ko.

Magulo ang set-up namin, pero mas magulo kung ano ba kami. Arranged marriage? Magkaibigan? Professor at student? Hindi ko na alam.

A/N

Good evening po! I published this kasi gusto ko lang. HAHAHAHAHA Joke lang! By request na rin. HIHI Pero slow update ito , since marami akong on going. HAHAHAHA salamat sa mga readers, kung meron man.

SECRETLY MARRIEDUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum