CHAPTER 4

12 3 6
                                    

Nagtagal ako nang kaunti sa loob ng CR. Mabuti na lang hindi ako sinundan dito ni Kyla, sabi niya nakakadiri daw ako. 

Gaga! May iniiwasan lang.

Napakunot ang noo ko. Bakit ko naman iiwasan 'yong pashneya na 'yon?

Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya. Pero sa huli nagtagal pa rin ako.  Naiinis akong makita siya. Hindi ko kasi maintindihan kung bakit siya pumayag sa ganoong set-up. 

"Mabuti naman nakalabas ka na. Ilang taon mo bang inipon 'yan?" bungad sa akin ni Kyla matapos kong lumabas ng comfort room. 

Inirapan ko lang siya. Ayokong magpaliwanag sa kaniya dahil alam kong hindi rin naman niya maiintindihan. Isa pa, ayokong sabihin sa kaniya dahil nandoon pa rin ang pag-asa kong maihihinto pa ang walang kuwentang kasal na ito.

Naglakad na lang ako at pumunta na sa cafeteria. Sumunod sa aking si Kyla habang nagsasalita, pero dahil puro reklamo lang naman siya, hindi ko na lang siya inintindi at nagpanggap na lang na nakikinig.

Katagaya ng dati, pumila lang ako sa counter. Narinig ko pa si Kyla na nagsalita.

"Good afternoon po Sir Jah."

Pero dahil wala ako sa mood at gutom na rin naman na 'ko, nag-focus na lang ako sa pag-order ng pagkain ko. Matapos 'yon ay pumunta na ako sa paborito namin puwesto sa bandang sulok ng cafeteria. Dito kami lagi kumakain dahil bukod sa kaunti lang ang kumakain dito, medyo tago pa sa ibang estudyante. Minsan naman sa tambayan kami kumakain 'pag trip namin.

"Bakit bigla mo 'kong iniwan?" reklamo ni Kyla matapos niyang maupo sa tapat ko.

Umirap muna 'mo bago siya sinagot. "Gutom na 'ko. Napakatagal mo."

"Pashneya ka! Nakita ko kasi si Sir Jah," masigla nitong sabi kaya napairap na lang ako.

"Sinong nagtatanong?"

"Gaga! Share ko lang, kaya nga ako natagalan," sabi ulit niya.

Hindi ko na lang siya pinansin at kumain na lang ako. Balak ko kasing magbasa at mag-catch up sa mga lessons na hindi ko nakuha no'ng mga araw ba absent ako.

"Tara na," yaya ko sa kaniya matapos niyang kumain.

"Sandali naman, atat 'yan?" reklamo niya pero sumunod din naman siya nang tumayo ako at naglakad na papuntang classroom namin. Gusto ko sanang sa tambayan na lang mag-aral pero naisip kong baka ma-late naman kami sa klase namin sa panghapon.

Naupo ako sa upuan ko at inilabas ang notebook ko. Kinuha ko ang libro ko at notebooks na ipinahiram sa akin ni Kyla. Hindi ako matalino kaya kailangan kong magsipag. 

Hindi pa man ako nakakarami ng naisusulat nang tumunog ang cellphone ko. Napairap ako sa hangin nang mabasa kong si Akihiro 'yon.

From: Aki Sungit

Hindi kita masusundo bukas.

Napairap na naman ako. Naalala kong may family dinner pala kami dahil birthday ng mommy niya. Usually si Kuya Steven ang sumusundo sa akin 'pag ganito, pero dahil busy ito sa restaurants niya at iisang school lang naman kami ni Aki, napag-usapan na sa kaniya na lang ako sasabay.

Wala sa mood na nag-type na lang ako nang isasagot ko sa kaniya.

To: Aki Sungit

Sabi ni Papa sa 'yo raw ako sasabay. 

Mabilis na nag-reply naman siya.

From: Aki Sungit

Hindi ako papasok bukas, tinatamad ako.

Napairap na lang ako. Ano pa nga bang magagawa 'ko? Palagi namang ganito si Aki. Sure akong papasok siya dahil graduating na rin siya, malamang ayaw niya lang akong kasabay bukas. 

To: Aki Sungit

Ge. Mag-commute na lang ako.

Wala sa mood na ibinalik ko na lang phone ko sa bag ko. Nakakainis din 'yong isang 'yon. Alam ko namang ayaw niya sa akin, pero kailangan ba talaga niyang ipamukha? 

Pashneya ka!

"Hoy! Nakikinig ka ba?" tanong ni Kyla sa akin dahilan para mabalik ako sa kasalukuyan mula sa pagkakalunod sa pag-iisip.

"Ano na ngang sabi mo?" tanong ko sa kaniya. Bumalik na 'ko sa pagsusulat ng mga notes na na-miss ko.

Tumawa lang siya. "Mahal na sanggre, nakatulala ka na naman!" Umirap lang ako sa kaniya. Nagsalita ulit siya nang hindi ako sumagot. "Sino bang nag-text sa 'yo? Hulaan ko, 'yong masungit mong kapatid?"

Napanguso ako. "Hindi raw ako masusundo bukas, as if naman gusto kong sumabay sa kaniya."

Tumawa lang ulit siya. "Ganiyan ang bonding niyong magkapatid, eh, magbangayan."

Hindi ko na lang ulit siya pinansin. Busy na rin naman siya sa pags-scroll niya sa cellphone niya kaya ginawa ko na lang busy ang sarili ko sa pagsusulat.

Hindi ko alam kung gaano katagal akong nagsulat dahil sobrang focused ko. Napahinto na lang ako nang magsalita na naman si Kyla.

"Sanggre, malapit nang mag-time. Mamaya na ulit 'yan," sabi nito habang naglalagay ng foundation sa mukha niya.

"Oo nga pala," sabi ko bago ko muna itabi ang gamit ko. Napakunot ang noo ko nang makita siyang naglalagay ng lipstick sa labi. "Bakit may pa-retouch, Ky?"

Ngumiti siya sa akin habang kumukuha ng suklay. "Para maganda, siyempre."

Napakunot ang noo ko. Parang tanga naman 'to. "At bakit?" mataray kong sabi.

Bigla siyang ngumiti na para bang kinikilig. "Pashneya ka, ano 'yan?" tanong ko ulit.

"Malamang may klase na," sabi ulit niya.

Kinutusan ko siya. Para kasing tanga. "Ano naman kung may klase na? Dati naman hindi ka ganiyan," sabi ko bago ko inayos ang upo ko. Any moment kasi papasok na ang professor namin.

"Hello, Sanggre Alena. Nasaan ang utak mo? Si Sir Jah ang next prof natin."

Napairap ako. Kaya naman pala parang pusang hindi mapaanak itong isang ito, si Sir Jah nga pala ang professor namin. Bakit ba hindi ko naisip 'yon? Dalawang subjects nga pala ang hawak sa amin ni Sir Pau, malamang dalawang subjects din ang hahawakan no'ng Sir Jah na sinasabi niya.

Sana lang magaling din siya. Kung hindi mag-shi-shift na lang ako. Pero joke lang, last year ko na pala.

Hindi na 'ko sumagot at bagot na naghintay na lang. Wala naman akong choice, kahit gusto kong pabalikin si Sir Pau, hindi naman babalik 'yon.

Napahinto ako sa pag-iisip nang may biglang pumasok sa room namin. In fairness naman, sakto sa oras pumasok ang professor namin. Professional naman pala.

Umayos ako ng upo bago 'ko tiningnan at i-judge ang professor na nakatayo na sa harap namin. Kinuha ko pa ang ballpen at notebook ko para ready na rin ako sa lecture niya.

"Good afternoon!" cold pa niyang bati.

Sa sobrang gulat ko, nabitiwan ko ang ballpen ko saktong tumingin ako sa kaniya. Nakita ko ring nabigla siya nang makita niya ako.

"Good afternoon, Sir!" bati ng mga kaklase ko. Pero hindi na 'ko nakaimik. Hanggang ngayon gulat pa rin ako sa nakita kong nakatayo sa harapan namin.

'Pag minamalas ka nga naman. Bakit ba siya pa 'yong pumalit kay Sir Pau?

A/N
Sorry sa slow update HAHAHAHAHA dami lang gawain. HIHIHI I'll try updating everyday para matapos agad. HAHAHAHAA sana kayanin ng schedule. Thank you sa pagbabasa ❤️

SECRETLY MARRIEDWhere stories live. Discover now