CHAPTER 1

26 3 47
                                    

Tulad ng naksanayan na, napabalikwas ako sa sigaw ni Mama. Palagi na lang nauudlot ang panaginip ko dahil sa pagbubunganga niya tuwing umaga.

"Hoy! Alena! Gising! Walang sangreng tamad," sabi pa niya habang niyuyugyog ako.

Pinaikot ko ang mga mata ko at napilitan akong bumangon. Heto na naman siya. Isa siyang Encantadia fanatic. Sa sobrang lulong niya sa Encantadia, pati buhay ko gusto niyang gawing telefantasia. Ayoko sana sa pangalan kong Alena Marie, pero wala akong choice, ipinangalan ako ng nanay ko sa isa sa mga sanggre.

Bukod sa ayoko sa pangalan ko, wala kaming pagkakapareho ni Alena sa palabas, bukod sa pagiging matapang at palaban. Hindi ako diyosa, wala akong powers, hindi ako mahilig sa nature, hindi ako ganoon katalino at higit sa lahat wala akong alam sa pagkanta. Boses palaka ako, eh.

"Oo na, Ma. Gagayak na," talunan kong sabi. Tumayo ako at kinuha ang tuwalya ko para maligo na. Ilang araw na rin akong absent dahil nagkasakit ako, kaya kailangan ko nang pumasok.

"Susunduin ka pala ng papa mo mamaya," pahabol niyang sabi kaya napahinto ako sa pagpasok sa banyo.

Sa loob ng twenty-one years, ganito na ang set-up namin. Nakatira kami sa isang bahay na pinatayo ng papa ko, pero hindi namin siya kasama. Pinapasundo lang niya 'ko kung gusto niya 'kong makita o makausap. Pangalawang pamilya lang kasi kami ni Papa. Aksidente lang kung bakit ako nabuo sa mundo.

Ayos naman ang buhay ko. Sapat ang pangangailangan namin kahit na hindi marangya. Nagtatrabaho si Mama sa isang salon kaya naman kahit hindi kami sustentuhan ni Papa, nakakaraos kami. Lahat ng ibinibigay ni Papa para sa akin ay iniipon namin sa bangko para sa pag-aaral ko, kahit pa sagot ni Papa ang gastusin saang paaralan ko man gusto. Kasama na rin sa ipon namin ang makapagpatayo ako ng Architecture Firm sa oras na makatapos na ako ng pag-aaral.

Biyonaryo kasi si Papa. Sayang lang, wala akong babaeng kapatid. May dalawa siyang anak, parehong lalaki at parehong hindi ko kasundo.

Open ako sa family ni Papa. Wala silang choice dahil si Papa pa rin naman ang masusunod. Kahit pa 'yong masungit niyang asawa, walang magawa dahil na kay Papa ang last words.

"Naririnig mo ba 'ko, Alena? O gusto mong paluin pa kita ng tungkod ni Imaw?"

Napairap ako kay Mama. "Narinig ko po. Anong oras po ba? Baka mamaya may klase ako."

"Hindi ko alam. Basta susunduin ka raw," sabi ni Mama bago ako tinalikuran at tuluyang lumabas ng kuwarto. 

Napailing na lang akong pumasok sa banyo. Si Mama talaga kahit kailan.

Well, nasanay na 'ko na ganito kami ni Mama. Dalawa na lang kaming magkasama kaya wala nang ibang magdadamayan at magmamahalan kung hindi kami rin.

Mabilis akong kumilos at nagbihis. Suot ang uniform ko ay nag-bike na 'ko papasok sa university kung saan ako pumapasok.

Malaking pasasalamat ko dahil slacks and uniform namin. Hindi ako nahirapang magbisikleta papasok sa loob ng halos apat na taon. Mabuti na lang talaga nag-architecture ako. Kaunting tiis na lang makaka-graduate na 'ko. Malapit na kaming hindi umasa kay Papa.

Agad kong ipinarada ang bisikleta ko pagdating sa university. May paradahan ng bike dito dahil marami ring mga estudyante ang nagbibisikleta lang papasok. Malapit lang naman sa bahay kaya mas praktikal na magbisikleta. Para tuloy kaming nasa Endless Love.

"Hoy, Alena! Bakit hindi ka pumasok ng ilang araw?" bungad sa akin ni Kyla. Kaklase at naging kaibigan ko siya kahit pa kabilang siya sa mayayamang estudyante rito. Mabait kasi siya at simple lang, parang ako.

Sinabayan ko siyang maglakad. "Nilagnat ako, eh."

Hinipo niya ang noo ko at nag-aalalang tumingin sa akin. "Ayos ka lang?"

SECRETLY MARRIEDWhere stories live. Discover now