CHAPTER 5

15 3 2
                                    

Hindi ko naintindihan kung anong mga sinabi niya, o mas tamang sabihin na hindi ko initindi. Wala naman akong pakialam sa mga kuda niya.

Hindi ako interesado.

Kung may dapat man akong intindihin, 'yong subjects lang niya 'yon. Kailangan kong maipasa nang maka-graduate na 'ko. Gusto ko nang makapagtrabaho para naman mahinto na si Mama sa pagtatrabaho. Ayoko na ring umasa sa Papa ko. Lalo ngayon, pakiramdam ko wala akong choice kung hindi sumunod na lang sa mga gusto niya, nila.

"Miss, are you with us?" seryosong sabi ng professor namin. Medyo natakot ako dahil nakataas ang kilay niya at masama ang tingin sa akin.

Sige, magsubukan tayo. Subukan mo ang brilyante ko.

"Yes, sir? Ano po 'yon?" Sinubukan kong magmukhang normal sa harap ng mga kaklase ko. Ayokong magmukhang hindi nakikinig.

"Sit here," aniya sabay turo sa upuan sa pinakaharap.

Pashneya! Ayoko sa harap.

Ni minsan hindi ko naranasan at ginustong maupo sa harap. Hindi ako makakapagtago 'pag inaantok ako.

"S-Sir?" paniniguro ko. Baka kasi magbago pa ang isip niya o kaya naman ay baka namali lang ako ng intindi.

"I said sit here. Hindi ka ba nakikinig?" masungit ulit niyang sabi.

Pashneya naman talaga! May lahing Hathor ba 'to?

"P'wede bang dito na lang, Sir? Hindi ako sanay maupo sa harap, Sir," pagdadahilan ko. Pero lalong sumeryoso ang mukha niya.

"My class, my rules. Nagbunutan tayo, so take this seat," masungit niyang sabi.

Walang choice na tumayo na lang ako at naupo sa puwestong gusto niya. Patago ko pa siyang inirapan bago ko umayos ng upo at naglabas ng notebook at ballpen para sa klase.

Pinilit kong mag-focus sa klase kahit ayoko sa professor, pero nawala talaga 'ko sa mood. Ilang beses pa 'kong napagalitan dahil hindi ako nakikinig, kaya patago ko siyang isinumpa.

Malasin ka sana, letse ka!

"Miss, what's your name? Sana bukas makinig ka naman sa klase ko," sabi pa niya bago niya isarado ang laptop niya at lumabas ng classroom namin. Naiwan akong inis na inis sa kaniya.

Akala mo naman hindi niya talaga 'ko kilala. Pakitang tao.

"Ang galing talaga niya, hano?" sabi ni Kyla. Naglakad ako papunta sa upuan ko kanina. Dahil iba naman na ang subject namin, p'wede na kaming bumalik sa dati naming upuan.

"Magaling? Wala nga akong naintindihan," sagot ko. Pero tinawanan niya lang ako.

"Wala kang naintindihan kasi hindi ka naman nakikinig, gaga!" sabi niya pa.

Inirapan ko siya. "Mas magaling pa rin talaga si Sir Pau, period."

Marami pa siyang sinabi at papuri sa "magaling" daw naming professor, pero hindi ko na lang inintindi. Ayokong masira lalo ang mood ko.

Napainat na lang ako nang matapos lahat ng klase namin. Dahil sa inis ko, buong hapon akong wala sa mood mag-aral. Umaga pa lang din naman kasi nasimulan na 'ko ng bad news.

Matamlay lang ako hanggang sa paglabas namin ng classroom at magpunta sa parking area. Kahit nagpaalam na si Kyla, wala pa rin akong energy. Walang gana kong nilapitan ang bike ko. Sasakay na sana 'ko pero na-badtrip na naman ako nang makita ko 'yong professor naming masungit. Sumakay siya ng sasakyan niya at walang lingong umalis na.

Parang hindi talaga 'ko kilala. Pashneya ka! Sige, wala talaga tayong pansinan.

Sumakay na lang ako sa bike ko pauwi. Nasalubong ko si Mama sa salas. "Andito na ko, Ma."

Ngumiti lang siya sa akin saka ako niyakap. Yumakap ako pabalik, hindi ko na napigilang maluha.

"I'm sorry. Hindi kita matulungan," aniya kaya lalo akong naiyak.

Alam na niya. Alam na niya kung anong sitwasyon ko. Alam na niyang wala akong choice, wala kaming choice.

Humiwalay ako sa kaniya. Pinahid ko ang luha ko saka ako ngumiti. "Ano ka ba, Ma? Ayos lang ako. Ako si Alena, isang sanggre. Hindi mo 'ko pinalaking mahina. Kaya ko 'to."

Niyakap ulit ako ni Mama kaya medyo napaiyak ulit ako. Sa totoo lang kasi, ayoko sa sitwasyon na 'to. Ayokong magpakasal. Ayokong maging anak ni Papa. Ang hirap.

Kumalas na 'ko kay mama saka ako nagpaalam na pupunta na sa kuwarto ko. Pabagsak na dumapa ako sa kama ko pagpasok ko sa kuwarto ko. Tahimik na iniyak ko lahat ng nararamdaman ko. Sobrang disappointed ako sa sitwasyon ko. Bakit kasi sa dami ng taong p'wedeng mapunta sa sitwasyon ko, ako pa? P'wede namang ibigay na lang sa iba.

Tumihaya ako. Alam kong wala namang magagawa ang pag-iyak ko. Kilala ko si Papa, 'pag sinabi niya, kailangang gawin.

Hindi ko na namalayan ang pagbigat ng talukap ko. Nakatulog na lang ako sa sobrang pag-iyak. Hanggang sa nagising na lang ako, madilim na sa labas.

Bumangon agad ako at nagbihis. Hindi na pala ako nakapagpalit ng damit kaka-emote ko. Nalunod ako sa pag-iisip.

Tiningnan ko muna ang cellphone ko. Usually, nagche-check ako ng phone pag-uwi ko, pero hindi ko nagawa kanina dahil sa sobrang sama ng loob ko.

As usual, may notifications ako sa social media accounts ko. May text din sa akin si Kyla. Napansin ko rin na nag-message si Kuya Steven, nagpapaalala sa ganap bukas. Pero napakunot ang noo ko nang may unknow number na nag-text sa akin.

From: Unknown Number
This is Jah. Save my number.

Napataas ang kilay ko. Pashneya naman talaga 'to. Pati sa text pala utos. Anak ba 'to ni Pirena? Bakit ang sama ng ugali?

To: Unknown Number
Bakit ko naman gagawin 'yon?  Ano ka boss?

Napanguso ako nang agad siyang mag-reply.

From: Unknown Number
Perhaps. Just do what I said. I won't message you if my mother didn't tell me.

Ang kapal naman pala talaga. Agad akong nag-reply sa kaniya. Siyempre, hindi ako papatalo.

To: Unknown Number
Utang na loob ko sa 'yo 'yon? Bahala ka sa buhay mo. Pashneya ka!

Napangiti ako dahil hindi siya nag-reply. Ibig lang sabihin panalo 'ko. Hindi siya nakasagot, eh.

Nag-isip pa 'ko kung ise-save ko 'yong number niya, pero naisip kong baka mamaya i-prank pa 'ko kaya naisip kong i-save na rin.

Anak ni Pirena 🔥

Ngumit ako nang makuntento sa ginawa ko. Hindi ko talaga makakasundo 'tong pashneya na 'to, kaya bahala na. Medyo pangit lang sa record na annulled agad ako sa batang edad, pero ayos na rin. Ayokong makisama sa kaniya, masama ang ugali niya.

A/N
Good evening! Medyo busy ako these days. May deadline kasi HAHAHAHAHA Next week na ang exams, kaya busy pa HAHAHAHAHA tapos may exit exam pa kaya sobrang busy. Bawi na lang ako after. HIHIHI






SECRETLY MARRIEDWhere stories live. Discover now