CHAPTER 2

18 3 28
                                    

Nakakagulat naman talaga 'yong sinabi nila. Bakit ba may engagement? Saka bakit kasama 'ko rito?

Umayos ako ng upo nang tingnan ako ni Tita Tanya. Lagi niya kasing sinasabi na umayos ako lalo 'pag may tao nang hindi sila mapahiya.

Uminom muna si Papa ng red wine bago nagsalita. "Our fathers have a contract agreement before. Nakalagay sa contract na kailangan magpakasal ang kahit sino sa mga apo nila sa panganay nilang anak. And we, as eldest should fullfil that contract."

"Wait. Contract? Dad, aren't we still young for that?" sabi ni Graciella na sa tingin ko ay tama. Masyado pa kaming bata para sa mga enagement na ganito. Teka, parang kasali naman ako, eh, sampid lang naman ako.

"Yeah. Pero ang nakalagay sa contract ay this year. It's already December. Kaunti na lang ang oras para matupad ang contract," paliwanag ng daddy niya.

"What will happen if we break it?" seryoso namang tanong no'ng isa. Grabe, mukhang masungit pa siya kay Akihiro. 

"Both parties' assets and liabilities will be frozen, and worst kukuhanin ng bangko," sabi ni Papa.

"What?" sabay sabi ni Graciella at Akihiro. Para namang mamamatay sila ng walang yaman. P'wede namang magtrabaho.

"We have to save both families, kaya kailangang matuloy ang wedding," sabi naman ni Tita Tanya.

Mukha talagang yaman. 

"I'm out, I have a girlfriend," sabi ni Kuya Steven. 

Hindi ko alam na may girlfriend pala siya. Akala ko pagiging seryoso sa buhay at trabaho lang ang alam niya.

"I'm out!" sabi rin ni Akihiro.

Napatingin sa kaniya si Papa at Tita Tanya.

"Why? You don't have girlfriend, right?" takang tanong ni Tita Tanya.

Sa palagay ko rin wala siyang girlfriend. Bukod kasi sa masama ang ugali niya, alam kong babaero siya. Hindi siya nakikipagrelasyon dahil nga ayaw niyang mag-settle sa isa.

"Wala nga," sagot niya.

"Then, why not?" tanong ni Papa.

"Ayoko," sabi ulit  ni Akihiro. Pasaway talaga.

"As if I like marrying you!" sabi rin ni Graciella.

"Pero hindi p'wede si Kuya Steven," sabi ko naman. Nakisali na ko. Gusto ko na kasing bumalik sa school. Late na 'ko.

"Ayoko nga. Bakit hindi na lang ikaw?" paghahamon niya sa akin.

Siraulo talaga 'tong Akihiro na 'to. Ialay kaya kita kay Hagorn tutal magkamukha naman kayo?

"Akihiro," sabi ni Papa.

Ayan, mabuti nga sa 'yo. Epal ka kasi.

"Ayoko. Magpapari ako," sabi niya.

Napalingon ako sa kaniya. Ano raw? Magpapari siya? Saan? Sa impyerno? Eh, kampon siya ni Satanas.

"Eh?" react ko. Pero sinamaan niya 'ko ng tingin. Sasagot pa sana 'ko pero nagsalita na 'yong daddy ni Graciella.

"If that's the case, siguro p'wede naman 'yong bunso mo, sa panganay ko?"

"Po?" laglag panga kong tanong. Naku naman! Hindi pa nga ako nakakatapos ng pag-aaral, hindi ko pa natutupad 'yong mga pangarap namin ni Mama, tapos balak na 'kong ipakasal? Hindi p'wede.

"Wala ka namang boyfriend, 'di ba?" sabi ni Tita Tanya, may kasamang pagbabanta ang tingin niya.

Napanguso ako. Lahat sila nakatingin sa akin at hinihintay ang isasagot ko. "Wala po. Pero, ayoko pa po sanang magpakasal."

"Hija, magpapakasal lang naman kayo. Then, titira kayo sa iisang bubong. P'wede kayong mag-separate ng rooms. After a year, 'pag settled na lahat ng accounts, p'wede ang annulment," mahinahon na paliwanag ng daddy ni Graciella.

Napahinto ako. Bakit ba 'ko nasali rito? Sa halip na namomroblema ako sa pag-aaral ko, bakit ito ang problema ko?

"Teka lang po, hindi po ba p'wedeng pag-isipan muna. Ang bata ko pa po kasi," alanganin kong sabi.

"Ang arte mo naman. Just say yes!" sabi ni Akihiro.

Napalingon ako sa kaniya. "Bakit hindi na lang kasi ikaw tutal hindi ka maarte! Saka bakit nasa akin lang ang pressure, tinanong niyo ba 'yan kung gusto niya rin?" inis kong reklamo sabay turo sa kuya ni Graciella.

Para naman kasing ako lang ikakasal. Nakakainis naman.

"What?" cold na tanong ni Jah. Lahat kasi kami nakatingin sa kaniya. Lahat kami affected pero siya chill lang na kumakain.

Sabihin mo ayaw mo. Hindi p'wedeng tayo lang ang mag-suffer.

Ibinaba niya ang kubyertos na hawak niya saka tiningnan sila isa-isa. "Fine. As if I have a choice."

"What?! Bakit ka pumayag?" gulat kong tanong. Hindi ako makapaniwala na 'yong kagaya niyang mukhang malamig pa sa freezer ay papayag sa ganitong set-up.

Tiningnan niya 'ko saglit saka bumalik sa pagkain. "Para matapos na. Do'n din naman 'to pupunta. Kailangan may magpakasal para maisalba ang pamilya natin. Para wala nang pilitan."

Naikuyom ko ang kamao ko. Alena huminahon ka. Baka madali mo siya ng brilyante mo sa morgue pulutin. "Pero ayoko po," mariin kong sabi.

Agad akong pinandilatan ni Tita Tanya. "Sweety, wala ka nang magagawa. Pumayag na ang groom. Let's talk about the details na. Kailangan next week may angagement na at the following week ang kasal," sabi niya.

Mukha mo! Ikaw na lang magpakasal.

Nakakainis naman. Bakit ba napasok ako sa ganitong problema? Kaya ko namang mabuhay kahit walang sustento ng ama ko. Bakit ba nakadepende lahat sa pera.

"Can we do it privately? Sabi niyo naman, sa papel lang ang wedding. Ayoko sana ng agaw eksena," sabi ng lalaking malamig pa sa yelo.

"Pero bakit?" tanong ng mommy niya.

Baka may babae 'yang anak niyo. Baka ayaw niyang malaman ng iba na hindi na siya single.

"That's my only condition. No engagement and simple and private wedding. No publicity. Hindi naman 'to totoong kasal. Kung ayaw niyo, hindi ako magpapakasal," sabi ulit niya.

Grabe naman 'yong hindi totoong kasal. Kasal pa rin 'yon kahit sa papel. 

Napabuntong hininga si Papa. "That would be okay. Kailangan lang naman natin ng marriage contract and proofs."

Nag-usap pa sila habang kumakain pero wala na 'kong naintindihan. Hindi na rin ako nakakain dahil pakiramdam ko pinagkaisahan nila 'ko. Pakiramdam ko kinokontrol nila 'yong buhay namin. 

Sumunod na 'ko sa kanila habang naglalakad palabas ng bahay. Tapos na kasi ang pagpaplano nila sa kasal na hindi ko naman gusto. 

"Akihiro, isabay mo na ang kapatid mo papasok," sabi ni Papa. Nakaalis na kasi si Kuya Steven dahil may meeting pa raw ito.

Umiling si Akihiro. "Hindi na 'ko papasok. Late na rin naman ako."

"Magta-taxi na lang po ako," sabi ko. Ayoko rin namang sumabay sa kaniya. Idagdag pa na ayokong magpahatid sa driver nila.

"Why not kay Jah na lang siya sumabay? After all doon din naman siya papunta," offer ng daddy nito na agad namang pinayagan ni Papa.

"Maganda 'yon, para makilala nila ang isa't isa," sabi naman ng mommy nito.

"Naku! 'Wag na po. Kaya ko naman pong mag-commute," tanggi ko. Hindi ko gustong sumabay sa kaniya. Baka mamaya kung ano pang gawin sa akin.

"Sakay na," sabi niya at pinagbukas pa ko ng pinto.

Napairap ako nang patago. Bakit ba hindi marunong humindi itong isang 'to? 

Wala akong nagawa kung hindi ang sapilitang sumakay sa kotse niya.

Una at huling sakay mo lang 'to, Alena. Hindi na 'to mauulit.

A/N

Hi! UD ulits. HIHI masipag talaga ko today. Sana sipagin ako everyday.

SECRETLY MARRIEDWhere stories live. Discover now