CHAPTER 3

13 3 8
                                    

Tahimik lang ako sa passenger seat. Sa likod sana 'ko uupo pero hindi ko raw siya driver.

Oo, isa kang Hathor, animal ka!

Nakanguso lang ako sa byahe. Tahimik lang naman din siya. Seryoso lang at parang wala talagang pakialam sa mga nangyayari.

"Baka matunaw ako, Miss, what's your name again?" sabi niya bago tumingin sa akin sandali at bumaling ulit sa daan.

Pashneya naman! Nakakahiya.

"Alena, 'yon ang name ko. Saka hindi kita tinititigan," sagot ko.

Gumalaw pataas ang kaliwang bahagi ng labi niya, hindi pa rin inaalis ang tingin sa daan. "Who said you're staring at me?"

Kalma, Alena.

"Sabi mo baka matunaw ka, hindi kita tinititigan," dipensa ko. Medyo malapit na 'kong mainis sa robot na 'to.

"I never said tinititigan mo 'ko. Why you're so defensive?" ani ulit niya habang nakangisi na.

Parang aso ang pashneya!

"Ewan ko sa'yo! 'Wag mo nga akong kausapin! Kampon ni Hagorn," bulong ko sa huling mga salita.

Naging seryoso lang ulit siya at parang inip sa pagda-drive niya. Hindi rin ako nakatiis, kanina ko pa gustong dakdakan 'tong isang 'to.

"Bakit pumayag ka?"

Napalingon siya sa akin at bagot na bumalik ulit sa daan ang paningin niya. Malapit na kami sa school, ayokong doon ko siya awayin. Nakakahiya. Hindi gawain 'yon ng isang magandang sanggreng kagaya ko.

"Hoy! Kinakausap kita, bingi lang?"

Sinamaan niya 'ko ng tingin. "You told me not to talk to you, tapos maiinis ka 'pag hindi kita kinausap. Are you insane?" walang gana niyang sabi.

"Kanina 'yon! Bakit kasi pumayag ka sa gusto ng matatandang 'yon?" iritado kong sabi.

"Watch your mouth. They are our parents," sagot niya bago iliko papasok ng gate ang sasakyan.

"Bakit nga kasi? Nakakainis ka naman! Ang dami ko pang pangarap! Ayoko pang magpakasal!" reklamo ko ulit.

"Marrying won't stop you from achieving your dreams. I won't stop you, brat," sagot niya bago inalis ang seatbelt niya at lumabas ng sasakyan.

Pashneya talaga!

Napangusong inalis ko na lang ang seatbelt ko at lumabas na sa mamahalin niyang sasakyan. Padabog na isinarado ko ito at naglakad sa pathway papunta sa building namin.

Ang dami kong na-miss na lessons, kailangan ko talagang humabol.

Napatingin ako sa relos ko. Last period na pala bago ang lunch.

Gano'n katagal akong nawala? 

Siguro mamayang after lunch na 'ko papasok, sure naman akong magsisimula na sila. Hihingi na lang ako ng notes kay Kyla.

Tumambay na lang ako sa kubo malapit sa building namin. May maliit na kubo rito na gawa sa bato. Dito kami madalas tumambay ni Kyla para magkuwentuhan o kaya gumawa ng assignments at requirements. Wala namang kasing nagpupunta rito dahil na rin siguro medyo may kalumaan na.

Inilabas ko ang libro ko at notebook. Malapit na ang midterms, ayokong bumagsak kung kailan matatapos na 'ko sa college.

Mabuti na lang may lumang lamesa rito. May patungan 'pag nagsusulat.

Kinuha ko rin ang phone ko at inilagay sa music. Isinalpak ko na lang ang earphones ko at nag-music habang nagsusulat at gumagawa ng reviewer. Kailangan ko rin naman kasi. Aminado akong hindi ako matalino, kaya kailangan kong magsipag. Siguradong dudugo na naman ang utak ko oras na hindi ako mag-review.

Napatigil ako sa ginagawa ko nang pumasok si Kyla at padabog na naupo sa tabi ko.

"Anong nangyari sa'yo?" tanong ko. Inalis ko na ang earphones ko at pinatay ang music.

"Ang sungit talaga ni Sir, Jah," reklamo nito.

Napailing na lang ako. Ganito rin ako dati kay Sir Pau. Masungit din kasi 'yon no'ng una, pero kalaunan naging mabait din naman, idagdag pa na magaling talaga siyang magturo. Parang kahit mahirap ang subject, napapadali niya.

"Magreklamo ka kay Reyna Danaya," pabiro ko.

Sinamaan niya ako ng tingin. "Nice, Sanggre Alena. Bakit hindi ikaw ang magsumbong, kapatid mo naman 'yon."

Natawa 'ko. Masarap asarin 'to minsan, kasi napipikon. "Masungit naman pala 'yong crush mo. Bawal nang bumalik kay Sir Pau, ha? Wala nang bawian 'yon."

Napanguso siya. "Masungit din naman si Sir Pau dati, pero si Sir Jah parang robot, wala yatang emosyon sa katawan. Sayang, ang pogi pa naman niya."

Natawa na lang ako at nagpatuloy sa pagsusulat. Hindi ko na lang inintindi ang pagrereklamo niya sa bago naming professor, sure naman akong mas magaling at mas pogi pa rin si Sir Pau do'n.

"Teka, bakit hindi ka pumasok?" tanong niya sa akin. Doon ko naalala kung gaano ba kahirap ang sitwasyon ko.

Bakit kasi hindi ako binalaan ni Embre na mangyayari 'to?

"Mahabang kuwento," sagot ko. Pero dahil makulit talaga 'tong kaibigan ko, nagkuwento na rin ako. Ilang beses pa 'kong napahinto dahil sa reaksyon at side comments niya.

"Ang unfair no'n sa 'yo," sabi nito habang nakatukod ang siko sa lamesa at nakakalumbaba na.

"Sobra. Ayoko pang mag-asawa, Ky. Lalo sa epal," sagot ko rin. Inihinto ko na ang ginagawa ko at itinabi na ang gamit ko sa loob ng bag.

Mamaya na lang siguro 'ko gagawa ng reviewer.

"Curious ako kung sino 'yong papakasalan mo. Kanina ka pa nagrereklamo, eh," masigla niyang sabi.  Kanina lang inis na inis siya, pero parang excited naman siya ngayon.

"'Wag mo nang kilalanin. Pangit naman 'yon saka masama ang ugali," sagot ko. Ayoko na ngang pag-usapan. Naiinis lang ako.

"Damot naman ng Sanggre! Hindi ko naman aagawin sa 'yo, may Sir Jah na 'ko, hello," maarte pa niyang sabi.

"Kahit sa 'yo na. Ayoko lang pag-usapan," sabi ko. Kaya natahimik na lang siya. Alam kasi niyang 'pag ayoko, ayoko talaga.

"Sige na nga, baka mamaya gamitan mo pa 'ko ng brilyante mo. Saka mo na lang ipakilala sa akin 'pag ready ka na," sabi niya bago tumayo. "Tara na, kumain na tayo. May subjects pa tayo mamaya."

Tumayo na lang din ako at kinuha ang bag ko. Naglakad kami papunta sa cafeteria pero hinawakan ko si Kyla nang makitang papasok din si Jah roon.

"CR muna tayo," bulong ko.

Napakunot ang noo niya. Alam niyang malakas ang pantog ko at kadalasan hindi ako gumagamit ng CR sa school.

"Natatae ako," sabi ko na lang para maniwala siya.

Napangiwi siya na para bang nandidiri sa akin. "Isasama mo talaga 'ko?"

Nataranta ako nang makitang lumingon sa amin si Jah. Hinawakan ko su Kyla sa braso at hinila siya. Alam kong nakita niya kami, weird na taguan ko siya, pero hindi pa 'ko ready na makita siya.

Dito rin ba siya nag-aaral? Bakit ngayon ko lang siya nakita sa university? Nag-transfer kaya siya?

A/N
Good morning po! May nag-request ng update sa story na ito, kaya siguro itutuloy ko na ang pagsulat dito. HIHIHI siguro next week daily na ang UD ko, tatapusin lang ang dapat tapusin. HIHIHI










SECRETLY MARRIEDWhere stories live. Discover now