CHAPTER 6

27 2 9
                                    

Nakakabagot. Ang bilis natapos ng araw na 'to. As usual, pangit na naman ang araw ko. Ikaw ba naman ang magka-professor na kagaya ni Jah na anak ni Pirenang may lahing hathor, sure akong masisira talaga ang araw mo.

"Mauna na 'ko sa 'yo, Sanggre!" agaw atensyong sabi ni Kyla. Kanina pa pala kami magkasabay sa paglabas ng room hanggang makarating sa parking area ng school. Kanina pa rin siya nagsasalita pero tango at ngiti lang ako. Pakiramdam ko kasi drained ako today.

Tiningnan ko ang cellphone ko. Nagbabakasakali akong tatawagan o ite-text ako ng magagaling kong kuya, baka naman kasi isabay ako papunta sa mansyon nila. Hindi ko na dinala ang bike ko dahil hindi ko naman 'yon madadala sa mamahaling bahay nila.

Mukhang walang balak na magsabay sa akin. Bakit ba kasi hindi na lang talaga ako si Alena para maglaho na lang ako papunta sa bahay nila?

Wala sa loob na naglakad na lang ako papalabas ng school. No choice, mag-co-commute talaga 'ko papunta sa birthday ng nanay nilang obvious namang ayaw sa presensya ko.

Hindi ko alam kung nakailang hakbang na ba 'ko. Medyo malayo-layo na rin ang nalalakad ko. Balak kong pumunta sa sakayan ng jeep, maaga pa naman. Sayang naman kasi ang pamasahe ko kung sasakay ako ng taxi o grab.

Bakit ba kasi kailangan ko pang pumunta ro'n?

Padabog ang bawat hakbang ko. Hindi ko naman kasi talaga feel na pumunta pa sa birthday celebration na 'yon.

Nasa gitna ako ng pag-e-emote nang mapatarang ako. May bigla kasing huminto at bumusina nang malakas sa tapat ko.

Pashneya talaga. Bakit ba may bigla-bigla na lang hihinto at bubusina sa daan?

Handa na 'kong sugurin ang pashneyang animal na 'to. Lumakad ako palapit sa kotse nang muntikan pa kong matumba, bigla kasing bumukas.

Pasheya naman!

"Ano ba? Nananadya ka ba?" inis kong sabi. Lalong umusok ang ilong ko nang makita ko kung sino ang sakay ng mamahaling sasakyan. Bakit nga ba hindi ko nakilala 'yong sasakyan niya? Sabagay, wala naman akong pakialam sa mamahalin niyang sasakyan. 

Ngumisi ito sa akin. Feel na feel, akala mo naman ikinaguwapo niya 'yon. Oo, guwapo siya, pero masama naman ang ugali niya. Hindi siya gaya ni Sir Pau.

Pashneya! Sino may sabing guwapo ang isang 'to?

"Hop in," utos niya, kaya naman halos umusok na naman ang ilong ko. Palautos talaga 'to, akala mo naman hanggang dito professor ko pa rin siya.

Ngumisi rin ako. Siyempre, hindi naman ako papatalo. "And why would I do that?" taas kilay ko pang sabi.

"Because I said so," chill niyang sabi.

Inirapan ko siya. "And who do you think you are?" pang-iinis ko rin. Hindi p'wedeng ako lang ang badtrip sa mga oras na 'to.

"Your professor," simple niyang sagot. Lalo akong nainis. Akala ko maiinis ko siya, pero parang ako 'yong lalong na-badtrip sa pagiging presko niya.

"Sir, we're not in school premises, so we're not in a professor-student relationship," pagdidiin ko. Gusto kong ipaalam sa kaniya na hindi siya ang batas. Hindi siya palaging masusunod.

Napaiktad ako nang madabog niyang binuksan ang kotse niya. Bumaba siya ro'n at padabog rin na isinarado ang pinto.

Naks! 'Di ikaw na ang mayaman. Sirain mo 'yong kotse mo, tutal may pamalit ka naman. Pashneya ka!

"Sakay!" may diin niyang sabi. Luminga pa ito sa paligid, siguro tiningnan kung may makakakita sa amin.

"Sino ka sa tingin mo para mag-utos?" hamon ko sa kaniya. Kung naiinis siya, naiinis din ako sa pagiging antipatiko niya. Hindi na niya ginalang ang sanggreng kagaya ko.

Nahigit ko ang hininga ko nang bigla niya kong pangkuhin na parang sako lang saka pasaldak na idiniposito sa passenger seat. Inayos lang niya ang seatbelt ko saka padabog na isinarado ang pinto ng sasakyan. Umikot siya at sumakay na rin bago i-start ang makina.

"Pashneya ka talaga, eh! Sino ka ba sa akala mo?" gigil na gigil kong sabi. Napaka-bossy talaga niya.

"Ayoko nang namimilit at ayoko ng naghihintay. Your dad asked me to fetch you dahil hindi ka raw masusundo ng mga kapatid mo. I'm doing you a favor!" may diin ang bawat salita niyang sabi.

Iningusan ko siya. Wala na 'kong pakialam kung professor ko pa siya. Ang alam ko lang, nakakainis siya at hindi ako papayag na basta na lang niya kong gaganituhin.

"Maybe, my dad asked you to fetch me, pero ano katapatan mo ganituhin ako? Sino ka ba sa akala mo?" inis kong turing sa kaniya. Inis na inis na talaga ko. Kauting tiis na lang talaga lalabas na ang brilyante sa katawang lupa ko.

Handa na kong makipaglaban sa kaniya ng kahit anong laban nang bigla siyang magsalita bago patakbuhin ang sasakyan. Hindi ko napaghandaan 'yon kaya hindi ako halos nakasagot.

"I'm your fiance."

Halos mabingi ako sa katahimikan sa loob ng sasakyan. Hindi pa rin nasi-sink in sa utak ko 'yong sitwasyon namin, tapos 'yon ang maririnig ko sa kaniya.

Pashneya talaga! Napatahimik ka, Alena.

Huminga ako nang malalim nang makita kong papasok na sa lupain ng tatay ko ang sasakyan. Hindi pa rin ako nakakabawi sa sinabi ng pashneyang 'to, tapos ngayon haharapin ko na ang mga taong hindi ko naman feel makasama.

Napkunot ang noo ko nang matapos namin pumasok at idiretso niya ang sasakyan sa gawing likod ng mansyon. Napalingon ako sa kaniya. Tingin ko naman ay na-gets niya dahil sumagot siya.

"Your dad asked me this. Dito ka raw dumaan," aniya bago patayin ang makina ng sasakyan.

"What? At bakit naman niya gagawin 'yon?" hindi ko napigilang itanong kahit natatakot ako sa isasagot niya. I'm afraid he's ashamed of me.

"May mga business partners na bisita ang pamilya niyo, idagdag pa ang elite friends na sure akong nasa venue na," sabi pa niya.

Medyo nakaramdam ako ng kirot sa puso ko. Ano pa bang bago? Alam ko namang tanggap ako ng tatay ko, pero simula pagkabata, hindi niya ko inilabas sa publiko dahil na rin sa kagustuhan ng asawa niya. Kahihiyan kasi sa pamilya nila na magkaroon ito ng anak sa labas.

"I understand. As usual. Sige, sa kuwarto na lang muna 'ko hanggang sa matapos ang event," hapo kong sagot bago ko alisin ang seatbelt at bumaba ng sasakyan. Lalakad na sana 'ko pero napahinto ako ng higitin niya ang kamay ko. Mabilis pala siyang nakababa ng sasakyan.

"You're going with me," deklara niya. Hindi ko alam kung ilusyon ko lang ba 'yon, pero parang lumambot nang bahagya ang ekspresyon niya saka bumalik sa pagiging blangko.

Huminga ako nang malalim saka siya hinarap. "I've been part of this family since when I was young, pero hindi talaga 'ko kasama sa mga ganiyang event," aniko. Totoo naman. Kahit 'pag birthday ko, simpleng salo-salo lang o kaya naman pupunta lang kami sa amusement park. Nagiging masaya lang ang birthday ko tuwing kami ni Mama ang mag-ce-celebrate.

Seryoso niya kong tiningnan. "You're going in the event with me. That's final," deklara niya bago ako hinawakan sa braso at hinila papasok sa kabahayan.

A/N

Good afternoon! I've been super busy these days. Sobrang daming dapat tapusin sa school. HAHAHAHA Anyway, siguro, I'll be writing again. Medyo nagka-motivation na 'ko para iwasan ang katamaran sa dugo ko. HAHAHHAHAHAHA I'll do my best to have an update everyday. Ang dami kong stories na dapat tapusin HAHHHAHAHAH ang dami ko ring pendings sa drafts. IIwasan  ko na siguro ang obsession ko sa mga book covers HAHAHAHAHA Thank you sa mga naghintay pa sa story na ito. Welcome back sa buhay ni Sanggre Alena :)





You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 10 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

SECRETLY MARRIEDWhere stories live. Discover now