CHAPTER 6

280 8 0
                                    

VICE POV:
Nandito ako ngayon sa resto nakaupo kasama si calvin at maguusap nga daw kami.
Vice:"para saan ba to mahal?" Sabay ngiti sakanya.
Calvin: " ah Vice-"
Vice:"Vice?" Simula pagkatext nya nagtataka nako dahil hindi nya ako tinatawag na "mahal"
Calvin:"Vice...gusto ko madalian lang to"
Vice:"madalian? Bakit gusto mo na magpakasal na tayo agad? Masyado namang mabilis mahal" sabay ngiti
At napayuko naman si calvin at hinawakan ang kamay ko.

Calvin:"Vice gusto ko nga magpakasal"
Vice:"kailan mo b-"

Calvin:"pero hindi sayo" sabay titig saakin
Parang guguho ang mundo ko nang marinig ko ang tatlong salita na yon.

Calvin:"Nakabuntis ako Vice....im sorry"Tumayo sya at hinahalikan ang kamay ko.

Vice: "umalis kana" sambit ko ng hindi tumitingin sakanya at nagpipigil ng luha.
Umalis na sya at bumuhos na nga ang mga luha ko. Pinagtitinginan ako ng mga tao dito pero wala akong pake at umiyak ng umiyak.

???: "Anong ginagawa mo dito,bat dito kapa umiiyak" sabi nya ng walang emosyon.

Tumingala ako at tinignan ang nagsalita...
Vice:"ANO BANG PAKE MO? HANGGANG DITO BA NAMAN, SIGE PAGTAWANAN MO NAKO NGAYON" sigaw ko sakanya, habang sya ay lumilingon-lingon sa paligid






Vhong:"bat naman kita pagtatawanan?, Ganon ba tingin mo sakin? Wala akong pake?" Sambit nya habang nakatitig saakin.
At bigla nyang hinatak ang kamay ko papunta sa labas
Vice:"ANO BA? GUGULPIHIN MOKO NGAYON? SIGE ITULOY MO"sigaw ko habang umiiyak

VHONG POV:
Alam kong wala akong karapatan na manghimasok sa buhay nya dahil katrabaho nya lang naman ako, pero kanina sa opisina okay naman sya.

Vhong:"ANO BANG SINASABI MO? GANYAN BA TALAGA TINGIN MO SAKEN?"

Totoo palang ganyan tingin saakin ng mga tao, parang si mommy lang. Ganon ba ako kasama kung titignan ako ng mga tao? Dapat siguro sinuway ko nalang si mommy at hindi nagtrabaho. Nakakasira na ata ako ng buhay ng iba.

Vice:"Oo ganon nga, ganon ka naman dba? Hindi ka marunong magpakumbaba, pakiramdam mo ang taas taas mo akala mo hari ka at ako ang alipin mo kung tawanan mo." Sabi nito habang umiiyak

Vhong:"boyfriend mo ba yon?" Walang emosyon kong tanong na nagpakunot-noo sakanya.

Vice:"EX, OH ANO NGAYON?, BAKIT MO BAKO SINUSUNDAN?" Sabay sinuntok ako nito ng mahina sa dibdib at umiiyak parin
Vhong:"hindi kita sinusundan, kaibigan ko may ari ng resto na yan. Nagkataon lang na dyan pa kayo nagkita ng ex mo" walang emosyon kong sagot.

Vhong:"kung ayaw mo ng brasong maiiyakan at mayayakap, dyan kana" at akma nakong papasok uli sa resto ng hilahin nya ang pulsuhan ko at umiyak sya sa braso ko.

Yun lang naman talaga dapat ang intensyon ko sakanya ang pagaanin ang nararamdam nya kahit hindi nya alam na nasaktan ako sa mga sinabi nya at sa kung anong tingin nya saakin, pero iintindihin ko nalang na hindi nya pa nakikilala ang totoong vhong navarro.

Tinext ko si anne na nandito si vice para sunduin nya.
Habang hinihintay si anne eto parin si Vice umiiyak sa braso ko, ramdam ko ang basa ng polo ko sa pagiyak nya.

At dumating na nga si anne..
Anne:"Siss what happened??" Sabay hila kay vice ng mahina
"Salamat talaga vhong ha" at ngumiti ako sakanya
Vhong:"Sige ingat kayo, vice....sorry" at lumingon si vice at agad nakong pumasok sa resto.

VICE POV:
nandito kami ni anne ngayon sa kwarto ko sa bahay. At kay anne ko nilalabas lahat ng luha ko.
Anne:"nagbreak na kayo noh"
Vice:" pano mo nalaman?" Tanong ko ng humahagulgol.
Anne:"ano ba kasing nangyari? Kwento mo na im all ears" sabay ngiti nito saakin.
Huminga ako ng malalim at nagkwento

Vice:"gusto daw nya magpakasal pero hindi saakin at ang pinakamasakit.....nakabuntis sya" at nagsimula ng humagulgol
Anne:"Sis dont worry, makakakilala ka din ng gustong magpakasal kay jose marie viceral" at ngumiti ito saakin

Hinawakan ko ang kamay nya
Vice:"salamat talaga sis ha, kung wala ka sa tabi ko baka hindi ko na alam ang gagawin ko baka masaktan ko na sarili ko."
Anne:"sis magpasalamat ka kay Vhong, kundi dahil sakanya baka napahamak ka pang umuwi ngayon...tsaka ginawa mo syang shoulder to cry ah sis ha, kinilig ako sainyo na nainggit din" sabi nya na kinikilig
Binatukan ko naman to at napaisip ako

Kinilig bako? Bakit nya ba ginawa yun? Kahit ang dami nyang ginawang kasalanan sakin pero may ibang side pala sya? Pero aaminin ko madami din akong naging kasalanan sakanya.

Vice:"hayaan mo na yun, wag ka nang umuwi 11pm na oh dito kana matulog" sabay ngiti ko sakanya
Anne:" sige sige" sabi nya habang may tinetext
Vice:"sino ba yang tinetext mo?" Sabay kunot noo ko
Anne:"si vhong, sabi ko dito nalang sa bahay mo pumunta tomorrow 10am para makapagmeeting na tayo"
Vice:"BAKIT DITO PA?"
Anne:"suss, sis nahiya ka pa hayaan mo tutulungan naman kita maglinis bukas, tara tulog na tayo" at natulog na nga sya

Gusto kong ibalibag din tong si anne eh,
Pwede naman sa cafe magmeeting. Paano ko haharapin si navarro eh sa dami ng masasamang salita na binagsak ko sakanya kanina,
Napakamot ulo nalang ako sa mga nangyayari.

VHONG POV:
Nasa condo nako ngayon at tumawag si Yaya ces
PHONE CALL:
Vhong:"hello po yaya?"
Yaya cesca: "Ferdie, hinahanap ni ted yung susi ng isa mong kotse, bigay ko ba?"
Vhong:"bakit po nasaan po ba si teddy?"
Yaya ces:"eto oh" sabay bigay ng phone kay teddy
Teddy:"hello tol pwede pahiram ng mustang mo, sigi na oh, ipapa- carwash ko naman tol"
Vhong:"baket san ka ba pupunta?, May pinopormahan kang babae noh?"
Teddy:"si kuya ferdie naman, babae agad? Hindi noh, may pupuntahan kasi kami para sa project may meeting kami bukas."
Vhong:"sige na, pakuha mo na kay yaya"
Teddy:"TALAGA TOL? SALAMAT AH, YOUR DA BEST KUYA" sabi nya na nakapagpangiti saakin.

END CALL*

pagkatapos ng tawag na yon ay nakita ko ang text ni anne na ibinigay saakin ang address ng bahay ni Vice.

Kaya pinadala ko ang isa kong kotse na ford, dahil baka pag yung magara kong kotse ang dinala ko, baka pagsabihan pako ng bakla na yon na mayabang ako.




AN:
yieee dalaw sa house 🤩💙💜
Kawawa naman si vhong(28292782)
HHAHAHA jk

Twt and tiktok: Kit_vhce

The Man I Hate (VHOICE)Where stories live. Discover now