CHAPTER 8

265 13 4
                                    

VICE POV:

Kakatapos lang ng work at balak ko ng mag-shopping ngayon.

Pababa nako ng makita ko si Vhong sa likod ko, sinusundan nya bako?
Humarap ako sakanya.

Vice:"Sinusundan mo bako MR. VHONG NAVARRO?" diin ko sa pangalan nya

Vhong:"excuse me po MS. JOSE MARIE VICERAL eto lang po kasi ang daan papuntang parking lot" diin nya sa totoong pangalan ko

Oo nga pala may kotse sya kaya dito ang daan nya, pero napangiti naman ako sa pagkasabi ng MS.

Nilagpasan nya nako at pumunta sa VIP parking? pag ba special employee ka dapat sa VIP kana? nagtataka na talaga ako dito sa lalaking to eh, gaano ba sya kahalaga sa company nato? porket Navarro ang apelyido?

ang dami kong gustong itanong sakanya pero hindi ko magawa, eh pano, hindi naman maayos kausap to at sino ba naman ako para manghimasok sa buhay nya.

sinundan ko lang si Vhong at siguro ito na nga ang chance para humingi ako ng tawad sa kanya.

Vice:"Vhong, VHONG" tawag ko sakanya na papasok na sa kotse nya.

Vhong:"bakit nanaman?"

may problema ba to sa buhay?, pasalamat sya magaan-gaan ang mood ko ngayon baka kung hindi baka nasapak ko na to.

Lumapit ako sa kanya.

Vice:"may pupuntahan ka ba ngayon?"

Vhong: "hmm, pupunta lang ako ng mall ngayon baket"

HA? parehas lang naman pala kami ng pupuntahan, pagkakataon nga naman talaga. nung una sa resto tas ngayon sa mall.

Bakit palagi ba kaming pinagtatagpo?

Vhong:"gusto mo ba sumama?" sabay smirk

may balak ba tong masama sakin, nako navarro baka masuntok kita, hindi ako nagpapagalaw sa mga pango na katulad mo.

Vice:"anong klaseng ngiti yan, may balak ka sakin noh?" at napakunot noo naman sya.

Vhong:"Brad, sabihin mo nalang na ayaw mo dahil naiilang ka. kase nagsasayang lang tayo ng oras dito"

Tama sya at malapit na nga magsunset kailangan ko ng pumunta ng mall.

Vhong:" bahala ka sa buhay mo" at sumakay na sya sa kotse nya at akmang isasara ang pinto ng hinarangan ko sya.

Vice: "eto naman hindi makahintay, eto na sasama na"

at sumakay nako sa kotse nya, at infairness malinis at mabango ang kotse nya.

Vhong:"Brad magpatugtog ka nga"

at napalingon naman ako sakanya, bat kaya hindi sya ang magpatugtog?

Vice:"Bat hindi mo gawin?" napalingon sya sakin

Vhong: "Brad gusto mo bang maaksidente tayo?"

Vice:"eto na nga po oh Mr. Navarro magbu-bluetooth na, tsaka brad ka ng brad dyan nakakabadtrip"at kinuha ko ang phone ko para maconnect sa stereo nya.

Vhong: "anong gusto mo itawag ko sayo? Bread?" sabay tawa.

inirapan ko naman ito

Vice:"balakajan"

Vhong:"Bat hindi mo kasama si anne?"

Vice:"Baket bet mo sya?"mabilisan kong sagot

Vhong:"Nagtatanong lang, masama ba magtanong?"

The Man I Hate (VHOICE)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora