CHAPTER 16

248 10 1
                                    

VHONG POV:

bakit....agad agad naman...Magiging malaya pa bako? alam kong pati ang mga kaibigan ko ay mababatikos ng media, pero tama ba ang desisyon ko?

FLASHBACK:

Kauna-unahan kami ni tita krisha at ng kanyang assistant dito sa resto dahil gusto ko talaga syang makausap. Pakiramdam ko may mangyayaring ikababago ng buhay ko ngayon dahil kay mommy.

umupo na kami pero dito kami sa 2nd floor dahil ang mga employees daw ay sa first floor. At sa totoo lang nahihiya ako kay tita.

Ms.Krisha: "Congrats again Sir. Vhong for closing the deal, feeling ko proud sayo ang mommy mo ngayon"

uminom muna ako ng tubig para handa ako sa aking tatanungin.

Vhong:"umm....kailan po ba ako irereveal as the son of the Tech Queen Ms.Amy Navarro?"

napalingon naman sya saakin na para bang may sasabihin syang importante.

Ms Krisha:"Well..Handa ka na ba Sir. Vhong? are you ready to get used by a lot of people taking pictures of you,stalking you, posting you over social medias. I mean gwapo ka din malamang marami din ang mga babae na magkakandarampa sayo"

napalunok naman ako, ganon ba talaga pag sikat?, No Privacy??

Vhong:"I think so..." sagot ko na parang nag-aalinlangan

Ms Krisha:"I remember the time na nakipag-away ka pa sa mommy mo na wag ireveal ang identity mo, dahil minahal ka ng ex mo because of your money."

napahawak naman ako sa tenga ko dahil nahihiya ako. totoo yon pakiramdam ko kasi malas ang mga navarro sa pag-ibig, kasi puro pera lang ang habol, kaya tina-tanggi ko na mommy ko si Amy.

Ms Krisha:"So... im asking you once again, are you sure to reveal yourself?"

huminga muna ako ng malalim para sagutin ng buo ang tanong na iyon.

Vhong:" Yes po tita, but...not right at the moment po ah" at sabay ngiti ko dito

Sa palagay ko tama ang desisyon ko, ayoko ng magtago at ayoko na ring tanggihan ang ina ko. baguhin man nila ang trato nila saakin, picturan man nila ako ng ilang beses. Ang gusto ko lang ay ang maging proud din ang mommy ko saakin at magkasama kami ulit, ayoko ng mangulila.

habang kami ay nagkekwentuhan nakita ko naman na tunog ng tunog ang aking telepono..tinignan ko ito at si vice pilit akong pinapapunta sa table nila, hindi ako nagreply dahil nakakahiya naman kay tita kung habang nagkekwento sya ay magtatype ako.

Ilang oras pa kami nagkwentuhan dito ni tita at ng kanyang assistant. At hindi ako makakain dahil nahihiya talaga ako pag babae ang kaharap ko.

"Umm thank you po ulit tita, its nice coping up with you po... i have to go na po my friends are waiting downstairs" sagot ko at bumeso nako sakanya.

bumaba nako at naabutan ko sila na pinaguusapan ang sports event this month. At kitang kita ko pa na naka- akbay si jhong kay vice teka sila na ba?, pero si vice ay nakatutok lang sa cellphone nya?

Kaya umasungot nako sa usapan nila.

"Talaga ba?" sambit ko na ikinabigla nila.

at tumikim naman ako ng pagkain, dahil hanggang ngayon ay hindi pako naglulunch. Napalingon naman ako kay vice dahil pakiramdam ko ay matutunaw nanaman ako pero binaling nya ang atensyon nya sa kanyang phone..nagtatampo siguro to.



At biglang nag ring ang phone ko.....at si teddy tumatawag? naiwan nanaman nya siguro yung wallet nya.

sinagot ko ito..

IN CALL:

Teddy:" TOL, TOTOO BA TONG BALITA?"

Vhong:"Huh anong balita?"

Teddy:" TOL TRENDING KA SA TWITTER, SA FACEBOOK, TIKTOK, ARTICLES BASTA SA LAHAT TOL"

Vhong:"Baka tungkol lang yan sa kagwapuhan ko"

Teddy:"TOL WAG KA NG MAGBIRO, NIREVEAL MO NA YUNG IDENTITY MO? NAKAKABIGLA KA NAMAN TOL"

Vhong:"ANO? sige mamaya nalang ulit ako tatawag"

END CALL:

Miski ako nagulat, bakit parang namamadali silang ireveal ako sa media? inaantay lang ata talaga nila ako magready

Ups! Ten obraz nie jest zgodny z naszymi wytycznymi. Aby kontynuować, spróbuj go usunąć lub użyć innego.

Miski ako nagulat, bakit parang namamadali silang ireveal ako sa media? inaantay lang ata talaga nila ako magready.

Nakita ko naman ang mga kaibigan ko na gulat na gulat at hindi ko inaasahan na lahat ng employees dito ay kukuhanan ako agad ng litrato kaya dali-dali ako lumabas ng resto at nagsuot ng cap.

END OF FLASHBACK


VHONG POV:

Nandito ako sa kotse ko at kinakausap
ng masinsinan ang sarili ko.

"Vhong ihanda mo na ang sarili mo, masanay kana" sambit ko sa sarili ko

"Ferdie dba ayaw mo na maging mag-isa sa buhay?, dba ayaw mo na mangulila?. Ferdie be proud dahil mayayakap mo na ang nanay mo sa public....

hindi kana magtatago ferdie....mapahamak man ako dahil sa mga stalker, manakawan man ako dahil nilabas mo na mayaman ka....panindigan mo ang desisyon mo ferdie" dag dag ko

nagulat naman ako ng may kumakatok sa pinto ng kotse ko sa front seat...akala ko stalker pero si viceral pala.

Binuksan ko ang lock ng pinto at dali dali naman syang pumasok sa kotse.

"Anong ginagawa mo dito?" walang emosyon kong pagtanong

"Desisyon mo ba yan?" balik nyang tanong

"Oo, pero hindi ko akalaing agad agad nilang ilalabas"

"malaya ka pa ba?" sabay ingon nya saakin

"baka hindi na" sabay tawa ko na may halong lungkot

"mukhang nakaka puntos na si jhong sayo ah" pagiiba ko ng usapan

"wag mo ngang ibahin yung usapan, may pupuntahan ka pa ba?" tanong nito na nakapag-taka saakin

"bahay lang baket?"

"sumama ka sakin...dadalhin kita sa lugar na kung saan pwede kang maging malaya" sambit nya habang kami ay nagtititigan, at binigyan nya ako ng matamis na ngiti, at pakiramdam ko parang napawi ang lungkot ko nung tinitigan ko ang mga mata at ngiti nito.









AN:

Masyado bang predictable? HAJHASJHAS SORRY GANYAN TALAGA HAHAHA

Happy birthday jose marie! luv yah

twt and tiktok: Kit_Vhce

The Man I Hate (VHOICE)Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz