CHAPTER 9

259 10 1
                                    

SATURDAY AT OFFICE

VHONG POV:
Maaga ako pumasok ngayon kase bored na bored ako sa condo ko,
Siguro nagtataka kayo kung baket hindi ko pinapa-alam sa mga tao dito na ako ang anak ng may ari ng company nato.

Dahil ayokong abusuhin nila ako at ibahin ang trato nila saaken dahil lang ako ang anak ni Ms. Amy Navarro.
Alam ko kasing plastikan lang ang magaganap.

At siguro nagtataka kayo kung bakit ako nagsuot ng cap at salamin sa mall, dahil kilalang-kilala ang mommy ko sa business world and may leaks na din na ako ang anak ni mommy, ngunit isa palang ang alam nilang anak ni mommy at malamang ako yon.

Ayokong ipahamak si teddy, ok lang kung ako ang mareveal dahil ayokong ipressure ng media and business world ang kapatid ko.

Nagchecheck lang ako ng emails ng may pumasok sa office ko

Jhong:"Tol, pi-pinabibigay ni viceral" sambit nya na parang nahihiya
At binigay saakin ang folder.

Vhong:"salamat tol" at ngiti nalamang ang nabigay ko.

Jhong:"Tol magkaibigan kayo ni karylle diba?" At umupo sa chair sa harap ng table ko.
Vhong:"Oo tol, baket?"
Jhong:"ang weird nya tol, kung ano ano nalang sinasabi nya minsan" bulong nya sakin na ikinatawa ko
Vhong:"tol minsan lang sya ganon pero normal na tao yan baliw"

Jhong:"girlfriend mo ba si karylle?" Napakunot noo naman ako
Vhong:"kaibigan lang"
Jhong:"eh si anne?"
Vhong:"hinde, ikaw ba yung manliligaw ni anne?"

Dahil naalala ko na may binanggit si viceral na may manliligaw si anne, hindi naman sa pagiging marites pero pakiramdam ko sya eh.

Jhong:"gago hindi, si erwan yon eh akala ko magjowa na kayo kaya hindi nya parin sinasagot si erwan"

Erwan? Staff ba yon dito?
Vhong:"sino si erwan?" At napakunot noo naman sya sa tanong ko.
Jhong:"bakit mo tinatanong?, May gusto ka sa kanya noh?"
Vhong;"gago ka ba, nagtanong lang ako may gusto nako sakanya agad?"

Sa totoo lang wala talaga akong nararamdaman para kay anne, kaibigan lang talaga turing ko sakanya at hanggang dun lang yun.

Tumawa naman si jhong.
Jhong:"ito talaga gusto kong itanong eh.... May something kayo ni Vice noh?"

Napatawa naman ako sa tanong nya
Vhong:"Wala, wala naman kwenta mga tanong mo"
Jhong:"eh bakit kayo magkasama kahapon?"
Vhong:"baka nakakalimutan mo na magka-team kami, jhong nagkape ka ba?"
Jhong:"akala ko wala nakong pag-asa kay cutiepie" masaya nyang pagkasabi

Natawa naman ako sa pagkasabi nya ng cutiepie, may nagkakagusto pala kay bread?

Jhong:"may progress naba kayo...sa app?"
Vhong:"gago, style mo bulok bakit ko naman sasabihin sayo eh magkalaban nga tayo" at napatawa naman kami

Jhong:"alam mo feeling ko talaga ikaw yung anak ni Ms. Amy Navarro." Sabi nya na ikinagulat ko naman.

Navarro stay cool ka lang wag kang magrereact.

Vhong:"feeling mo lang yun, sige na alis kana hinahanap ka na ni K" sabay turo kay Karylle at lumabas na nga sya ng office ko.

Tinignan ko naman ang folder na ibinigay sakin, at kailangan lang pala nito ang pirma ko,

Pinirmahan ko na at ibabalik ko na ito kay viceral.
Lumabas ako ng office dala-dala ang folder at ang extra kong dalawang bento box.

Paglabas ko ng office ko ay kumakaway ang mga babae saakin, lakas mo tlga vhong, dumiretso nako sa table ni anne at vice dahil magkatabi lang naman ang office nito.

Vhong:"bread" at lumingon sya na para bang nagulat.
Vice:"Ano ba yon?"

Masungit nanaman sya, araw araw ba tong may dalaw ng regla?
Pero napansin ko sa mga mata nya na mapula-pula ito kaya napakunot-noo ako.

Vhong:"umiyak ka kagabi noh" cold kong pagkasabi
Vice:"pake mo ba" at lumingon sya sa kanyang computer.

Hinila at inikot ko naman ang office chair nya paharap saakin at lumuhod ako
para titigan ko ang mga mata nya at ganun din si viceral saakin.

Pero lumingon ako sa mga katrabaho namin dahil kinukuhanan kami ng litrato kaya tumayo ako agad at binalik ko sya sakanyang table.

Marami kasing may kutob dito na ako nga ang anak ni mommy kaya palagi nila akong kinukuhanan ng litrato at kinakalat sa kung anong media.

Vhong:"oh" sabay bigay ng folder kay vice
Vice:"thank you"sambit nya na parang napilitan at kinuha ang folder saakin ng hindi tumitingin.

Lumingon ako kay anne na para bang kinikilig,
Vhong:"anne oh, pambawi ko sa pamilktea mo samin ni vice kahapon" sabay abot ng bento box na punong puno ng japanese food.

Anne:"aww, ang sweet mo naman vhongskiee thank you ah"
At nabigla ako ng bigla nyakong yakapin.

Ni-ngitian ko nalang sya at nilagay ko ng mabilisan sa table ni vice ang bento box na para sakanya at sabay lakad ng mabilis papuntang office ko.

Pambawi ko din kay vice yun kasi sinabihan ko sya ng panot kahapon sa meeting namin sa cafe.
Pero bakit kaya sya umiyak?, Feeling ko dahil sa gagong ex nya nanaman.

VICE POV:
Pagkatapos ng yakapan nila anne at pango nandon na nga si vhong sa office nya ulit, at aaminin ko mukhang masarap yung bento box nyang binigay sakin.

Anne:"SISS ANG SWEET NI VHONG" patili nyang bulong saakin at hindi ko sya pinansin

Anne:"sis naririnig mo bako" at tinusok ako sa tagiliran.
Vice:"ano ba kasi yon?" Padabog kong sabi
Anne:"yan ka nanaman ang init nanaman ng ulo mo, kalma sis" at hinagod ang braso ko

Anne:"pero sis aminin mo, may naramdaman ka nung tinitigan ka ni vhong uyy" sabi nya na parang nang-iinis
"Sabi naman kasi sayo magpahinga ka muna, puyat ka na nga, maga pa yung mata mo"

Oo umiyak ako kagabi, dahil nakita ko ang mga pictures namin noon ni calvin at buong magdamag iniyakan ko yon.

Yung mukha ni vhong kanina, mukhang asong nanghihingi ng pagkain. Pero nung tinitigan ko sya ng maigi parang nakaramdam ako ng kirot sa puso ko, malungkot ba sya?

At bigla namang dumating si jhong
Jhong:"uyy anne, alam mo tanong ng tanong sakin si vhong kung sino daw yung manliligaw mo"
Na ikinalaki ng tenga ko ng marinig ko yon,

Anne:"Sus, malamang baka kinuwento mo sakanya"
Jhong:"akala ko nga nung una si karylle ang jowa nya"

Naalala ko nanaman nung pangalawang araw palang ni pango dito na may kasama syang kumakain sa office nya na si karylle at akala ko............auntie nya

Vice:"sus, jhong dun ka na nga nagtatrabaho kami"

Jhong:"eto naman ang arte" at umalis na nga si jhong sa office namin.

Anne:"sis wag mong kakalimutan yung party ni Tita may ngayong gabi ah"

Oo nga mamaya na pala yon, buti nalang pinayagan kami ni Ms. Krisha mag early out.

AN:
NEXT CHAPTER NALANG PALA YUNG PARTY KASI RUSH UPDATE LANG AHKAHAJA ENJOY💙💜

TWT AND TIKTOK: Kit_Vhce

The Man I Hate (VHOICE)Where stories live. Discover now