CHAPTER 23

266 11 3
                                    

VICE POV:

Nandito na kami sa bahay ko at dala dala ni vhong ang bag ko. Sinapian ba to?

Pagkabukas ko ng pinto ay sumalubong saamin ay si papa na nakaupo sa sala habang umiinom ng kape.

"Hi pa" saad ko at nagmano, nasa likuran ko naman si vhong.

"Good morning po" vhong. At nagmano din

"Aba kasama mo pala tong mayaman mong manliligaw" saad ni papa

"Pa hindi ko nga sy-"

"Opo, hinihintay ko nga po yung sagot ng anak nyo eh" Pangbabara saakin ni vhong.

Napakunot noo naman ako at hinampas sya.

"Ganyan talaga yan pakipot" saad ni papa at sinabayan pa nila ng tawa ni vhong.

Tinignan ko naman si vhong at bigla itong tumigil sa katatawa.

"Sige akyat muna kayo sa taas, mukhang may aasikasuhin pa kayo" Papa ogie.

"Wala po kaming trab-" vhong.

"Opo haha akyat na po kami" sabay ngiti ko at hinatak ko sya pataas ng hagdanan at diretcho sa aking kwarto

Pagkapasok namin sa kwarto ay agad kong nilock ang pinto habang si vhong naman ay binaba ang bag ko habang nakatingin saakin.

Hinampas ko sya.

"Arayy baket??" Pagtataka ni vhong.

"Kung ano anong pinagsasabi mo kay papa" saad ko at natatawa pa sya.

"Baket, eh kung yun naman talaga tingin saakin ng papa mo edi sasakyan ko nalang" vhong

So pinaglalaruan nya bako?

"Vhong...wag mo nakong paasahin kung nagkukunwari ka lang pala dahil kay papa"

Iniwasan ko sya ng tingin at pumasok sa banyo.





VHONG POV:

Kitang-kita ko sa mukha nya ang pagkalungkot...may gusto ba sya saakin? O nag-aassume lang ako?

Lumabas ako ng kwarto nya at uuwi nako dahil ang pakay ko lang naman ay maihatid si vice ng maayos.

Palabas nako ng pintuan nang may tumawag saakin.

"KUYA VHONG" pagtawag ni Kim

"Oh kim bakit?" Saad ko

"Salamat nga po pala at pinatulog nyo si ate sa bahay nyo" kim.

Ngiti nalamang ang naibigay ko.

"Oh bakit parang malungkot po kayo?, Gusto mo bang sa bahay nyo nalang palaging matulog si ate?" Kim

"Hindee.....na-napagod lang ako sa trabaho" vhong.

"Ahhh..sige kuya vhong ingat ka ha, babalitaan kita kay ate kaya wag kang mag-alala" kim

Sabay tapik nya sa aking balikat, at napa ngisi ako.

"Sige, salamat ah" saad ko at umalis na sakanilang bahay.




GENERAL POV:

GENERAL POV:

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.
The Man I Hate (VHOICE)Where stories live. Discover now