CHAPTER 19

275 15 7
                                    


VICE POV:

Wala kaming work chuday, dahil puro practice lang ang gagawin namin ngayong araw. Nandito na kami sa napakalawak na court at ang chismis kay Vhong daw court to.

 Nandito na kami sa napakalawak na court at ang chismis kay Vhong daw court to

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Ang pinili ko palang category ay Volleyball, badminton, at archery.

Hindi naman talaga ako maglalaro ng archery, back up lang ako don ni Vhong.

"Sis naglalaro na sila vhong oh" bulong saakin ni anne.

At lumingon naman ako sa kabilang court na naglalaro ng basketball.

Bawat shoot nito pasok, ni isa walang palpak. Napanganga nalang ako dito sa may bench.

At dahan dahang sinara ni anne ang bibig ko.

"Oops sis baka mahulog ka dyan" sambit ni anne kaya inirapan ko sya.

Ilang minuto ang nakalipas, naka 3 games kami ni anne ng badminton naisipan namin na bumalik muna sa bench at magpahinga.

Si vhong ay naglalaro parin?...grabe wala syang tigil pano kung mapulikat yan.

Lumapit naman si jhong sa bench namin.

"Ang hayop ni vhong maglaro, grabe ang galing nya, sure win na kami nito sa basketball" pagyayabang ni jhong.

"Hindi ba napapagod yang lalaking yan, kanina pa yan ah" sambit ko na may halong pag-aalala.

"Kanina pa namin inaaya na magpahinga ayaw nya...tawagin mo kaya" sagot ni jhong.

Tinignan ko lamang sya at pinagiisipan kung tatawagin ko sya..ng bigla akong sikuhin ni anne.

"Tawagin mo na sis"

"VHONG, MAGPAHINGA KA MUNA, baka mamaya mapano ka" pagtawag ko sakanya.

Bigla syang tumigil at lumingon saamin, kaya lumapit sya saamin at biglang kinuha ang tumbler kong hawak at ininom nya ito.

Nagulat ako..

"Salamat" sambit ni vhong at binalik ang tumbler saakin.

Umupo sya sa tabi ko at nagpupunas ng pawis. Ako naman ay hindi alam ang gagawin ko dito sa pwesto ko.

"Sis you look tense, anyare?" Tanong ni anne saakin.

"Ah wala" sagot ko at liningon naman ako ni vhong

"Nahihiya ka ba saakin?" Seryosong tanong ni vhong.

At bigla akong bumalik sa pagkatino ko at para bang nainis nanaman ako sa mukha nya.

"Ang baho mo na kasi amoy kang pawis"

"May naglaro bang hindi pinapawisan" at tumayo ito at naglaro ulit.

"Yung love hate relationship nyo ang cute" bulong ni anne saakin.

"Maglaro na nga lang tayo." Pagiiba ko ng usapan.

The Man I Hate (VHOICE)Where stories live. Discover now